"Oh bakit, hindi ka pa pumasok?" ang tanong ni lola Olivia kay Liwayway nang nauna na itong pumasok sa loob ng pintuan at siya ay nanatiling nakatayo sa entrada.
"Uh kailangan ko pong mag-alis ng sapin ko sa paa." Ang sagot niya.
Kumunot ang noo at umiling ang ulo ni lola Olivia, "no iha, hayaan mo na ang suot mong sandals huwag mo nang hubarin iyan."
Umiling ang kaniyang ulo at nagmatigas siya. Isa-isa niyang itinaas ang kaniyang paa para hilahin ang suot niyang sandalyas na lagpas-lagpasan ang kaniyang mga daliri. At saka siya tumapak sa loob ng bahay na nakayapak.
Nakita niyang napaatras ang ulo ni lola Olivia at sinulyapan nito ang kanilang kasunod na sina Rake at mommy nito. Maging sina Ace at Corbin ay pinagmasdan na lang sila.
"Ito po ang aming nakasanayan sa aming pamumuhay sa kabundukan." Ang kaniyang sagot. "Ito po ay sumisimbolo ng pag-iwan nang masamang espiritu sa labas ng tahanan...minsan po kasi meron tayong...mga nadala sa ating katawan at kailangan natin na iwan sila sa labas ng bahay."
Nanlaki ang mga mata ni lola Olivia, at hinintay niyang pagtawanan siya nito. Naalala niya nang ganun ang kaniyang ginawa sa bahay na naging kulungan niya nang ilang taon.
"Paespi-espiritu ka pa, tae lang ang ibig mong sabihin! Saka...mas malinis pa ang sapatos ko kaysa sa iyo! Ikaw ang hindi dapat pumasok sa loo ng pamamahay ko!"
At nang makita niya ang mga kamay nitong humawak sa magkabila nitong bewang ay hinanda na niya ang kaniyang sarili sa bulto ng mga masasakit na salita na ipupukol sa kaniya.
"Oh my! Kaya naman pala! Minamalas ako nitong mga nakaraan na araw at hindi ako makapag-book ng VIP show, baka nga may nabitbit akong masamang espiritu at aaligidaligid dito sa bahay, hala!" at nagbanggaan ang dalawang mga palad nito sa isa't isa.
"Tanggal ng mga sapatos, bawas linis na rin iyan at trabaho sa kasambahay natin," ang utos ni lola Olivia. At sinunod naman iyun nila Rake na nag-alis ng mga suot na sapatos.
"Agh, it feels orgasmic, ang sarap sa paa ng walang saptos parang nakakahinga ang mga paa ko, bakit ngayon ko lang ito naisip, dapat pala ganito na tayo noon pa dito sa bahay! Baka sinuwerte na ako at nakapag-jowa na ako ulit" ang sabi pa ni lola Olivia.
"C'mon the food is waiting at alam kong gutom na kayo," ang sabi ni lola Olivia.
Napabuntong-hininga si Liwayway habang tinutuyo niya ang kaniyang basa na buhok ng malaking tuwalya. Isa sa mga luho na masasabi niya sa buhay ay ang makagamit ng mga mababangong panlinis sa katawan. Naalala niya noon na tila isa siyang magnanakaw na nagpupuslit ng bote ng mabangong shampoo at sabon sa dating bahay na kaniyang tinirhan para lang mayroon siyang magamit.
Naalala niya noong nalaman na binilhan siya ng mga mamahaling shampoo at sabon at pabango ay isang masakit na sabunot ang sampal ang kaniyang natamo. Kasunod niyun ay laging binabantayan ng mga ito ang kaniyang silid para tingnan kung mayroon siyang mamahalin na gamit.
Pero dito? Malayang nakalagay lang ang mga iyun sa loob ng silid at sa banyo, ang sabi ng kaniyang isipan. Dinampot niya ang damit na ipinahiram sa kaniya ng mommy ni Rake. Inangat niya iyun at idinikit ang nightgown sa kaniyang katawan. At saka niya hinaplos ang malambot na tela gamit ang kaniyang palad.
Hmmm, mukhang masarap matulog sa damit na ito, ang kaniyang sabi at saka niya inalis ang nakatapis na tuwalya sa kaniyang dibdib. At saka niya isinuto ang kulay puting dress na walang mga manggas. Isinuot din niya ang manipis na panty na ibinigay sa kaniya ng mommy ni Rake.
BINABASA MO ANG
Breaking Mr. Rake (complete)
RomanceDriven with his willingness to prove that he's not just a "rake of a man" and also to prove his family that he too just like his older brother Ace can handle and manage a business. He eagerly packed up and left the city to visit the property above t...