Bisita? A-anong ginagawa nila rito? Ang kinakabahan na tanong ng kaniyang isipan.
"Ubing...yung ipinapakisuyo ko sa iyo, sige na, ihanda mo na agad sa loob." Ang paalala sa kaniya ng kaniyang apong.
Hindi siya agad nakapagsalita at nanatili ang kaniyang mga mata na nakatingin sa tatlong lalaking naglalakad palapit sa kanila.
Bakit sila nandito? Ang dalawang may mataas na posisyon ng Buenavista kasama ang lalaking estrangherong taga- Maynila. Ano ang sadya nila sa Nabalitokan a Langit? Ano ang sadya nila sa kanilang apong? At tila ba nabato-balani siya sa kaniyang kinatatayuan dahil sa hindi na niya nagawang kumilos habang ang kaniyang mga malasinag ng araw na mata ay nakatitig sa mga kulay pilak na mga mata ng lalaking taga-Maynila. At ang puso niya ay nakaramdam ng kaba.
Masamang balita ba ang dala nito sa kanila? Tama na ang isang estragherong sumira sa kanilang buhay.
"Liway?" ang pagtawag sa kaniya ni Isagani. At ang pagkakasailalim niya sa isang gayuma ay nabali at kumurap-kurap ang kaniyang mga mata. At nang tingnan niya si Isagani ay nakita niya na nakatitig ito sa kaniya.
"Nasaysayaat no sumrekka," ang sabi sa kaniya ni Isagani at inalis nito ang tingin sa kaniya at itinuon sa kaniyang likuran at ramdam niya na mayroon nang taong nakatayo roon. At napasinghap siya nang marinig niyang muli ang boses ng lalaking may kulay pilak na mga mata.
"Magandang umaga po." Ang narinig niyang pagbati nito. At doon na siya tuluyan na lumingon sa kaniyang likuran at ang nakangiting mukha ng lalaking estranghero ang bumati sa kanila.
"Liway." Ang mariin na pagbanggit ni Isagani sa kaniyang pangalan.
Mariin siyang lumunok at ibinalik niya ang kaniyang tingin kay Isagani at saka siya tumango. At walang lingon-likod siyang naglakad papasok ng kanilang bahay.
Rake saw the horror in those golden eyes of the Agba girl when she quickly turned to look at him. And eventhough she was wearing a covering on her head and neck, her face was all visible to his eyes. And because it was daylight, he was able to have a hundred percent image of her in his eyes.
And he realized that she doesn't have that Agba features na nakita niya mula sa mga babaeng Agba na nakausap nila noon sa may bayan ng Catalina.
Her height and her straight long hair were the only similarities she has with the rest of the Agba women but her others were different. Foreign even.
They both have that light skin color katulad ng mga Agbang babae but she got that visible freckles underneath her eyes and across her nose na hindi niya napansin noong isinabay niya ito sa kaniyang sasakyan. and her nose, though matatangos ang ilong ng mga Agba ay iba ang ilong ng babaeng kaharap. She's got that pointy nose like a pixie.
And her eyes? She's definitely a different Agba.
"Magandang umaga po," ang kaniyang pagbati sa matandang Agba na kaniyang kaharap at sa tabi nito si Isagani na nakakatitig sa babaeng nakatayo naman sa harapan ng matandang Agba na sa kaniyang palagay ay ang pinuno ng Agba. And he also noticed that she was staring at him. It was like his being there stupefied her.
"Liway," ang narinig niyang mariin na sabi ni Isagani. At doon ay nawala ang pagkatulala ng babaeng narinig niyang may pangalan na Liway.
She turned her back at him. And she looked at Isagani before nodding her head and that's when she quickly walked away from them without even making a second look at them.
BINABASA MO ANG
Breaking Mr. Rake (complete)
RomanceDriven with his willingness to prove that he's not just a "rake of a man" and also to prove his family that he too just like his older brother Ace can handle and manage a business. He eagerly packed up and left the city to visit the property above t...