Ang pagsuklay ng kaniyang ina sa kaniyang mahabang buhok habang umaawit ito ng tungkol sa paglisan ng minamahal, paanong...paanong papatayin siya ng kaniyang ina? Ang naguguluhan na tanong ng isipan ni Liwayway.
"Apong? Ano pong...Ania...ania ti ibagbagam?" ang tanong niyang may pagtataka. Walang dahilan para gawin iyun ng kaniyang ina.
"Liway...naabutan ko ang iyong ina...na inilulubog ka sa isa sa mga baitang ng Agdan ti Diosa,"ang sagot ni apong sa kaniya.
"Uh," mabilis na umiling ang kaniyang ulo at matipid siyang ngumiti, "apong, hindi...hindi...nagkakamali po kayo hindi gagawin sa akin iyun ni ina, ang nakita niyo po noon ay paraan para linisin niya ang aking isipan, ang sabi ni ina na kapag inilubog ko ang aking sarili sa hagdan ng tubig sa talon hanggang sa hindi na ako makahinga ay mabubura ang agam-agam sa aking puso at isipan."
"Alam ko po na...iba ang pag-uugali ni ina...hindi na ito nakikisalamuha sa ibang tao, mas gusto nitong magkulong sa silid at...magdasal nang magdasal, ang mag-alay at sumayaw sa mga espiritu, oo nga at tila ba may sarili na siyang mundo pero," umiling muli ang kaniyang ulo, "hindi...hindi niya kayang...gawin ang...sinabi mo apong." Ang giit niya ayaw niyang maniwala ngunit bakit maty kaba sa kaniyang dibdib. Hindi siya pagsisinungalingan ng kaniyang apong na handa nang isiwalat ang lahat sa kaniya.
Muling naramdaman niya ang pagpisil sa kaniyang palad at napansin niyang pahina nang pahina ang pagpisil nito. Tila ba kinakailangan nitong gumamit ng lakas para lanag sa mahinang pagpisil nito. At sa reyalidad na iyun ay naisip niyang gustong ilahad sa kaniya ng kaniyang apong ang buong katotohanan. At ang katotohanan din na unti-unti nang nanghihina ang kalusugan nito.
Ginagawa ba ito ni apong dahil sa alam nitong wala na itong ibang pagkakataon na saibihin sa kaniya ang katotohanan. Tinatawag na ba siya ng espiritu para sumama sa kalikasan?
"Liway...anak...ang ginagawa sa iyo ng iyong ina...ay paraan ng...pag-aalay ng buhay...sa mga diyosa sa talon, para...sa kasagutan ng panalangin, ng isang babaeng Agba...na iniwan ng kaniyang minamahal, isa ritwal na matagal nang ipinagbabawal dahil sa buhay ang kapalot nito, at ikaw...ikaw ang iaalay ng inyong ina Liway...papatayin ka niya."
Napasinghap si Liway hindi siya makapaniwala sa rebelasyon ng kaniyang apong. Pilit nitong inangat ang isa nitong kamay para ipatong sa likod ng kaniyang kamay na hawak na rin ng isa pang kamay nito.
"Liway...ang mga espiritu na rin ang nagtawag sa akin...kung bakit, nagtungo ako sa ipinagbabawal na talon, hindi ko magawang lumapit sa inyo noon dahil sa ayokong magdulot...ng kapahamakan sa lahat ng kalalakihan sa Agba, ang pagtungo ko sa ipinagbabawal na talon para sa aming mga lalaki, kaya naman, ang tanging nagawa ko na lang ay ang isigaw ang kaniyang pangalan, ang pangalan ng iyong ina...para mapigilan siya sa kaniyang ginagawa."
Hindi siya nakasagot hindi niya alam kung anong masasabi niya dahil sa rebelasyon ng kaniyang apong. Tila ba nang sandali na iyun ay nalunok niya ang kaniyang dila nang dahil sa pagkabigla.
"At...naisip ko na...baka sa susunod na gawin iyun ni Dalisay, ay mahuli na ako at..." huminto ang kaniyang apong at malungkot ang mga labi nito na ngumiti. "Kaya naman...wala na akong ibang nagawa pa...kundi ang...sulatan si Pierce...at makiusap na kunin ka niya...para sa iyong buhay...huli na nang mapagtanto ng iyong ina...na mas importante ang buhay mo kaysa sa pag-iibigan nila ng iyong ama...at huli na rin para sa akin para mapagtanto ko ang aking pagkakamali...dahil kinitil ng iyong ina ang kaniyang sariling buhay...at...pinagmalupitan ka naman sa poder ng iyong ama."
"Pinagsisihan ko ang aking nagawa Liway...isinip ko na...kung hinayaan ko na lang sana na magsama ang iyong ina at ama...baka sakaling masaya kayong namumuhay sa kung saan matatanggap kayo...bilang isang pamilya.
![](https://img.wattpad.com/cover/310316764-288-k254256.jpg)
BINABASA MO ANG
Breaking Mr. Rake (complete)
RomanceDriven with his willingness to prove that he's not just a "rake of a man" and also to prove his family that he too just like his older brother Ace can handle and manage a business. He eagerly packed up and left the city to visit the property above t...