CHAPTER 20

221 30 10
                                    

Hinila ni Liwayway ang pinto pagkalabas niya nang maihatid niya ang kape at ang kamoteng ipapakain sa kanilang bisita.

Gustuhin man niyang manatili sa loob para makinig at malaman ang dahilan kung bakit sila sinadya ng dalawang pinuno ng Buenavista at ng lalaking estranghero na mula sa Manila.

Pero wala siyang magagawa. Isa siyang babaeng Agba at labag sa kanilang kaugalian ang sumama sa mga pagpupulong. Para lamang ito sa mga kalalakihan.

Isang buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan at saka pumuhit ang kaniyang katawan kasabay ng paglingon niya sa kaniyang likuran para tingnan ang nakapinid na pintuan ng kanilang kusina. Tiningnan niya ang pinto at saka niya tuluyan itong hinarap.

Hindi man siya makakapasok sa loob para makinig puwede pa rin niyang malaman ang pinag-uusapan nila. Ang sabi ng kaniyang isipan.

Humakbang siya palapit at inilapit niya ang kaniyang mukha sa kahoy na pinto na gawa sa manipis na kahoy. At saka niya idinikit ang kaniyang tenga sa manipis na kahoy at nakinig siya nang mabuti.

"Napakasarap po ng kape ninyo." Ang narinig niya at kahit pa nasa labas siya ay nakilala niya kung sino ang nagmamay-ari ng boses nito.

"Iyan ay tanim namin dito sa Nabalitokan a Langit, may tanim din kaming palay, gulay, kamote at patatas, at mga bulaklak." Ang muling narinig niyang boses ng kaniyang apong.

"Kumain ka." Kumunot ang kaniyang noo at hinintay niyang tanggihan nito ang kanilang payak na pagkain na inihain. Ngunit wala siyang narinig na pagtanggi mula rito. At ang boses ng kaniyang lolo

"Itatanong ko ulit kung...ano ang sadya ninyo dito sa amin, sa Nabalitokan a Langit, sigurado na...hindi lang dahil sa kape."

"Maniwala po kayo na kadayo-dayo ang lasa ng inyong kape rito," ang narinig niyang patanong na sagot ng lalaking estranghero. Bahagyang napaatras ang kaniyang ulo at ngumuso ang kaniyang mga labi.

"Nambola pa," ang bulong niya. Muli niyang idinikit ang kaniyang tenga para makinig.

"Pero...tama po kayo na...hindi ang kape kung bakit kami naririto, nandito po ako para ipaalaam po sa inyo ang tungkol sa...kabilang bahagi ng bundok...yung sa kabila po ng tulay?" ang kaniyang panimula.

"Ah...Ag..."

"Agdungdung-aw nga Angin," ang bulong niya nang hindi mabigkas ng estranghero ang pangalan ng kabilang bahagi ng bundok. At kumunot ang kaniyang noo at nagsimula nang bumilis ang tibok ng kaniyang puso sa kaba.

"Agdungdung-aw nga Angin." Ang narinig niyang sabat ng isang boses.

"Opo...pasensiya na kung hindi ko po mabigkas...Steven's Peak...ang ipinangalan ng dating may-ari ng bahagi na iyun ng kabundukan na si Johnson Stevens."

At nang marinig niya ang pangalan ng dating may-ari ay kumuyom ang kaniyang mga palad at tumikom ang kaniyang mga labi. Ngunit biglang kumunot ang kaniyang noo nang mapagtanto niya ang sinabi nito. at iyun ang itinanong ng kaniyang apong.

"Dating may-ari?" ang nadinig niyang tanong nito.

"Opo dating may-ari...dahil mayroon na pong bagong may-ari ang Steven's Peak," ang narinig niyang sagot nito.

Bagong may-ari? Sino? Ang tanong ng isipan niya at mas lalo pa niyang idinikit ang kaniyang tenga.

"Ako po iyun."

Siya ang may-ari? "AH!" ang gulat niyang sambit nang biglang bumukas ang pinto. Hindi niya iyun naisara mula sa loob kaya naman kahit nakapinid iyun ay hindi naman iyun nakasara.

Breaking Mr. Rake (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon