Masama pa rin ang loob ni Liwayway nang lisanin niya ang opisina ng gobernador. Lumabas siya ng gusali yakap ang kaniyang basket sa kaniyang dibdib. Iyun na lamang ang paraan para maibsan ang sama ng loob na nasa kaniyang dibdib.
Naintindihan niya ang gobernador. Wala na itong magagwa dahil sa nabayaran na ang lupa at ang lalaiking taga-Maynila na ang may-ari nito. Ngunit hindi pa rin maiwasan ni Liwayway na makaramdam ng galit at hinanakit sa kaniyang dibdib.
Una sa asawa nang namayapang may-ari na si Pierce Stevens. Kung bakit ibinigay na lamang nito ang bahaging iyun ng kabundukan na alam naman nitong kabahagi ng kanilang tirahan. Kapag hindi sila pumayag ay mawawalan sila ng daan.
Pero mas mabuti na iyun hindi ba? Kaysa naman manatili ang tulay at buksang muli ang Nabalitokan a Langit sa mga estranghero na walang ibang dulot sa kanilang mga Agba kundi ang sirain ang katahimikan ng kanilang pamumuhay.
Walang magandang idudulot sa kanila ang pagbukas ng kanilang tahanan sa mga dayo. Kaguluhan lamang ang dala ng mga ito.
Katulad nang sandali na iyun. Nang magtungo ang lalaking si DuPont ay nagdulot na ito kaagad ng malaking suliranin para sa kaniyang apong. Kailangan nitong gumawa ng desisyon para sa pangkalahatan. Sigurado na kapag natuloy ang pagpupulong mamaya ay magkakahati-hati ang opinyon ng mga Agba at magdudulot iyun ng hindi pagkakaintindihan.
"Dagiti mangriribuk," ang gigil niyang bulong.
Hindi na baleng maglakad sila nang mas malayo pa kung isasara nito ang daan. Kaysa naman sa makakalabas-masok ang mga ito sa Nabalitokan a Langit at lalo na sa buhay ng mga Agba. Mas magiging karagdagan iyun na paglalakad lalo na sa mga kabataan.
Pero baka naman mabago pa niya ang lahat? Baka naman mabago pa niya ang isipan ng lalaking si DuPOnt kapag narinig niya ang dahilan ko? Ang tanong ng kaniyang isipan.
Pero nasaan siya? Sinabi nito na magbabalik ito para makipag-usap na muli sa kaniyang apong? Umuwi na siguro ito ng Manila, ang katulad nitong lalaki na lumaki sa karangyaan ay hindi makakayanan na manirahan sa kanilang lugar. Ang lugar nila ay isang pampaliaps oras o pampalipas lamang ng panahon lalo ng mga mayayamang taong nasa Maynila.
At hindi na siya papayag na mangyari iyun, ang galit na sabi ng kaniyang isipan habang naglalakad. Iniisip niya kung paano niya mahahanap ang lalaking si DuPont bago pa makagawa ng desisyon ang mga Agba.
Nagpatuloy siya sa kaniyang paglalakad nang maalala niya na kailangan niyang bumili ng gamot ng kaniyang apong at ng mga gagamitin nila sa bahay. Nakabili na rin siya kanina ng gas at sabon na panlaba sa mga nagtitinda sa tabing kalsada sa palengke. Nagtungo siya sa hilera ng mga tindahan para gawin ang pangalawa sa pakay niya sa pagbaba niya sa bayan.
Namuhay man siya ng payak at naayon sa kaugalian mayroong isang bagay na hindi niya maiwasan at para sa kaniya ay matatawag niyang luho. At iyun ay ang mga gamit sa paliligo. Gustong-gusto niya ang mabangong amoy ng sabon at siyampu sa kaniyang balat at sa kaniyang buhok.
"Ania ti gatangenyo?" ang tanong sa kaniya ng babaeng tindera na nasa likod ng salamin na eskaparate kung saan sa loob nito ay nakaayos ang iba't ibang mga bote.
"Kasapulan ti lima iti tunggal maysa." Ang sagot niya at ipinakita niya ang walang laman na pakete na gamot ng kaniyang lolo.
"Dayta laeng kadi?" tanong nito sa kaniya.
"Uh kasapulak ti lima a pakete ti shampoo pula, ken bassit a sabon ti bagi." Ang kaniyang sagot at itinuro niya ang maliliit na pakete ng siyampu at sabon na mabango. Sinabi nito ang halaga ng lahat ng kaniyang binili at iniabot niya ang nalalabing pera mula sa kaniyang napagbentahan.
BINABASA MO ANG
Breaking Mr. Rake (complete)
RomanceDriven with his willingness to prove that he's not just a "rake of a man" and also to prove his family that he too just like his older brother Ace can handle and manage a business. He eagerly packed up and left the city to visit the property above t...