"Kailan ang balik mo sa Maynila?" ang tanong ni apong Pilo kay Rake nang matapos ang pakikipag-usap niya rito tungkol sa pagtanggap ng mga ito sa kaniyang proposal.
"Sa Biyernes po, kailangan ko nang makabalik para magsimula ng plano, pagbibigyan ko lang po ang paanyaya ni mayor na maliit na kasiyahan."
Tumango ang ulo nito. "Salamat sa pagpunta mo rito sa aming imbitasyon."
"Hindiko po ito palalagpasin." Ang kaniyang sagot at tiningnan niya ang kapaligiran. Bago niya muling itinuon ang kaniyang atensiyon sa matandang lider ng Agba.
"Maari po ba ako na, maglakad-lakad sandali? Dito sa inyong lugar? Gusto ko lang makita ang ganda ng Na...Nabalitokan a Langit."
Tumango ang ulo nito, "pasasamahan kita kay Isagani."
Napasulyap siya kay Isagani na nakatayo hindi malayo sa likuran ni apong Pilo. At kasunod niyun ay umiling ang kaniyang ulo.
"Salamat po pero, maaari po ba sana na...mag-isa lang po akong maglalakad-lakad? Gusto ko po sanang...makapag-isip habang pinagmamasdan ang maganda ninyong lugar."
Matipid itong ngumiti. "Mukhang may gumugulo sa isipan mo?"
Opo ang nakita ko sa waterfalls. Ang sagot ng kaniyang isipan. "Wala naman po, gusto ko pong makita ang ganda ng inyong lugar habang gumagawa po ako ng plano."
Hindi ito agad na nagsalita. "May...mga bahagi ang aming tahanan dito sa Nabalitokan a Langit, na...sagrado at hindi maaaring puntahan ng sinuman kahit pa kaming mga Agba."
Tumango ang kaniyang ulo. He understands the hesitation of apong Pilo, isang katutubo ang mga ito at mayroon pa rin silang mga paniniwala.
"I understand...naintindihan ko po." Ang sagot niya.
"Pero, maaari kang maglakad-lakad sa paligid huwag ka lamang magpapakalayo dito sa mga kabahayan at huwag mo lang babaybayin ang daan pababa lalo na ang ilog." Ang paalala nito sa kaniya.
He should have done that yesterday ang umiwas sa ilog, ang sabi niya sa kaniyang sarili. Isang tikom ngiti ang iginawad niya sa matandang lider ng Agba.
"Tatandaan ko po at...marami pong salamat ulit." Ang kaniyang sagot. "Dadaan po ako ulit sa inyo bago po ako tumawid sa kabila."
"Sige." Ang matipid nitong sagot.
Binagtas niya ang daan patungo sa mga kabahayan. Ramdam niya ang mga mapagmasid na mga matang nakasunod at nakatuon sa kaniya. Alam ni Rake na maaaring nagtataka ang mga ito kung anong ginagawa niya sa lugar ng mga iyun at kung bakit mag-isa lamang siyang naglalakad.
He didn't anyone to accompany him. Hindi niya gusto yung may kasama siyang ipinapaliwanag at ipinapakilala ang mga lugar na kanilang pinupuntahan na tila ba isang tourist guide. Kahit pa nagbabakasyon siya, he wants to wander off alone. Mas gusto niya na tahimik niyang naa-assess ang isang lugar.
Nais niyang makita hindi man ang buong Nabalitokan a Langit ngunit kahit ang maliit na bahagi ng lugar ng mga Agba. He wanted to see the extent of how poor or rich ang living condition ng mga ito. baka sakali na makahanap pa siya ng ibang paraan para mas makatulong sa pamumuhay ng mga Agba.
Hindi niya pa nagagawa ang ganung mga bagay at gusto niyang simulan ito lalo pa at hindi pa naggawa ni isa sa kanilang pamilya ang tumulong sa mga indigenous people. Though they make annual charity works mga kilalang charity na sa metro Manila ang kanilang mga contacts at nagbibigay na lamang siya ng mga donation. Wala pang sila mismo ang first hand na tutulong sa mga ito, laging may mga channels.
BINABASA MO ANG
Breaking Mr. Rake (complete)
RomanceDriven with his willingness to prove that he's not just a "rake of a man" and also to prove his family that he too just like his older brother Ace can handle and manage a business. He eagerly packed up and left the city to visit the property above t...