Nanginig ang mga labi ni Liwayway habang nakatingin siya sa pirapirasong mga porselanang mangkok. At dahil sa hindi niya iyun sinasadya katulad nang kaniyang mga naunang ginawa para kainisan siya ng pamilya ni Rake ay labis ang hiya na kaniyang naramdaman at inaasahan na niya ang galit na ipapakita sa kaniya lalo na ni lola Olivia. Hindi lamang pagkain ang kaniyang sinayang kundi na rin ang mamahalin nitong gamit na mula pa sa ibang bansa at minana pa nito sa pamilya ng namayapa nitong asawa.
"L-Lola." Ang kaniyang kinakabahan na sambit habang nanlalaki ang mga mata ni lola Olivia na tiningnan ang mamahalin nitong gamit. At sa likuran nito ay naipon na ang iba pang miyembro ng pamilya ni Rake para tingnan ang komosyon.
"What happened?" Ang narinig niyang sambit ni lola Olivia at saka ito dali-daling naglakad palapit sa kaniya at nakakunot pa ang noo nito.
Dali-dali siyang lumuhod at isa-isang dinampot ng kaniyang kamay ang mga piraso ng porselanang nagkalat sa sahig kasama ng nagkalat na sarsa ng ulam na nagkalat sa sahig.
"Pasensiya...na po kayo...hindi...hindi ko po sinasadya." Ang maluha-luhang sambit ni Liwayway at tila na bimalik na naman siya sa malaking bahay na kaniyang tinuluyan noong siya ay bata pa. Hinintay niya ang kamay na dadapo sa kaniyang pisngi at sa kaniyang buhok. Muli siyang naging bata nang sandali na iyun.
"Patawad po." Ang naiiyak niyang sambit nanginginig na ang kaniyang mga kamay habang dinadampot ang mga piraso ng mangkok.
"Oh my god," ang narinig niyang sambit ni lola Olivia at napapikit ang kaniyang mga mata nang dahil sa hiya. At doon na niya naramdaman na lumuhod ito sa kaniyang tabi.
"Liway, iha, don't do that...huwag mo nang damputin ang mga iyan at baka masugatan ka pa." Ang sabi nito sa kaniya. At saka nito hinawakan ang kaniyang mga pulsuhan. At sa kaniyang tabi ay narinig na rin niya ang boses ni Rake.
"Honey, stop that...huwag mo nang damputin ang mga iyan." Ang malumanay nitong utos sa kaniya.
"Patawad po...hindi...hindi ko po sinasadya." Ang kaniyang paghingi ng tawad at sa pagkakataon na iyun ay tumulo na ang kaniyang mga luhang pilit niyang pinipigilan.
"Huwag mong alalahanin iyan, bowl lang iyan, puwedeng palitan pero ang mga kamay mo...oh my namumula, napaso ka ba?" Ang tanong nito sa kaniya na may pag-aalala.
"Papalitan ko po yung bowl." Ang kaniyang sagot na ikinakunot ng noo ni lola Olivia.
"Liway, I told you, huwag mo nang alalahanin ang mangkok na iyan, okey, ikaw ang inaalala ko, hindi ka ba nasaktan?" Ang sagot nito sa kaniya.
Hindi na siya nakapagsalita dahil nanikip na ang kaniyang lalamunan sa emosyong namuo sa kaniyang dibdib. Ang naging reaksiyon nito at kasagutan sa kaniyang nagawa ay hindi niya inaasahan. Talaga bang napakabuti ng loob ng pamilya ni Rake? Mayroon pa bang mayaman na tao na ganito ang trato sa kanila?
Umiling ang kaniyang ulo at naramdaman na lamang niya ang mga kamay ni Rake sa kaniyang magkabilang mga braso para marahan siyang hilahin at alalayan na makatayo.
"Let me see your hands?" Ang sambit pa ni lola Olivia at kinuha hinawakan nito ang kaniyang mga pulsuhan para tingnan ang kaniyang mga palad.
"Is she okey?" Ang narinig niyang tanong ng mommy ni Rake na nakatayo na rin sa tabi ni lola Olivia. At mas lalo siyang nakaramdam ng hiya. At kahit pa ayaw niyang makita siyang lumuluha ng mga ito ay hindi niya napigilan ang mga luhang pumatak mula sa kaniyang mga mata. At hindi na iyun dahil sa takot kundi sa ipinakitang kabutihan sa kaniya ng pamilya ni Rake.
BINABASA MO ANG
Breaking Mr. Rake (complete)
RomanceDriven with his willingness to prove that he's not just a "rake of a man" and also to prove his family that he too just like his older brother Ace can handle and manage a business. He eagerly packed up and left the city to visit the property above t...