CHAPTER 38

332 32 21
                                    

Tumayo si Liwayway sa dulo ng tulay, nasa parte siya ng dulo nito sa bahagi ng Agdungdung-aw nga Angin.

Nakabalik na siya? Nakabalik na siya ng Buenavista? Ang tanong ng kaniyang isipan. At babalik na siya ng Nabalitokan a Langit at ang tanging gagawin na lamang niya ay ang humakbang sa tulay para tumawid.

Lumingon siya sa kaniyang likuran para pagmasdan ang Agdungdung-aw nga Angin. Katulad nang Nabalitokan a Langit ay nanatili pa ring walang anumang progresyon ang lugar. Walang konstruksiyon ng resort na ipinapatayo.

Nagtagumpay na ba siya kaya siya naroon? Ang tanong pa niya. Muli niyang tiningnan ang kabilang bahagi ng tulay ang bahagi na nasa kanilang tahanan at doon nakatayo ang kaniyang apong.

Nagliwanag ang kaniyang mukha nang makita niya ang kaniyang lolo. Hinihintay siya nito para salubungin sa kaniyang pagbabalik.

"Apong," ang kaniyang masayang sambit. At saka siya nagsimula humkabang sa tulay para tumawid sa kabilang bahagi. Nakangiti siyang tumawid ng tulay at nagpatuloy siya sa kaniyang paglalakad para makatawid sa kabilang bahagi. Ngunit mayroon siyang napansin. Kanina pa siya naglalakad ngunit hindi pa rin siya nakakatawid at hindi pa rin siya nakakalapit sa kaniyang apong. Tila ba hindi siya umaalis sa kaniyang puwesto at patuloy lang siya sa paghakbang ngunit hindi siya nakakalayo.

Kumunot ang kaniyang noo at saka niya tiningnan muli ang kaniyang apong na unti-unting nawawala sa kaniyang paningin.

"Apong? Sandali! Aguray! dikay pumanaw!" ang sigaw niya at nagsimula nang bumilis ang bawat paghakbang niya para habulin ang kaniyang lolo na unti-unting nawawala ang imahe sa kaniyang paningin.

"Apong!" ang kaniyang sigaw.

"Liway!" ang narinig niyang sigaw sa kaniyang likuran. Huminto siya sa paghkbang para lumingon sa kaniyang likuran at dulong bahagi ng tulay sa bahagi ng Agdungdung-aw nga Angin ay nakatayo naman si Rake.

"Rake?" ang bulong niya sa pangalan nito. Napakapit siya nang mahigpit sa tali ng tulay nang maramdaman niyang dumuyan ito. Nang muli niyang narinig na tinawag ang kaniyang pangalan.

"Liway!" At sa kabilang bahagi ay nakatayo si Isagani na pumalit sa puwesto ng kaniyang apong.

"Intan!" Sigaw ni Isagani at inilahad nito ang kamay sa kaniya. Tumango ang kaniyang ulo ngunit bago pa man siya humakbang ay lumingon siya sa kaniyang likuran kung saan narooon pa rin si Rake na nakatayo. Walang salita o pagkilos itong ginawa. Nanatili lang itong nakatayo.

Muli niyang tiningnan si Isagani na nakaabot pa rin ang palad sa kaniya at saka siya tumango. Nagsimula siyang humakbang muli patawid sa Nabalitokan a Langit. Ngunit muling dumuyan ang tulay at muling napahinto ang kaniyang mga paa sa paghakbang at kumapit ang kaniyang mga kamay nang mahigpit sa mga lubid.

"Liway!" Ang muling pagtawag sa kaniyang pangalan. At kahit pa hindi siya lumingon ay alam niyang boses iyun ni Rake.

"Liway!" Ang sigaw naman ni Isagani na nakaaabot pa rin ang kamay sa kaniya. Muli siyang humakbang patungo sa direksyon ni Isagani ngunit isa-isang nakakalas at ang mga kahoy na tapakan.

"Hindi." Ang kaniyang bulong habang pinagmamasdan ang tulay na unti-unting nasisira. "Hindi." At nagpatuloy siya sa kaniyang paglalakad hanggang sa naging pagtakbo na ang kaniyang ginawa para makatawid patungo sa Nabalitokan a Langit.

Ngunit unti-unting nasira ang tulay hanggang sa wala na siyang matapakan na kahoy. Tiningnan niya si Isagani na nanatiling nakatayo sa kabilang bahagi. Lumingon siya sa kaniyang likuran at doon ay nakatayo pa rin si Rake at katulad nang mga tapakan na kahoy patungo sa Nabalitokan a Langit, ang patungo sa bahagi ni Rake tuluyan na ring nasira. At naiwan siya sa gitna ng tulay na nakatapak sa isang pirasong kahoy.

Breaking Mr. Rake (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon