"Naimbag a malem, mangidadaulo," ang magalang na pagbati ni Isagani kay apo Pilo. Hapon na iyun at oras para sa pag-aalay.
Tumango si Pilo na nakaupo sa upuan sa may labas sa harapan ng bahay. Hinihintay na nito si Isagani dahil sa inaasahan na nito ang pagtungo roon ng binata dahil sa hindi nagtungo si Liwayway sa bahay ng mga ito para sa oras ng pag-aalay.
"Naimbag a malem, Isagani," ang kaniyang sagot, "hinihintay ko ang pagdating mo."
"Si Liway po mangidadaulo?" ang tanong ni Isagani sa kaniya, "oras na po kasi ng pag-aalay at...hindi pa po siya nagpupunta sa bahay."
"Kaya nga kita hinihintay Isagani, maupo ka, gusto kitang makausap." Ang sagot ni apo Pilo at tinapik nito ang bakanteng espasyo sa mahabang upuan na kahoy na madalas nilang upuan ni Liway lalo na kapag gabi.
Tumango si Isagani at naupo ito sa tabi ni apo Pilo at hindi naman na pinatagal pa ni apo at inihayag na nito ang kailangan na malaman ni Isagani.
"Isagani, wala si Liwayway dito." Ang pauna niyang sambit at narinig niya ang mahina nitong bungtong-hininga.
"Bumaba na naman po ba siya sa Catalina?" ang tanong ni Isagani. Umiling ang ulo ni apo Pilo, "hindi Isagani, wala si Liway dito, wala siya sa Nabalitokan a Langit, at wala siya sa Buneavista." At doon ay napansin ni apo na nagitla si Isagani at lumingon ito sa kaniyang direksiyon.
"Ano pong ibig ninyong sabihin? Nasaan po si Liway?" ang nagtatakang tanong ni Isagani.
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni apo Pilo, "nasa maynila siya...kasama si Rake DuPont."
Bumagsak ang panga ni Isagani nang dahil sa gulat at nanlaki ang mga mata nito. "B-Bakit po?"
"Inimbitahan ako ni Rake kahapon papuntang Maynila para...maipakilala sa kumpaniya ng mga ito at mahingi ang...aking mga saloobin patungkol sa pagpapatayo nang sinasabing resort at...iyun makilala ang kaniyang pamilya...para makapagmasid? Makita ang proseso ng pagpaplano...pero...masyado na akong matanda para bumiyahe nang matagal na oras, kaya naman...si Liway ang aking ginawang kinatawan ko at sumama sa Maynila." Ang pagtatakip ni apo Pilo kay Liwayway. Halos hindi nakatulog ang matandang pinuno ng Agba kung anong iisipin na idadahilan kung bakit nawala si Liwayway.
"Pero...babalik na naman siya sa...lugar na iyun? Hindi ko po gustong kuwestiyunin ang inyo pong mga pasya apong, pero...alam po ninyo na hindi naging maganda ang naging karanasan ni Liway sa lugar na iyun."
Tumango ang ulo ni apo Pilo, "alam ko...ngunit, alam ko na ito na ang panahon para mabuksan muli ang isipan ni Liwayway lalo pa at...siya ang may malaking pagtutol sa gagawing proyekto na ito, kailangan na siya na mismo ang makakita kung makagaganda ba para sa ating mga Agba ang nasabing proyekto ni Rake."
"Babawiin niyo po ba at magbabago kayo ng desisyon kung mayroon na makitang hindi naaayos para sa ating Agba si Liway?" ang tanong ni Isagani sa kaniya.
"Isagani...sa oras na ito, ipapasa ko na sa iyo ang responsebilidad na magpasya para sa ating mga Agba," ang saad ni apo Pilo. Para sa kaniya kasi na hindi na siya nararapat pa na magdesisyun sa kanilang tribu dahil sa nagawa na niyang pagtakpan ang pagkakamali ng kaniyang apo. Ngunit hindi niya pinagsisihan ang desisyun niyang iyun. nais niyang makabawi sa kaniyang mga naging pagkukulang noon.
"Pero apong, hindi pa po ako ang mangidadaulo," ang giit ni Isagani.
"Isagani." Sandali na huminto si apo Pilo upang magbuntong-hininga at saka nito diretsong tiningnan sa mga mata si Isagani. "Kung ano man ang mangyari sa akin...ikaw lang ang natatangi at karapatdapat na humalili sa akin bilang susunod na mangidadaulo, iakaksal ka man o hindi kay Liwayway."
BINABASA MO ANG
Breaking Mr. Rake (complete)
RomanceDriven with his willingness to prove that he's not just a "rake of a man" and also to prove his family that he too just like his older brother Ace can handle and manage a business. He eagerly packed up and left the city to visit the property above t...