"Lola Olivia?" Ang kunot noo na tanong ni Liwayway nang pagmulat niya ng kaniyang mga mata ay bumungad sa kaniya ang mukha ng lola ni Rake.
"The one and only, kamusta ang pakiramdam mo?" Sagot nito sa kaniya.
"Ma-maayos naman na po," ang kaniyang sagot.
"Good now, come on, gusmising ka na at bumangon! Tinatawag na tayo ng kalaliman ng gabi." Ang sagot nito sa kaniya at tinapik pa nito ang kaniyang braso.
Tinatawag ng gabi? May sa aran ba si lola Olivia? Tanong ng kaniyang isipan at saka niya itinulak ang kaniyang sarili para bumangon at maupo sa kama habang pinagmamasdan niya si lola Olivia na abala sa paghahalungkat sa loob ng closet kung saan niya inilagay ang kaniyang mga damit.
"Saan po tayo pupunta?" Ang kaniyang tanong habang nanatili pa rin siyang nakaupo sa kama at sinusundan niya ng tingin si lola Olivia na hindi magkandamayaw sa harapan ng closet.
"Yung sinabi kong lakad natin hindi ba? Hindi ko na puwedeng iurong kahit pa maga ang mga palad mo, pagdating mo dun iimpis na ang mga iyan maniwala ka sa akin, kapag ginamit mo na iyan na pampisil...kalimutan mo na muna iyang si Rake." Ang sagot ni lola Olivia sa kaniya at saka ito lumapit bitbit ang bestidang kulay itim na may manipis na tela. At doon niya napansin ang suot din ni lola Olivia. Isang dress iyun na kulay itim na may malalim na tabas sa dibdib nito kaya naman litaw din ang mga pisngi ng dibdib nito may mga pekas. At katulad ng bestidang binili nito sa kaniya ay manipis din ang tela nitong nakahubog sa maganda pa rin nitong katawan.
Hindi tuloy lubos maisip ni Liwayway ang malaking pagkakaiba ni lola Olivia sa mga may edad nang babaeng kaniyang nakasalamuha lalo na ang mga katulad nilang Agba. Siguradong luluwa ang mga mata ng mga kababaihang Agba sa kasuotan ni lola Olivia ngunit alam niyang magugustuhan ni apong si lola Olivia at hindi huhusgahan nang dahil sa pananamit nito dahil sa si lola Olivia ay mayroong mabuting kalooban.
"Sa tagal kong nagpapabook sa VIP ay ngayon lang ako napagbigyan, laging fully booked, mukhang...effective ang pag-aalay ko kasama ka sa harapan ng puno...sa susunod mag-aalay ako ulit isang sako na baka makita ko na ang bagong magpapatibok ng aking puso." Ang sabi nito sa kaniya na may kasunod na pagkindat ng mata nito.
"Come on honey...kailangan pa kitang ayusan...bago pa magising at maging dragon si Rake." Ang dugtong ni lola Olivia sa kaniya at saka siya hinila nito para tumayo na siya mula sa pagkakaupo niya sa kama at iginiya siya nito patungo sa banyo.
***
"Oh my god! You're so beautiful! Kaya naman na inlove agad ang apo ko sa iyo," ang sambit ni lola Olivia na may pananabik sa boses nito. Habang pareho silang nakaharap at nakatingin sa malaking salamin at pinagmamasdan nilang pareho ang kaniyang repleksiyon. At siya man ay namangha at halos hindi niya makilala ang kaniyang sarili sa salamin.
Inilugay nito ang kaniyang mahabang buhok na pinagupitan at nilagyan ng estilong hindi pantay-pantay ang gupit noong nagpunta sila sa isang mall. Bahagyang nilagyan ni lola Olivia ng kulay ang kaniyang mukha gamit ng mga pampaganda na nasa kaniyang mesa. Hindi nito nilagyan ng makapal na pulbo ang kaniyang mukha. Sabi ni lola Olivia na magandang makita ang pekas sa ilalim ng kaniyang mga mata at sa gitnang buto ng kaniyang ilong.
Ang nilagyan nito ng kulay ay ang kaniyang mga mata. Nilagyan nito ng guhit ang dulo ng kaniyang mga talukap halos kalapit ng mga pilikmata niya. Para raw ang kaniyang likas na singkit na mga mata ay bumuka at lumaking tingnan. Saka nito kinulayan ng matingkad na kulay tsokolate ang buong talukap ng kaniyang mga mata. At kitang-kita ang kulay gintong mga mata niya. At sa kaniyang mga labi ay halos kakulay lamang ng likas na kulay ng kaniyang mga bibig.
"Tayo kai ha, naku...siguradong pagkakaguluhan ka...uh hindi naman siguro magagalit ang mga dios at espiritu sa iyo...kasi sila naman eh...nagpapaganda rin para mapansin ng mga dios na tipo nila."
![](https://img.wattpad.com/cover/310316764-288-k254256.jpg)
BINABASA MO ANG
Breaking Mr. Rake (complete)
RomanceDriven with his willingness to prove that he's not just a "rake of a man" and also to prove his family that he too just like his older brother Ace can handle and manage a business. He eagerly packed up and left the city to visit the property above t...