CHAPTER 14

213 20 12
                                    

Ania ti ar-aramidenna ditoy?! Ang sigaw ng isipan ni Liwayway nang mamukhaan niya ang lalaking may kumikislap na abong mga mata na nakatayo sa kabilang bahagi ng tulay at kumitkita sa kaniya. Tila ba kinikilala siya nito.

Nanlaki ang kaniyang mga mata nang sa likuran nito ay doon lamang niya nakilala ang kasama ng lalaking estranghero. Ang gobernador at bise-gobernador ng Buenavista. Napansin niyang kinakausap ni gobernador Balisacan ang lalaki at sa pagkakatingin nito sa kaniya ay mukhang siya ang pinag-uusapan ng dalawa.

Anong ginagawa nila rito? Ang muling tanong ng kaniyang isipan at nang muling tumingin sa kaniya ang lalaking may makintaba na abong mga mata ay nakakunot ang noo nito at nabakasa niya ang gulat sa mukha nito.

Ukininam! Ang sigaw ng kaniyang ispan at saka mabilis na pumihit ang kaniyang katawan para talikuran ang mga ito. dali-dali siyang naglakad at kaniyang binalikan ang kaniyang basket na may mga kamote at walang lingon-likod siyang naglakad pabalik ng kanilang bahay.

Bakit siya nandito? Bakit sila nandito? Hinahanap ba niya ako at nagpasama siya sa gobernador at bise-gobernador? Pero bakit? Naligaw ba ulit siya kagabi at siya ang sinisisi nito? Ugh bakit siya ang sisisihin nito sa kaniyang katangahan! Ang sigaw ng isipan niya habang nagmamadali siyang pumasok sa loob ng kanilang bahay.

"Duldog!" ang bulong niyang pasigaw sa sarili at ang sinasabihan niya ay ang lalaking may kulay abong mga mata.

Pagkabukas niya ng pinto ay agad niya iyung isinara at dali-dali siyang nagtungo sa kusina para ilapag doon ang basket at saka naman niya isinara ang likuran na pinto.

Sandali niyang isinandal ang kaniyang likod sa nakapanid na pinto at isang malalim na buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan na sinabayan niya ng pagpikit ng kaniyang mga mata. At nang buksan niya ang kaniyang mga talukap ay napansin niya ang mga bintanang nakabukas nang husto.

"Ugh," ang kaniyang sambit. Itinulak niya ang kaniyang sarili papalayo sa pinto at saka siya dali-daling naglakad palapit sa mga bintana para hilahin at isara ang mga ito.

At saka siya yumukod at sumilip sa maliit na siwang sa bintana para tingnan kung nakasunod ang mga ito sa kaniya.

Sigurado siya na hindi makakatawid ang mga ito dahil sa hindi pa naaayos ang tulay. Pero bakit sila nandito? Hindi umaakyat ng bundok ang gobernador at bise-gobernador ng Buenavista maliban na lamang kung mayroong napakaimportanteng bagay na kailangan ipaalam sa kanila. Ngunit bibihira na ang mga ito ang umaakyat ng Nabalitokan a Langit, ang nakaugalian ay may mensahero lamang na pinapupunta sa kanilang lugar o di kaya naman sa mga kasamahang Agba na nasa ibaba ng bundok na panaglako ng mga ani.

Nanatili siyang nakasilip at ilang minuto na rin ang nagdaan. Nang mapagtanto niya na hindi naman sumunod sa kaniya ang gobernador at bise nito at ang lalaking estranghero na may abong mga mata.

Isang malalim na buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan na sinundan ng pagkunot ng kaniyang noo. "Pero bakit ba ako nagtatago?" Ang bulong niya sa kaniyang sarili.

"Apay nga agsipsiput ka nga ubing?"

"Yotninam!" ang gulat niyang sambit nang marinig niya ang boses sa kaniyang likuran. At nang mabilis na pumihit ang kaniyang katawan para tingnan ang kaniyang lolo na nakatayo sa ilang hakbang sa kaniyang likuran at kunot noo na nakatingin sa kaniya.

"Liway!" ang saway nito sa kaniyang sinabi.

"Pasensiya na po." Ang kaniyang paghingi niya ng paumanhin sa kaniyang lolo.

Breaking Mr. Rake (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon