CHAPTER 16

209 24 9
                                    

"Naimbag a bigat Liway," ang bati sa kaniya ni Isagani na papalapit sa kaniya. Umaga iyun at agad niyang pinuntahan ang tulay para tingnan kung naumpisahan na ang pagkukumpuni. Muli na naman kasing umulan at may kataasan ang tubig sa ilog. Kaya pa rin namang tawirin ngunit lubhang mapanganib para sa mga mag-aaral nilang bababa sa kabundukan para pumasok sa paaralan.

At naabutan nga niya sina Isagani kasama ang agtutubo nga adulto a lallaki na nagkukumpuni ng tulay.

"Naimbag a bigat Isagani...kasano ti panangtarimaanmo iti rangtay?" ang kaniyang tanong.

"Matatapos na rin naman namin ang pagkukumpuni, nakumpleto naman kasi agad ang mga gamit kaya nakapag-umpisa na kami." Ang sagot ni Isagani.

"Ang mga bata? Saan sila dumaan para pumasok?" ang kaniyang tanong. "Hindi ko na kasi sila...natanaw kanina nang papaalis na sila."

"Uh kanina kasi...kinukumpuni pa namin ang tulay kaya...sa ilog sila tumawid." Ang sagot ni Isagani sa kaniya.

Tumango ang kaniyang ulo at sinilip niyang muli ang kinukumpuning tulay. "Malapit na bang matapos?" ang tanong niya.

"Sakbay ti oras ti pangngaldaw, daytoy ti malpas," ang sagot sa kaniya ni Isagani at saka kumunot ang noo nito sa kaniya. "Bakit...kailangan mo bang...tumawid?"

"Uh..." ang kaniyang sambit at sumagi sa kaniyang isipan ang basket na kailangan niyang ibaba ng bundok. Iyun ang dahilan kung bakit hindi na niya nakausap pa ang mga kabataang pababa ng bundok para pumasok sa paaralan. Naging abala siya sa pangunguha ng mga kamote at mga bulaklak na kaniyang ibababa sa bayan. Kailangan niyang makabili ng gamot para sa kaniyang lolo.

"Oo kailangan ko kasi na...bumili ng gamot para kay apong," ang matapat niyang sagot.

"Ganun ba, kung gusto mo...ako na ang bababa ng Catalina para bumili ng gamot ni mangidadaulo." Ang giit sa kaniya ni Isagani.

Mabilis na umiling ang ulo ni Liwayway. "Hindi na Isagani, ako na ang bababa ng Catalina para bumili ng gamot ni apong." Ang sagot niya.

"Pero...simula na ng paghahanda Liway para sa ating nalalapit na pag-iisang dibdib...kailangan natin na mag-alay at sabi ni inang na magsisimula na kayong maghabi ng isusuot mo para sa ating pag-iisang dibdib."

Mabilis na tumango ang kaniyang ulo. "Naunawaan ko at hindi ko naman iyun nakalimutan Isagani, iyun lang kasi ay...kailangan ko na ako na mismo ang bababa ng bayan para makabili ng gamot ni apong."

Tumango ang ulo ni Isagani. "Mabuti at...natanggap mo na kailangan ni mangidadaulo na uminom ng makabagong gamot."

Kumunot ang kaniyang noo. Naisip na rin ba ni Isagani na kailangan na rin nila ng pagbabago sa kanilang pamumuhay?

"Kung para sa kapakanan ni apong, maliit na bagay lamang ito para sa akin...pero sana...hanggang dito na lang ang maaaring panghihimasok ng modernisasyon sa amin...sa ating buhay." Ang kaniyang mariin pang dugtong.

Bahagyang tumango ang ulo ni Isagani. "Sabi mo na...kailangan mo na bumili ng gamot ng iyong apong...may pera ka bang pambili ng gamot?"

Naramdaman niya ang pag-iinit ng kaniyang mga pisngi. "Mayroon kaya nga kailangan kong...bumaba ng Catalina."

Tumangu-tango si Isagani at ramdam niya pa rin ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya at tila ba hindi na ito nakatiis na tawagin ang kaniyang pangalan.

Breaking Mr. Rake (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon