CHAPTER 11

334 31 11
                                    

Hindi makapaniwala si Rake na ang daan na kaniyang pilit na tinaksan kagabi ay ang daan na kaniyang babagtasin. Ayun kay governor Balisacan na iyun din ang posibleng daan na kaniyang binagats kagabi dahil wala nang iba pang daan na paakyta pa maliban sa daan na iyun patungo sa tuktok ng bundok.

At dahil sa maliwanag nang umagang iyun kahit pa makulimlim ang kalangitan ay kitang-kita na niya ang daan na kaniyang binagtas at kahit pa malakas ang makina ng kaniyang SUV ay doon niya naramdaman ang tarik ng daan at ang nakakalulang taas ng kalsada. The steep cliff makes the winding and rough road made his climbed up the road slower and more careful. Kaunting maling pagliko lang ay siguradong magiging si Jack siya na magtumbling down hindi ng hill kundi ng mountain. At walang Jill na susunod sa kaniya. Saklap.

Naalala niya ang binatilyo na tumulong sa kaniya pababa ng daan. That moment he was thankful that they crossed paths last night kundi baka nadisgrasya na siya at babalik ang kaniyang napakagandang mukha at katawan at ang kaniyang pagkalalaki sa Manila na wala nang buhay.

Paano ito umakyat pabalik? Ang tanong ng isipan niya. At hindi na nasagot pa ang katanungan ng kaniyang isipan nang mapansin niya na huminto sa gilid ng daan ang nauunang sasakyan sa kaniyang harapan. Isa iyung pick-up at lulan nito ang governor at vice-governor ng Buenavista. Na napansin din niya na wala man lamang ni isang bodyguard na sumusunod o nakabuntot sa mga ito.

Maybe this part of the Philippines is safe after all? Ang sabi ng kaniyang isipan.

Itinabi niya rin ang kaniyang sasakyan. At katulad ng dalawa ay bumaba siya ng kaniyang SUV at naglakad siya sa mabatong daan palapit sa dalawang lalaking nakatayo sa gilid ng kalsada sa bahaging may matataas na damo at mga nagtataasan na puno habang sa kabilang bahagi naman ay ang matarik na cliff pababa.

Naalala niya kagabi na sa mataas na mga damong iyun niya nakita ang binatilyong tumulong sa kaniya.

"Is this the land?" ang kaniyang tanong.

"Actually this is the part of the land, ito ang pinakaentrance nito, ang donated land ang may access sa kalsada." Ang sagot sa kaniya ni governor Balisacan.

"How can you know we are in the right land?" ang kaniyang tanong dahil wala naman siyang nakitang sign, like private property, na kalimitan niyang nakikita sa mga property na mayroon nang may-ari.

"Oh...that three tall standing rocks? You see that?" ang tanong sa kaniya ni vice-governor at itinuro nito sa kaniya ang tatlong patulis at patayong bato na mas mataas pa sa kaniya.

"Oh so that's the boundary marks? Mohon?" ang kaniyang tanong na may pagtango ng kaniyang ulo habang nakatingala siya at tinitingnan niya ang tatlong bato na tila ba mga bantay sa gilid ng kalsada.

"Yeah, sa formal na katawagn pero para sa mga taga-rito na nakatira sa bundok lalo na ang mga Agba, dagiti panglakayen, those were the elders, Apo Langit, Apo Angin, and Apo Tudo." Ang sagot sa kaniya ni vice governor Sakay.

"Heaven, wind, and Rain." Ang sabat ni governor Balisacan. "They were the watchers, gatekeepers, guardian of the land."

Of course mountain myths. Ang sabi ng isipan niya. Lahat naman ng indigenous people ay may mga paniniwala.

"So where is...the entry way sa property?" ang tanong niya.

"Wait." Ang sabi ni governor Balisacan sa kaniya at itinaas nito ang kanan na kamay pointing his index finger up para sabihin na huminto muna sila. Naglakad ito palapit sa bunton ng mga nagtataasan na mga damo at saka ito yumukod na tila ba may hinahanap.

Breaking Mr. Rake (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon