Elianna Demi Rodriguez
Pangiti ngiti ako habang tinitingnan ang sing sing na suot suot ko, ano kaya ang naiisip ni Keanu kapag tinitingnan din niya ang sing sing?
"Hoy Elianna!" Napamura naman ako sa pagkabigla ng pumasok si Rayna at Miracle sa kwarto ko.
"Kain tayo oh" Sabay lahad ni Rayna sakin ng mangga na merong bagoong.
"Ang baho! Ilayo mo nga yan" Inis kong sabi sa kanya at tumakbo papuntang banyo at dumuwal doon.
Since last week ko pa ito namamasid, yung palagi akong inaantok, naiinis ako, siguro sobrang stress na naman ako.
"OA mo" Sabi ni Miracle habang nakasandal sa pinto ng banyo at kumakain ng manga.
"Ilayo niyo nga yan sakin! Swear! Ang baho" At dumuwal ulit ako.
Ng matapos ako dun, binigyan naman ako ni Miracle ng tubig. Ininom ko naman iyon at bumalik sa pagkakahiga, sobrang bigat ng katawan ko at ewan ko ba! Limited naman yung kinakain ko, diet nga ako eh.
"Hoy Elianna Demi Rodriguez!" Tumingin naman ako ky Rayna na nakataas ang kilay.
"Kelan yung huling dumating yung regla mo?"
Wait. Last month, hindi dumating dahil akala ko delay lang ako. Siyempre, anemic ako eh, pero ngayon mag e-end na ang December, hindi pa din dumadating.
Napatakip naman ako sa baba ko.
"Elianna!!" Tili ni Miracle, parang galit at excited ang tili niya.
"Wag kayong OA! Anemic lang talaga ako" Sabi ko sa kanila, umupo naman sila sa magkabilang kama ko at na sa gitna pa nila ako.
"Nakailan kayo ni Keanu?"
"What!?" Halos napalaki naman yung dalawang mata ko.
"What if! What if ha!? What if mabuntis ka?"
"Siyempre, blessing to. Gaga ka ba" Tumawa naman si Miracle at Rayna sakin.
**
Bumihis ako kahit ang sobrang tamad ko, hindi din nag te-text si Keanu dahil nag night out sila kagabi nina David at William and for sure tulog pa yun.
Pagbaba ko, andoon na sa labas nag dalawang kaibigan ko na sobrang excited.
Hindi ko naman nakikita ang symptoms ng pagiging buntis sa sarili ko eh, kinakabahan ako sa bawat lakad namin.
Oo, nakailan kami palagi ni Keanu. Ng nahilo ako, humawak ako sa kamay ni Rayna.
"Edz? Okay ka lang?"
Mommy, Daddy, Kuya Emmet, and Keanu. Silang apat ang pumasok kaagad sa isip ko.
What if magalit sina Mom, Dad and Kuya sakin? Siyempre, sinong pamilya ba ang hindi magagalit kung nalaman nilang buntis ang anak nila?
Keanu, what if hindi niya panindigan?
I shook my head. Face the consequences Elianna.
"Wag mong isipin na tatakbohan ka ng pinsan ko, okay? Nakailang kwentohan na kami about sa future niyo" Sabay kindat pa ni Rayna sakin.
Ng nakapasok kami sa clinic kung saan ang Tita ni Miracle ang Obgyne, mas lalo lang bumilis ang tibok ng puso ko.
Kinakabahan ako, na e-excite ako. Mixed emotions and na fe-feel ko.
Ng kinabahan ako sa tapos ng test na ginawa ng OB sa akin, I imagine I am at Keanu's arms, I don't know kung bakit ganyan, siguro yan lang talaga kasi kelangan ko. Natatakot ako harapin yung parents ko kung SAKALING buntis nga ako, paano ko naman sasabihin ky Keanu?
"Congrats Elianna, you're 1 month pregnant"
My heart felt excitement and then get crash.
"Magiging Tita slash Ninang na tayo!!" Sobrang sayang sabi ni Rayna at niyakap pa ako.
Ngumiti ako at naramdaman ko naman yung init sa sulok ng mga mata ko. Nung hinawakan ko yung tiyan ko, I smiled.
No worries, this is a blessing. This is the result of our love.
Sobrang excited ko para sabihin ky Keanu, hihintayin ko na lang siya mamaya sa bahay bago ko sabihin sa kanya, yung takot at kaba na naramdaman ko kanina, ewan ko bigla na lang nawala.
I'll be spending the rest of my life with Keanu Dela Vega, at binayayaan pa kami.
BINABASA MO ANG
Bring Back My Summer Love
RomanceUmuwi nga ng Pilipinas na mag-isa si Elianna. Umuwi siyang bigo, iniwan at nasasaktan na naman. Keanu left her hanging. Paano kaya yung mararamdaman niya kung makita niya ulit si Keanu? Kung ang patungo ni Keanu sa kanya, hindi na yung tulad ng SUM...