(note: again I am using an app and the internet for direct transalation of Tagalog/English words to Ilocano. If you find inconsistencies or errors, please bear with me and thank you for your understanding.)
(now back to our story.)
"Apong? Lo?" ang pagtawag ni Liwayway sa kaniyang lolo pagkapasok niya sa loob ng bahay bitbit ang mga inani niyang mga letsugas. Inilapag niya ang basket sa ibabaw ng kanilang mesa. Sasabawan niya ang mga ito at ilalahok sa karne ng baboy ramo na nakabilad sa ilalim ng init ng araw.
Dalawang baboyramo ang nasilo ng mga kalalakihan nitong nakaraan na linggo na pinamunuan ni Isagani. At pinaghati-hatian ang karne nito sa kung ilang pamilya ang mayroon sa kanilang komunindad.
Kadalasan na ang pinuno ng kanilang tribu ang may pinakamalaking parte sa huli ngunit isa iyun sa mga binago ng kaniyang apong o lolo. Pantay-pantay ang pagkakahati ng bawat huli, ani, o perang kinita sa lahat ng pamilya.
"Ubing...anak...nandito ako," ang sagot sa kaniya ng kaniyang lolo at sumilip ang ulo nito sa likurang pintuan kung saan naroon ang kanilang dalikan.
Bumagsak ang kaniyang mga balikat at saka siya naglakad palapit sa pintuan at doon nga ay nakita niya ang kaniyang lolo na nasa labas ng kanilang lutuan at sa kamay nito ang isang palayok.
"Ugh, Apong," ang kaniyang sambit at saka niya inalis ang balabal na nakatali sa kaniyang ulo at leeg. Ang panangga nila sa malamig na klima sa kabundukan at bilang nakaugalian na rin na pananamit sa ulo ng mga kababaihan na Agba.
Isnabit niya sa sandalan ng malapit na silya ang kaniyang balabal at saka siya humakbang palabas patungo sa kanilang dalikan.
"Bakit po kayo nandito?" ang kaniyang kunot noo na tanong. "At saka...akin na nga po iyan." At saka niya kinuha sa kamay nito ang hawak na palayok.
"Bakit mo naman ako pinagbabawalan ubing? Hindi na ba ako puwedeng magluto?" ang tanong ng kaniyang lolo sa kaniya na may kasamang pagtaas ng dalawang kulay puti nitong mga kilay.
"Opo, bawal po kayo ngayon dito sa lutuan at bawal din kayong kumilos...alam niyo naman pong maysakit pa kayo at kailangan niyo pang magpahinga." Ang giit niya sa kaniyang lolo. Inilapag niya ang palayok sa may kanilang kalan na ginagamitan ng kahoy at saka niya hinawakan ang bisig ng kaniyang lolo at iginiya niya ito pabalik sa loob ng kanilang bahay.
"Pero maganda na ang aking pakiramdam anak," ang sagot nito sa kaniya habang iginigiya niya ito papasok ng bahay at sa may kusina sila nagtungo dahil iyun ang pinakamalapit sa likuran na pintuan.
"Kahit na po." Ang mariin niyang sagot. "Kagagaling pa lang po ninyo, at saka... baka mayroon hindi magandang maidulot sa inyo ang pag-inom ninyo ng mga gamot na gawa sa kemikal...kaya hindi pa po tayo nakasisigurado."
Inilabas niya mula sa basket ang mga gulay na kaniyang ihahanda. Nang marinig niya ang mahinang buntong-hininga ng kaniyang lolo at saka nito sandaling kinagat ang pang-ibaba nitong labi.
"Ubing...anak...walang masamang naidudulot sa akin ang gamot...ang totoo niyan matagal ko nang iniinom ito at...palihim kong ipinabibili kay Isagani." Ang pagtatapat sa kaniya ng kaniyang lolo.
Natigilan ang kaniyang mga kamay at nanatiling hawak nito ang letsugas habang nakatingin siya sa kaniyang Apong na nahihiyang salubungin ang kaniyang mga mata.
"Uh." Ang kaniyang tanging sambit nang muling mahanap niya ang kaniyang boses. "Ganun po ba?" ang tanging naisagot niya at saka niya inilapag ang gulay sa mesa. Dinampot niya ang basket at naglakad siya patungo sa kanilang maliit na kusina sa loob ng bahay.
![](https://img.wattpad.com/cover/310316764-288-k254256.jpg)
BINABASA MO ANG
Breaking Mr. Rake (complete)
RomanceDriven with his willingness to prove that he's not just a "rake of a man" and also to prove his family that he too just like his older brother Ace can handle and manage a business. He eagerly packed up and left the city to visit the property above t...