Sabay-sabay na lumingon kay Rake ang kaniyang daddy at dalawang kapatid na lalaki. Mukhang hindi inaasahan ng mga ito ang kaniyang voluntary na offer na siya ay magtrabaho.
Katulad lang din naman kasi siya noon ng kaniyang kuya na si Ace na hindi masyadong nagsiseryoso sa pagpapakitang gilas sa trabaho lalo pa at nagagamdapanan naman niya ng maayos ang kaniyang bahagi sa kumapaniya. Kuntento siya na mayroon siyang posisyon sa company at nagtatrabaho nang magaan. Sumasahod, kumakain, at nagka-clubbing gabi-gabi. Not to mention ang perks ng pagiging magandang lalaki niya at iyun ay ang magsex gabi-gabi without any commitments.
"Are you sure?" ang sabay-sabay din na tanong ng mga ito sa kaniya.
Kumunot ang kaniyang noo at bahagyang napaatras ang kaniyang ulo. "Of course I am sure," ang mariin niyang sagot.
"I can go." Ang sabat ni Corbin at napairap ang kaniyang mga mata.
"You can't." Ang sabat naman ni Ace sa bunso nilang kapatid.
"Why?" ang kunot noo nitong tanong sa panganay sa kanilang tatlong magkakapatid.
"Because...you...are...going to do something for us." Ang sagot ni Ace na nagpasulyap-sulyap sa kaniya at sa kanilang daddy.
"I will do it dad." Ang kaniyang pag-uulit na sagot.
Tumango ang ulo ng kanilang daddy. "That's good to hear Rake, alam kong makakagawa ka ng magandang assessment sa property."
"Pfft, hindi nga makagawa ng magandang assessment sa babae niya iyan? Sa property pa kaya?" ang pambubuska sa kaniya ni Corbin.
Malakas siyang natawa. Hindi siya napipikon sa mga pambubuska sa kaniya ng mga kapatid. Para sa kanila harmless ang mga palitan nila ng pang-aasar.
"Gusto ko lang tumikim ng iba't ibang putahe." Ang nakangiti niyang sagot.
"Putahe mo mukha mo." Ang sabat naman ni Ace, "magtino ka na nga."
Tumikom ang kaniyang mga labi at saka siya sumulyap kay Corbin at mukhang pareho lang sila ng inisiip nito. At nang magtama nga ang kanilang mga paningin. Then they couldn't held the laughter and started to burst out laughing.
"Ha ha ha!"
"Yeah, coming from you talaga!"
"Uh, okey so I was a womanizer noon, pero hindi nga ngayon, and...I want to take my hands off sa anumang business with regards sa resort at hotel...I mean...not me doing the talking." Ang sagot pa nito sa kanila na may pagdidiin ng pagbanggit ng mga salita at pagtaas ng mga kilay.
"I am your son, for the job dad." Ang kaniyang nakangiting sabi sa kaniyang daddy.
"I know," ang sagot nito sa kaniya.
"What do you want me to do?" ang kaniyang tanong.
"Like what I have said, make an assessment first sa land kung mayroon bang potential, baka kasi malugi lang tayo sa first business venture natin outside the oil and metal industry."
Binawi ng kanilang daddy ang likod nito mula sa pagkakasandal sa backrest at saka nito itinukod ang mga bisig sa magkabilang hita nito para bahagyang ilapit ang mukha nito sa kaniya.
"Ikaw ang magiging mata namin, kaya naman pagkakatiwalaan namin ang magiging pasya mo...this is going to be your project."
"I'm up for the challenge dad." Ang kaniyang sagot.
BINABASA MO ANG
Breaking Mr. Rake (complete)
RomanceDriven with his willingness to prove that he's not just a "rake of a man" and also to prove his family that he too just like his older brother Ace can handle and manage a business. He eagerly packed up and left the city to visit the property above t...