Mabigat man ang loob ni Liwayway ay nakaramdam ng kagaangan ang kaniyang dibdib habang binabagtas niya ang daan pataas ng Nabalitokan a Langit. Nasa parte pa rin siya ng Agdungdung-aw nga Angin ang parte ng kabundukan na pagmamay-ari na ni Rake.
Dis oras na ng gabi nang marating niya ang Buenavista. Inihatid siya ni lola Olivia sa sakayan ng mga bus at ayaw man ay kinailangan niyang tanggapin ang pera na pamasahe na ibinigay nito sa kaniya para siya makauwi.
Ilang oras na siyang naglalakad na nakayapak nasira na kasi ang suot niyang sandalyas habang naglalakad siya paakyat sa malubak na daan. Binabagtas ang madilim na daan pabalik sa kaniyang tahanan. Ang naging tanglaw niya ay ag liwanag ng buwan at ng mga bituin.
Naalala niya ang nangyari nang sunduin siya ni lola Olivia. Nakiusap siya rito na bigyan siya ng pagkakataon na makausap ang mga magulang ni Rake at nais niyang ipagtapat ang katotohanan mula na mismo sa kaniya. Inilahad niya ang lahat mula nang gabing nangyari ang pagkawala ng alaala ni Rake at ang kaniyang pagpapanggap at ang dahilan ng kaniyang pagpapanggap.
Humingi rin siya ng tawad sa kaniyang nagawa at hindi pa rin siya makapaniwala na sa kabila ng kaniyang ginawa ay hindi siya nakarinig ng masasakit na salita at hindi nagpakita ng galit ang mga ito sa kaniya. Bagkus ay naintindihan pa siya ng mga ito.
At nang muling sumagi sa kaniyang isipan ang pangalan ni Rake ay nakaramdam na naman ng kirot ang kaniyang puso.
Masakit ang mga paratang at sumbat nito sa kaniya ngunit hindi niya puwedeng itanggi na iyun naman ang katotohanan. Ginamit niya ang pagkakataon at ang kawalan nito ng alaala para sa kaniyang layunin. At doon niya napagtanto na tama si Rake at mali siya nang sabihin nito na hindi parepareho ang tao.
Ang pagkakamali ng isa ay hindi pagkakamali ng lahat, ang sabi ng kaniyang isipan. Katulad niya...ang pagkakamaling nagawa niya kay Rake ay hindi pagkakamali ng buong Agba.
Isang buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan habang patuloy ang kaniyang paglalakad paakyat ng kabundukan na nakayapak na lamang. Nasira na kasi ang sandalyas na kaniyang suot habang binabagtas niya ang malubak na daan paakyat ng kabundukan.
At sa paglalakad ay doon niya napagtanto na tama si Rake. Napakalaki ng paghihirap at pagkukulang na tinatamasa ng kanilang tribu nang dahil sa walang pagbabago at pag-unlad ang kanilang komunidad. Napakalayo ng pamumuhay ng mga Agba at maging ng mga taga-Buenavista sa pamumuhay ng mga taga-Maynila at maging sa karatig nilang lalawigan na tinanggap ang pagbabago at pag-unlad.
Natanaw na ni Liwayway ang naglalakihang puno at muling narinig niya ang tunog ng dumadaloy na tubig ng ilog. May kalakasan ang tunog ng tubig tila ba wala rin itong kapayapaan katulad ng kaniyang puso at isipan.
Isang ngiti na malungkot ang gumuhit sa kaniyang mga labi at sa likod ng kalungkutan ay narakaramdam din siya ng pananabik. Dahil sa muli na siyang nakabalik sa Nabalitokan a Langit at sa kaniyang apong. Tila ba isa siyang sugatang ibon na kailangan na magpagaling ng mga pakpak nito ngunit para hindi na tuluyang lumipad. Kundi upangmanatiling nakatago sa pugad.
Naabot niya ang dulo ng tulay, tumayo siya sa hangganan sa pagitan ng dalawang naglalakihang puno sa bahagi ng Agdungdung-aw nga Angin o Steven's Peak. At kaniyang tinanaw ang kabilang bahagi ng tulay. Ilang hakbang na lang ay makikita na niya ang kaniyang apong. Ang tanging taong walang pagdadalawang-isip na mamahalin at tatanggapin siya.
At sa kabila ng tulay sa bahagi ng Nabalitokan a Langit ay mayroon siyang natanaw sa kabila ng kadiliman. Isa iyung taong naglalakad palapit sa tulay. Mabilis ang mga paghakbang nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/310316764-288-k254256.jpg)
BINABASA MO ANG
Breaking Mr. Rake (complete)
RomanceDriven with his willingness to prove that he's not just a "rake of a man" and also to prove his family that he too just like his older brother Ace can handle and manage a business. He eagerly packed up and left the city to visit the property above t...