CHAPTER 10

266 23 8
                                    


"I am so sorry to hear about the...inconveniences that you've experienced last night, while your own your way of finding our small town." Ang paghingi ng governor ng Buenavista kay Rake na si governor Balisacan.

Nagtaas ang kaniyang dalawang kilay at ibinalik niya ang kaniyang tasa sa saucer pagkatapos niyang humigop ng masasabi niyang isa sa masarap na kape na kaniyang natikman.

"Well it is quite an adventure, na ayoko nang gawin ulit." Ang kaniyang matapat na sagot. At nakita niyang bahagyang napangiwi ang ngiti sa mga labi ng gobernador.

"Ang alin? Ang umakyat ng bundok? O ang maligaw?" ang nakangiting tanong nito sa kaniya habang nakaupo ito sa kabilang bahagi ng mesa.

"I think both?" ang kaniyang sagot na may pagtaas pa rin ng kaniyang dalawang kilay. At isang mahinang tawa ang kaniyang narinig mula kay governor.

"So, how do you find our, small province? Especially our small town of Catalina." Ang tanong naman ng vice- governor ng Buenavista na si vice-gov Sakay sa kaniya. "Though hindi mo pa nalilibot ang buong lugar dahil sa...unfortunate circumstances."

"Malamig," ang kaniyang mabilis na sagot. "No wonder hindi na kailangan ng air-con sa lugar ninyo...and...thank you sa magandang accommodation lalo na ang water heater sa shower."

"Those were new amenities actually, para sa mga bisita namin, ang tanging inaangal na lang dito sa amin ay ang mahinang signal ng inrternet service...nasa katabing lalawigan kasi ang pinaka-tower ng isang network wala kamin rito mismo sa Buenavista." Ang sagot ni governor sa kaniya.

"Iyun sana ang gusto naming ma-improve." Ang sabat ni vice-gov at inilipat niya rito ang kaniyang atensiyon.

"And how can you do that?" ang tanong niya.

"With your help Mister Du Pont," ang sagot ni governor Balisacan sa kaniya. "You see, hindi namin itatanggi na ang Buenvista ay isa sa pinakamahirap na lalawigan though mayaman ang lalawigan na agrikultura ay mas malaking producer pa rin ang Benguet at iba pang karatig lalawigan, ng mga sariwang gulay, at sinamahan pa nila ng turismo...samantalang ang aming probinsiya ay napag-iiwanan, kahit pa sa infrastructure, masakit mang sabihin ay mas inuuna ng gobyernong pagandahin ang daan ng mga probinsiyang may mauunlad nang local ekonomiya, marahil na rin siguro ang isa sa dahilan ay ang paghiwalay namin sa dating kaisa naming lalawigan, kaya, masasabing napakabat pa ng aming lalawigan kung ang pagbabatayan ay ang pagkatatag nito hindi sa literal na edad ng lalawigan dahil sa, daang taon na kaming nag-eexist sa bansa."

"May sampung taon na ang nakalipas, buhat nang mapahiwalay at nagkaroon ng kasarinlan ang Buenavista at naging ganap na lalawigan, at hanggang ngayon ay hindi pa rin namin dama ang pag-unlad, marami na kaming nilapitan na mga investors pero walang gustong...magtake ng risk...takot silang mamuhunan sa aming probinsiya sa kabila nang pag-aalok na namin ng lupa ng libre, para idevelop...para sa turismo."

"Not until we met engineer the senior engineer Burke, nang magkaroon sila ng humanitarian project dito sa Buenavista, we opened up about the property and he said that, he has a man in his mind na...brave enough to take the risk." Ang sabat ni vice-governor Sakay habang nakatitig ang mga mata nitong singkit sa kaniya.

He wet his lips and nodded his head iyun na ang simula na kailangan na nilang pag-usapan ang tungkol sa business. And he was looking forward to it. Gusto na niyang matapos ang kaniyang pakay sa lugar na iyun at makabalik na sa normalidad.

"Now that you have opened up the topic, we might as well start to discuss about the property?" ang kaniyang sagot. "Actually, I have to be honest with you gentlemen, na...may nakarating sa akin na balita na...may mga katutubong nakatira sa property na inaalok ninyo and...if that is true, mukhang malabo na mag-pursue or even start something ...even a deal."

Breaking Mr. Rake (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon