Begin Again 31

92 5 0
                                    

Elianna Demi Rodriguez

Ng matapos yung ky Daddy, nagsibalikan naman yung iba sa kainan. Patingin tingin pa rin ako sa paligid hinahanap si Keanu, hindi din ito ng text sa akin kung saan. Nakakailang tawag na ako pero hindi ito sumasagot.

Lalapit sana ako ky Ate Kylie ng merong lumapit sa kanya at merong bumulong, nabigla naman at namutla, mabilis naman itong tumayo at lumakad, sumunod naman si Kuya Joshua sa kanya. Nagtama naman yung tingin namin ni Rayna, she shrug. Nakakunot lang yung noo ko.

Sinundan ko naman si Ate Kylie palabas ng hall gamit ng mga mata ko, magkahawak ang dalawang kamay nito at meron siyang sinasabi ky Kuya Joshua, ng masabi niya yun dali dali naman silang lumabas.

Kinabahan naman ako bigla, bumaba ako ng stage at lumakad palabas, hinubad ko naman yung suot suot kong stiletto, napatingin naman ang iba sakin. Lumapit naman si Mommy sakin.

"What's wrong?"

"I don't know Mom, wait lang" Sabi ko at tumakbo palabas ng hall.

Ewan ko, sa bawat galaw ko kinakabahan ako sa mga nangyayari. Isang tao lang ang pumasok sa isip ko, no other than Keanu Dela Vega.

"Elianna, sandali" Napahinto naman ako sa pagtakbo at hinarap si Rayna na tumatakbo, kasabay ng pagtakbo niya, andoon din si Miracle, si Kuya, Mommy at Daddy.

"Saan ka pupunta?" Hinihingal na tanong nito.

"Para kasing merong iba eh" Sabi ko at patuloy na lumakad ng mabilis. Ng na sa lobby ako, hinanap ko pa si Ate Kylie, at nakita ko naman siya malapit sa parking lot ng hotel, napahinto ito at gumagalaw ang kanyang balikat na tila humihikbi.

Tumakbo naman ako sa labas na sobrang kinakabahan na talaga.

"Oh my gosh, Joshua" Rinig ko pang sabi ni Ate Kylie, napatingin naman ako sa gawi kung saan sila napatingin.

At ng tiningnan ko iyon, parang tumigil sa pagikot ang mundo ko, parang matutumba ako sa nakikita ko, yung parang mawawalan ka na ng buhay, yung sana hindi na lang nangyari to.

"Oh my God!!" –Rayna

"Elianna.. Elianna" Naramdaman ko naman ang paghawak ni Mommy sa braso ko.

"Keanu!!!!" Sigaw ko at lumapit sa kanya.

"Elianna!!" Sigaw nilang lahat, hindi ko pinansin iyon, yung tangin nakikita ko lang ngayon ay yung taong mahal ko, yung taong hinihintay ko na nakahiga sa daan habang naliligo sa kanyang sariling dugo, maraming tao ang nakalibot dito, umagos yung luha ko at hinawakan ang kanyang mukha habang wala na itong malay.

"Keanu.. Keanu.. wake up.." Sabay tapik ko ng pisnge niya.

"Keanu" Umupo naman si Ate Kylie sa tabi ko at ginigising din ang kanyang kapatid.

I crumple completely when I see this man lying full of blood.

"Edz, andiyan na yung ambulansya" Sabay kuha ni Daddy sakin. I shook my head.

"Love, wake up"

"Keanu ano ba!"

"Keanu naman eh!"

Naiinis kong sigaw sa kanya at tinapik ang kanyang mukha, kinuha naman ako nina Kuya pero pumipiglas ako.

My boyfriend is unconscious right now!

Napahagolhol ako ng iyak ng kinukuha nila si Keanu at pinapasok sa ambulance. Niyakap naman ako ni Kuya.

"Ano..ano ba nangyari?" Naiiyak na tanong ko.

"Edz, we're going" Sabi ni Kuya Joshua at inalalayan pa si Ate Kylie na parang wala sa sarili sa nakita niya.

Tumango naman ako sa kanya at tiningnan sina Daddy. Tumango din si Daddy at tumakbo para kunin yung sasakyan. Pagdating ni Dad, sumakay naman kami dito kahit hindi kami ganun ka kasya.

I want to see Keanu. I don't want to lose him.

Gandang regalo naman yung nabigay sakin.

Nanginginig na ako at sobrang lakas na ng iyak ko. Pinapatahan ako nina Rayna at Miracle pero kinakabahan lang ako sa pwedeng mangyari ky Keanu.

Pagdating ng hospital, dali dali naman kaming lumabas at pumunta sa emergency room, nakaupo naman doon si Ate Kylie habang nakatakip ng kanyang mukha habang si Kuya Joshua naman inalalayan siya at niyayakap.

"Ate.. Ate Kylie" Sabi ko, tumayo naman ito at niyakap ako.

"Elianna" sabay iyak nito, niyakap ko din si Ate Kylie at napaiyak din. Tiningnan ko naman yung pinto ng emergency room.

"Nasagasaan siya, at planadong sagasa iyon" Sabay tayo ni Kuya Joshua at lumapit samin. Kumunot naman yung noo ko.

"The hotel has an CCTV camera, we just need to get a copy. I will come back here, I will do this" Wala sa sarili naman akong tumango, humalik naman si Kuya Joshua ky Ate Kylie at nagpaalam. Dali dali naman itong lumakad sa hallway ng hospital.

Umupo naman ako sa isang sulok at napahilamos sa mukha ko. Wala akong pake kung ano na yung itchura ko, kung iniwan ko yung party ko, kung ano ngayon. Ang sa akin lang ngayon, ang kalagayan ni Keanu.

I am not fine, I am slowly dying. I won't lose him, I know God can explain.

Can someone slap me and wake me up kung isang bangungot lang ito?

"Elianna. Hindi natin alam ang nangyari, ipagdasal na lang natin si Keanu" Sabay yakap ni Mommy sakin.

Naiiyak lang ako na naiiyak. Hindi ko alam ang gagawin ko.

Papa Jesus, alam kong hindi mabait si Keanu, alam kong madaming ginawa yan sa buhay niya na hindi tama. Alam kong binabago din niya sarili niya, Papa God, save him. Save him kung ano man yan ngayon. Alam ko na ikaw lang ang nakakaalam ng totoong nangyari at kung sino yung may kagagawan. Guide him for his operation, wag mo siyang pababayaan. You're the center of his life.

"Mommy" Sabay yakap ko ky Mommy at naiyak na naman.

He is full of his own blood, walang kaaalam alam kung ano ba talaga ang totoong nangyari sa kanya.

15 minutes passed.

1 hour

2 hours

3 hours

Hindi pa rin lumalabas ang doctor. Walang ni isa ang nagsasalita sa amin. Niyayakap ni Rayna si Ate Kylie, niyayakap ako ni Mommy, si Miracle naman umuupo sa tabi ni Rayna, si Daddy at Kuya naman nag-uusap na pwedeng maitulong nila.

"Joshua" Napatayo naman ako sa pagtawag ni Ate Kylie sa kanyang asawa.

Lumapit naman si Kuya Joshua sa amin at binigay niya ang kanyang iPhone ky Ate Kylie, pinanuod naman namin kung ano ang meron dun.

Isang Gallardo ang nagpark sa gilid ng Hotel at bumaba si Keanu doon na parang nagmamadali papasok sa loob, tiningnan niya naman ang relo niya at inayos pa yung buhok at suit niya. Meron pa itong kinuha sa bulsa ng kanyang coat at merong nilabas na pulang lalagyan, tinago niya ulit ito at sa bilig ng pangyayari merong sasakyan na sumagasa sa kanya. Nalaglag ang panga ko kung kaninong sasakyan iyon.

Yellow Fiat Strada owned by Benjamin Domingo.

At ng masagasaan si Keanu, huminto ang sasakyan at bumukas ito pero hindi lumayo, ng makita niya na walang malay si Keanu, dalawang putok ng baril naman kaagad ito at natamaan sa kaliwang braso.

Tiningnan ko naman si Keanu sa video at hinawakan ng mahigpit ang pulang box na hawak hawak niya, pinaharurot naman kaagad ni Benjamin ang sasakyan niya at tuluyan na itong nawala.

"No.. no. no" Sabi ko habang nakatakip sa bibig ko.

"That fucking demon" Inis na sabi ni Rayna.

Napahawak naman ako sa batok ko at tuluyan ng dumilim ang paligid ko.

Bring Back My Summer LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon