CHAPTER 41

284 30 15
                                    

Nauna nang nagpaalam si Liway para makapagpahinga. Mukhang napagod ito nang husto sa pamamasyal nito. Kaya naman kinuha na ni Rake ang pagkakataon na iyun na makasama ang kaniyang pamilya at makilalang muli ang kaniyang nakaraan mula sa mga litrato sa photo album na inilabas ng kaniyang mommy. Mula nang mga bata pa lamang sila hanggang sa kanilang pagbibinata. Taon-taon ay mayroon silang kuha na pamilya at magkakapatid. At nang mag-asawa na nga ang kaniyang kuya na si Ace ay kasama sa tradisyon ang taon-taon na kuha ng mga litrato kasama na ang mga apo.

At tama nga ang sinabi ng doctor sa kaniya. He was able to recall some of the memories behind the photos kahit na matagal na iyong panahon because those were the memories that was deeply imbedded inside his brain.

May kasamang tawanan ang bawat kuwentong kaniyang naririnig lalo na kapag ang kaniyang lola Olivia ang nagluluwento. He really loves his lola's bubbly and naughty character. It was like there was and will never be a dull moment kapag si lola Olivia ang kasama niya.

Muli niyang binuklat ang isang pahina ng photo album at bumungad sa kaniya ang mukha na tila ba siya ay nagsasalamin.

"Sino ito? Ako ba ito bakit black and white ang picture?" Ang tanong niya habang tinitingnan niya ang isang lumang litrato ng lalaking halos kawangis niya.

'That's your grandpa iho, my husband...ang pogi hindi ba?" Ang nakangiting sagot ni lola Olivia sa kaniya.

"Of course kamukha ko siya! What's his name? I...I want to remember," ang nananabik niyang tanong.

"Alain...Alain DuPont, siya ang nag-iisang anak ni nina Florentine at Jean DuPont sila at ang isa pa nitong kapatid ang mga nagtatag ng kumapaniya kasama ang mga O' Shea." Ang saad ni lola Olivia.

"But...meron daw tumulong sa kanila hindi ba ma?" Ang sabat na tanong ng kaniyang daddy. "Mga old money from the north."

"De Luca I believe, if my memory is right, alam mo naman na mga lalaki lang ang naaalala ko." Ang pilyang sagot ni lola Olivia.

"Matagal na bang wala si lolo Alain?" Ang tanong niya at isang buntong-hininga ang pinakawalan ng kaniyang lola Olivia.

"Two years bago maisipan ng kuya Ace mo na manahimik na sa pagiging playboy niya." Ang sagot ni lola Olivia na may lungkot sa ngiti nito. Sigurado kong matutuwa iyun na makita ang kaniyang mga apo.

"Magkamukha kami ni lolo Alain, pareho rin ba kami ng ugali?" Muling usisa niya.

Mabilis na umiling ang kaniyang lola Olivia, "oh no, napakalayo, napakatorpe ng iyong lolo kabaligtaran sa iyo na papalit-palit ng babae...kaya nga hindi kami makapaniwala na hindi mo pa nakuha ang pagkabirhen ni Liway."

Babaero siya? Maybe that's the reason why he felt like he loves sex. Pero bakit hindi niya ramdam ang urge ng sex when he's with Liway?

"Speaking of Liway, bukas ay babalik na kami sa unit ko." Ang pagpapaalam niya sa kaniyang pamilya at agad niyang napansin na nagpalitan ang mga ito ng tingin.

"Rake, pero hindi ka pa magaling," ang giit ng kaniyang mommy.

"I know, pero unti-unting bumabalik ang memory ko, kung kailangan kong bumalik ang recent memory ko, kailangan kon gmag-stya sa lugar na recent kong tinirhan and that's my condo."

"Pero bakit kailangan na isama mo si Liway? Liway can stay here with us." Ang giit ng kaniyang mommy sa kaniya.

"Ugh, why? Is is because of what Ace told me?" ang tanong niya sa mga ito.

Breaking Mr. Rake (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon