CHAPTER 34

314 35 27
                                    

Nobya ka niya, nobya ka niya, ang bulong ng isipan ni Liwayway habang nakatayo siya sa likod ng nakapinid na pintuan. Tapos na siya sa kaniyang paliligo at palabas na sana siya ng banyo pero nanatili lang siya sa may pintuan habang hawak niya nang mahigpit ang tuwalyang nakatapis sa kaniyang katawan. May kaliitan man siya ay hindi pa rin ganun kalapad ang tuwalya para takpan ang buo niyang katawan. Umabot lang kasi sa kalahati ng kaniyang mga hita ang kulay puti na tuwalya. Naisip niya tuloy kung, paano pa kaya kung si Rake ang gagamit ng tuwalya? Baka makita na niya ang hindi dapat makita rito.

Isang malalim na buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan. Kailangan ko nang matutunan na umarteng nobya ni Rake lalo pa at haharap siya sa pamilya nito. Pero paano nga ba niya magagawa ang binabalak niya? Ang hindi matuloy ang proyekto ni Rake sa Agdungdung-aw nga Angin?

"Ugh, saka ko na iisipin ang bagay na iyan, ang importante ay makalabas ako ngayon mula rito," ang bulong niya sa sarili. Hinawakan niya ng mahigpit ang tuwalya. Ang isang kamay niya ay nakakapit sa kaniyang dibdib at yakap niya ang hinubad niyang damit. Habang ang isa naman ay nakahawak sa kaniyang mga hita upang maiwasan na bumukas ang tuwalya kapag maglalakad na siya.

Pinihit niya ang doorknob at mahina niyang hinila iyun at umaasa siyang nakatulog na si Rake dahil nga sa nahihilo na ito.

Pero, hindi. Gising na gising ito nang humakbang siya palabas ng banyo. Nakaupo ito sa isa sa mga silya sa may harapan ng mesa habang hawak nito ang telepono. At tila ba isa siyang batobalani na hinila niya ang paningin ni Rake pagtapak ng kaniyang mga paa palabas ng banyo.

Hindi ito nagsalita ngunit damang-dama niya ang presensiya nito. Lalo na ang pagkakapagkit ng mga pilak nitong mata sa kaniya. Ramdam niya ang pagsunod ng paningin nito sa kaniya habang naglalakad siya sa hindi niya malaman na deireksiyon. Hindi niya alam kung saan sila tutungo sa silid na iyun na biglang napakaliit para sa kaniya.

"I saw you," ang narinig niyang sambit nito at doon na niya tiningnan si Rake na nakatitig sa kaniya. Kahit pa malayo ito ay napansin niyang tila tumingkad ang pagkakakulay pilak ng mga mata ni Rake. Kulay abo iyun na kakulay ng madilim na ulap. "Nakita kita...nakita kitang hubo't hubad na naliligo sa isang talon." At iyun ang hindi niya inaasahan.

Nanlaki ang kaniyang mga mata nang dahil sa gulat at takot. Takot na totoo ang sinabi nitong nakita siya nitong nakahubad. Kung totoo man iyun ay paano? At Saan?

Hindi siya nakapagsalita at nanatiling nakatayo lamang siya sa tabi ng kama at nakatingin kay Rake habang mas lalong humigpit ang pagkakahawak ng kaniyang mga kamay sa tuwalyang tanging nagsisilbing panangga niya mula sa mga mata ni Rake.

"Nakita kita, sa waterfall, talon...yung parang...hagdan," at nang marinig niya ang sinabing iyun ni Rake ay nanlamig ang buo niyang katawan. Hindi dahil sa lamig sa loob ng silid kundi dahil sa nakumpirma niya na totoo ang sinasabi nito. Walang sinumang lalaki ang maaaring magtungo sa banal na talon na iyun, ang Agdan ti Diosa, at naalala niya noong araw ng pagpupulong, nang masaktan siya sa mga salitang sinabi ng ina ni Isagani sa kaniya. Nagtungo siya sa Agdan ti Diosa para linisin ang agam-agam sa kaniyang puso at isipan.

"Nakatayo ka at...nakahubad, naliligo ka? Oo...siguro, basta...I saw you, your...naked body na basa ng tubig, ang mga dibdib mo...ang iyung nipples na kulay pink, ang iyung..."

"Tumigil ka na!" ang sigaw niya at gusto na niyang maiyak nang sandali na iyun sa kahihiyan. Para siyang tanga na nakakapit nang mahigpit sa maikling tuwalya iyun pala nakita na nito ang kahubdan niya.

"Anong...anong ginagawa mo dun! Bakit ka nadun sa Agdan ti Diosa? Ipinagbabawal sa inyong mga lalaki na magtungo roon!" ang sigaw niya.

"Ugh hindi ko alam?" ang balewalang sagot nito sa kaniya na may pagkibit pa ng mga balikat nito. "And why are you angry? Bakit ka galit? You're beautiful...napakaganda mo, no wonder nahulog ako sa iyo at nain-love."

Breaking Mr. Rake (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon