CHAPTER 31

330 31 10
                                    

Nakita ni Liwayway ang pagtataka sa mga mata ni Rake. Kumunot ang noo nito at ang pilak nitong mga mata ay nakatuon sa kaniya na nagtatanong.

Mukhang kahit hindi ito makaalala ay hindi nito matanggap na magkakagusto ito sa isang katulad ko. Ano nga ba ang sinabi nito? Isa siyang taga-bundok. Ugh bakit mo kasi sinabi iyun saka sinabing makasarili ako, eh di sana nakakaalala ka.

"Nobya?" ang tanong nito.

"Oo, uhm ako ang kapareha mo, napili mong kapareha at ma...ma...mahalin, at ganun din ako sa iyo," ang sagot niya. "Kaya magtatanan na tayong dalawa." Saka niya hinila ang pulsuhan nito para patayuin na ito mula sa pagkakaupo nito sa kama.

Kailangan na nilang makaalis sa lugar na iyun. Mahirap na may makakita pa sa kanila lalo na kay Rake at makausap ito at malaman na wala itong natatandaan.

"Tanan?" ang naguguluhan nitong tanong habang tumatayo ito mula sa pagkakaupo sa kama.

"Magsapatos ka na," ang sagot niya rito.

"Wait...anong? Anong tanan?" ang naguguluhan nitong tanong sa kaniya.

Isang malakas na buga ng buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan. "Ugh, sa...sa biyahe ko na lang ipapaliwanag ang lahat sa iyo, ang importnate ay makaalis na tayo rito bago pa pumutok ang liwanag ng araw." Mahirap na at baka maabutan pa siya ni Isagani, ang bulong ng isipan niya.

"Ugh ano? Ako pa ba ang magsusuot ng sapatos mo?" ang inis niyang tanong ng hindi pa nito naiusuot ang sapatos nito.

"Wait." Ang sagot nito sa kaniya habang isinusuot nito ang sapatos na goma sa mga paa nito.

Dinampot niya ang mga hinubad nitong damit kagabi at isinuksok niyang lahat sa loob ng bag nito. "Dadalhin ko na ang bag mo sa sasakyan," ang sabi niya rito at saka siya dali-daling lumabas. At sa may sala ay napansin niya ang malaking sobre na hawak ni Rake nang mag-usap sila at bago ito mawalan ng alaala. Nilapitan niya ang sofa at dinampot niya ang sobre at saka niya binuksan ang takip nito. Hinila niya ang mga papel na nasa loob at pinasadahan niya ng tingin ang mga nakasulat sa papel.

Oo, marunong siyang magmaneho ng sasakyan at marunong siyang magbasa, ang pag-amin niya sa kaniyang sarili. At sa mga papel ay nabasa niya na iyun na ang mga papeles na paglilipat ng pagmamay-ari ng Agdungdung-aw nga Angin sa pangalan ni Rake DuPont at mga papeles ng bentahan.

Napakagat siya sa kaniyang pang-ibabang labi at saka niya ibinalik ang mga papel sa loob ng sobre.

"I'm ready." Ang narinig niyang sabi ni Rake at mabilis niyang itiago sa kaniyang likod ang sobre. At tiningnan niya si Rake na naglalakad palapit sa kaniya.

"What is that?" ang kunot noo nitong tanong.

"Uh...halika na." Ang kaniyang sagot. Tumango siya para sabihin na lumabas na sila ng bahay at sumunod ito sa kaniya. At ganun naman ang ginawa ni Rake. At pagkalabas nila ay agad nitong napansin na madilim ang paligid.

"It's dark...it's still dark." Ang sambit nito.

"Natural lang na madilim, kaya nga tanan hindi ba? Sa gabi iyun ginagawa hindi sa katanghalian," ang sagot niya at saka niya hinila ang pinto para tuluyan nang isara iyun. Hinawakan niyang muli ang pulsuhan ni Rake at hila-hila niya ito patungo sa labas ng gate kung saan naroon naghihintay ang sasakyan ni Rake na kakulay ng mga mata nito.

"I...I remember this...I remember this vehicle this is mine right? Naalala ko, na...nagdidrive ako sa...busy na daanan maraming sasakyan."

Breaking Mr. Rake (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon