Begin Again 21

97 3 0
                                    

Elianna Demi Rodriguez

Sa bawat pag lakad ko, at ginagawa kong hakbang kinakabahan ako. Naka cross fingers pa ako, papasok muna ako sa room ko bago ako papasok sa kanya.

I know he is mad and pissed. Kitang kita sa mukha niya.

Pagpasok ko sa room, isasara ko ulit sana iyon. Nabigla ako ng nakita ko siyang nakaupo at hinihintay ang pagpasok ko.

"Magbibihis lang ako Keanu" Sabi ko tila naiilang. Wala akong saplot! Tanging two piece ko lang yung gamit ko.

"Pinapakita mo nga sa baba yan" Umigting pa yung panga niya. Umiwas naman ako ng tingin sa kanya at dumiretso ng lakad at hinanap ang bathrobe.

"Aren't you ashame showing your skin downstairs, Elianna?" Hindi ko siya sinasagot. Damn! Asan na ba kasi yung bathrobe ko! Andito lang yun kanina. Giniginaw na ako.

"Answer me Mrs. Dela Vega" Napahinto naman ako sa paghahanap. Kinagat ko yung labi ko at napangiti. Pilyo talaga.

"Ge na, lalabas din ako pagkatapos kung magbihis" Sabi ko, hindi ko pa siya hinaharap dahil alam kong pula pa yung pisnge ko.

"Nahihiya ka sakin tapos sa kanila hindi? Damn Elianna! Makakapatay ako kanina!" Inis nitong sabi sakin. Hinarap ko naman siya, umiwas naman ito ng tingin. I know I'm sexy and hot.

"Wear" Sabay tapon niya ng bathrobe ko sakin, nalaglag naman nag bathrobe at kelangan ko pang pulutin.

"Damn Elianna!" Sabay talikod nito, I smirk. This is what you want, Keanu right?

Sinuot ko naman ang robe at tinirintas ito.

"Lumabas ka na" Sabi ko sabay lakad papuntang banyo.

Kinakabahan at kinikilig ako habang naliligo. Pangiti ngiti pa ako at pailing iling.

After 30 minutes, paglabas ko ng banyo, andun pa din siya, nakahiga at nakapikit ang mata. Tiningnan ko naman ito habang pinapatuyo ang buhok ko.

Umupo ako sa gilid ng kama na sobrang lapit niya sakin, I caress his face. Napangiti na lang ako. How can I get mad at you that will last for a week, love?

"Aren't you mad?" bahagyang nahuloy naman ako sa pagkabigla.

"Wag ka ngang manggulat!" Inis kong sigaw sa kanya. Kunwari galit. Hahaha.

"Then don't caress my face if you don't want me to wake up" Nakapoker face nitong sabi, umayos naman ako ng pagkakaupo, umupo din siya.

Suplado talaga.

"Don't. Do. That. Again. Elianna" Tiningnan ko naman siya, suplado din niya akong tiningnan.

"Subukan mong bumaba ulit na ganyan ang suot" Pagbabanta niya, nagmake face make face pa ako sa kanya. Wala na yung galit ko, nawala na.

Damn! Bakit palagi ko siyang binibigyan kahit dapat magalit ako.

"Hello! Mag-aano ako dito? Beach to!" Sabay irap ko pa sa kanya. Kahit bakas ng ngiti sa pagpamimilosopo ko sa kanya, wala. Sobrang seryoso ng kanyang poging mukha.

"Okay fine" I surrender. As if naman, mananalo ako kapag alam ko na tama siya at kahit ano pa diyan.

Alam kong hindi niya lang ako matitiis pero panalo naman siya palagi sa bangayan namin.

"Wear gown if ever"

"Are you kidding right?" Napatawa pa ako ng bahagya. Tinaasan niya lang ako ng kilay.

"I'll go, we will have dinner 7pm. Wear your sexiest two piece, I want you to wear it because I'm there to let others know that I have the most sexiest girl in the world, I own you" Dire-diretso nitong sabi at tumayo at lamabas ng kwarto.

Napanganga na lang ako sa sinabi niya pero napangiti rin.

Why so possessive, love?

**

6:50pm ng lumabas ako ng room, I spent my 2 hours nothing inside dahil tawag ng tawag si Keanu kahit pwede naman siyang pumasok.

I just used my floral tube dress at merong strap ng two piece ang lumalabas na kulay itim at naka bun lang yung buhok ko, paglabas ko ng room isang lalaking naka board shorts at sando na itim lang ito. Damn! Sexy love.

Napangiwi naman ito ng nakita niya ako, tinaasan ko naman siya ng kilay.

"I told you, wear your sexiest—"

"So ganun Dela Vega? Hindi ako sexy kahit nakaganito?" Sumingkit naman yung tingin ko sa kanya, tinawanan niya lang ako at hinawakan yung bewang ko.

"I wanna kiss you every minute, every hour and every day, love"

"Bolero" Sabay hampas ko ng upper abdomen niya, he winced.

Magkahawak lang yung kamay namin habang pababa ng lobby, yung babaeng pa cute kanina sa kanya napangiwi ng makita niya kami, napangisi naman ako. I told you, he is fucking mine.

Lumabas kami ng Astoria dahil outdoor yung dinner naming apat, gusto kasi ni Ate Kylie manuod ng fire dance. Habang lumalakad kami, maraming babaeng nagpapansin sa kanya, ughh! Bakit ba kasi nag ganito pa siya? Head turner niya talaga.

"Don't you dare look back at them, Mr. Dela Vega"

"Okay Mrs. Dela Vega" Sabay ngisi nito. Kinurot ko naman siya sa tagiliran niya, ayan na naman kasi siya sa panunukso niya eh.

Bring Back My Summer LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon