Kumunot ang noo ni Rake and he waited for a barrage of memories to swift in his mind. Recollection of memories patungkol sa sinabi sa kaniya ni Ace. Pero wala.
"What are you talking about?" Ang kunot noo at naguguluhan niyang tanong at mahigpit niyang hinawakan ang lata ng beer.
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Ace at saka nito inihilamos ang kaliwang palad nito sa sariling mukha. "Listen Rake, ayaw pa sana naming sabihin ang tungkol dito sa iyo, dahil sa...wala ka pa ngang naaalala...but, I have to para lang magbago ang isipan mo na magpakasal na agad at magsama kayo ni Liway."
"You thought you love her, dahil iyun ang sinabi niya sa iyo, na kaya mo siya itinakas dahil sa mahal mo siya."
"What? Are you trying to imply na nagsisinungaling si Liway sa akin? Na gawa-gawa niya lang ang pagtanan ko sa kaniya?" Ang hamon ni Rake sa kapatid nito. Ramdam niya ang galit sa kaniyang dibdib dahil sa gusto nitong palabasing niloloko siya ni Liway.
Mabilis na umiling ang ulo ni Ace, "Jesus no," he paused and sigh, "maybe she told you you love her, dahil sa iyun ang sinabi mo sa kaniya."
"Because that's true," ang kaniyang mabilis na sagot. Hindi niya makakalimutan ang emosyon na naramdaman niya kanina nang manumbalik sa kaniyang isipan ang sandlaing iyun na napagtanto niyang mahal niya si Liway. Hindi niya alam kung kailan o saan iyun nangyari ngunit ang emosyon na kaniyang naramdaman ay ang tanging nanatiling nakatatak sa kaniyang isipan. Lalo na sa kaniyang puso.
"Iyun ang totoo." Ang giit pa niya.
"Rake...bago ka pa magtungo sa Buenavista, pinag-usapan natin ang tungkol sa maaaring maging problema na kaharapin sa pagpapatayo mo ng resortat iyun nga ang mga katutubong nakatira sa kabilang bahagi ng bundok at iyun ang tribu na kinabibilangan ni Liway, problema na marami nang humarap at ang iba ay pinalabas pa sa media at nagkaroon pa ng mga cases, but...you promised us na hindi iyun mangyayari, na gagawin mo ang lahat para hindi ka magkaroon ng problema sa pagpapatayo mo ng resort...then without hearing anything from you for almost a whole week nalaman na lang namin na may amnesia ka at may babae kang itinakas."
"Are you trying to tell me na...sinabi ko mahal ko si Liway, pinaniwala kong mahal ko siya para lang sa ipapatayo kong resort?" Ang hindi niya makapaniwala na tanong. At tumango ang ulo ni Ace sa kaniyang sinabi.
"I mean...honestly hindi ko sigurado, kung gusto mo talaga si Liway, kung talagang totoo ang sinabi mong mahal mo siya, but...between your promise of success para sa project mo? Mas matimbang na paniwalaan na ginamit mo lang si Liway para mapalapit ka sa mga Agba at makuha mo ang loob nila."
Umiling ang kaniyang ulo, "wala akong matandaan na may sinabi akong ganoon at wala rin akong matandaan na ginamit ko si Liway."
Umiling ang ulo ni Ace, "I don't know...really I don't know, siguro nga mali ako...kami, at sana nga totoo ang sinabi mo na mahal mo talaga si Liway dahil sa...masasaktan mo lang siya."
"I'm not going to hurt her." Ang kaniyang mabilis na sagot.
Tinitigan siya ni Ace bago ito humigop ng beer mula sa lata at saka ito nagsalita, "Hindi mo ba naisip ang magiging implication ng ginawa mo? Paano pa ang resort? Willing ka ba na isakripisyo ang investment mo?"
"No, kung anuman ang plano ko ay itutuloy ko, I need to review about that tomorrow para...maalala ko, iyun ang gagawin ko bukas and also ang pagpaplano ng kasal namin ni Liway, I have to make an honest woman of her."
Kumunot ang noo ni Ace, "Akala ko ba wala pang nangyayari?"
"Yeah, that's what she said, but apparently sinilipan ko siya habang naliligo siya sa talon." Ang kaniyang pag-amin at muling naglaro sa kaniyang isipan ang imahe ni Liway sa may waterfalls.
![](https://img.wattpad.com/cover/310316764-288-k254256.jpg)
BINABASA MO ANG
Breaking Mr. Rake (complete)
RomanceDriven with his willingness to prove that he's not just a "rake of a man" and also to prove his family that he too just like his older brother Ace can handle and manage a business. He eagerly packed up and left the city to visit the property above t...