Elianna Demi Rodriguez
6pm na kami nakauwi ni Miracle, si Miracle yung ng drive dahil tinatamad ako. Kumakain kasi ako ng balot kaya gusto ko concentration.
"Bili pa tayo, Miracle"
"Tama na nga yan! Ang taba mo na kain ng kain Edz" Sinimangotan ko naman siya at inirapan, tumingin naman ako sa tiyan ko at sa braso ko.
Paano kaya kung mas maging mataba ako sa susunod pa na mga buwan? After kong manganak? Baka humanap si Keanu ng iba?
Dali dali ko naman kinuha yung iPhone ko at tinext siya kung ano man yung pumasok sa isip ko, ilang minuto itong hindi nakareply, pagpark ni Miracle ng sasakyan, sakto naman na ng vibrate yung iPhone ko.
From: Love
Love, I'm yours and I'll be yours. Until the stars fall from the sky, until the rivers all run dry in other words until I die.
Napakagat naman ako sa labi ko at ngumiti.
"Elianna look who's there" Nginuso naman ni Miracle yung lalaking nakatayo sa labas ng bahay namin habang nakasandal sa kanyang kotse.
That nerve of that guy.
Lumabas naman ako ng sasakyan at sakto naman napatingin si Benjamin sa amin ni Miracle.
"Pasok na ako Edz" Humalik naman si Miracle sa pisnge ko at lumakad papunta sa kanila, lumapit naman si Benj sa akin at umatras naman ako. Inirapan ko pa siya at lumakad sa ibang direksyon para makapasok ng bahay pero hinawakan niya ako ng mahigpit sa kamay.
"Benj ano ba"
Lumambot naman yung kanyang mukha at niyakap lang ako bigla, tinulak ko naman siya ng bahagya, napaawang naman ang kanyang labi.
"Wala naman si Keanu—"
"Bakit na naman ba Benj?"
"Come with me Edz, meron akong ipapakita sa'yo" Sabay hawak niya ng pulso ko, mabilis ko naman ito kinuha sa kanya.
Hindi ko pa nga siya pinatawad sa pag bangga niya ky Keanu, hinayaan lang siya ni Keanu tapos ito na naman siya? Manggugulo na naman?
"Elianna!" Sigaw nito sa akin at mabilis niya hinawi yung bewang ko muntik na akong ma out of balance pero sinalo niya ako. Halos kinabahan ako ng sobra doon.
"Benj please, wag na. Buntis ako" Pagmamakaawa ko sa kanya, umiling naman ito at tumingin ng matalin sa akin, bumaba naman yung tingin niya sa tiyan ko at binalik ulit sa mukha ko.
"Hindi kita sasaktan, sumama ka lang sakin" Sabay lapit pa nito sa akin at hinalikan ako sa leeg, mabilis naman na lumipad yung kamay ko sa pisnge niya.
Mas lalo niya lang ako diniin sa katawan niya, nararamdaman na niya yung laki ng tiyan ko, sobrang higpit ang paghawak niya sa bewang ko.
"Now that Keanu isn't here, kaya kitang kunin. Alam kong wala kang lakas ngayon, Edz. Sumama ka sakin sa Canada"
"Benj naman eh!" And with my all force tinulak ko at, ng makaalis ako sa kanya umatras ako ng kaonti sa kanya. Kinakabahan na ako sa kanya.
Forgive? Yes. Forget? Never.
"Benjamin naman eh! Magkakapamilya na kami ni Keanu! Pwede ba! Tumahimik ka na lang"
Umigting naman yung panga nita at lumapit sa akin, ng umatras ako at gate na namin yun. And shit! Lock pa ito, I reach the doorbell pero mukhang walang tao sa loob.
Kinakabahan na ako, umiinit na yung sulok ng mga mata ko. Hindi ko alam yung gagawin ko, ibang Benjamin Domingo yung nakikita ko.
"You're a bastard, Benj. And that's a fact"
Ngumisi naman ito at lumapit pa ng kaonti sa akin. Iniwas ko naman yung tingin ko sa kanya.
"You know what, Edz. I can't live without you"
"Then die Benjamin!"
Mas lalo lang uminit yung ulo ko ng hinawakan niya ako ng mahigpit sa braso at hinigit na parang hindi ako babae, na parang hindi ako buntis.
"Sumama ka na! Wala kang makukuha ky Keanu!" Sa pag sigaw ni Benj sa akin, tuloyan nang tumulo yung mga luha ko.
Takot at inis yung nararamdaman ko. I want to reach my phone and call Keanu pero hindi ko hawak hawak ang phone ko.
Sinandal ako ni Benjamin sa kotse niya at kinulong ako gamit ng dalawang braso niya, tinutulak tulak ko naman siya pero hindi ito nagpapatinag.
"Benjamin!" Sobrang lakas na ng sigaw ko at sinampal siya ng hindi ako makaalis sa harap niya, Lumapit ako ng bahagya sa kanya ng malakas niya akong tinulak pabalik sa pagsandal sa kanyang kotse, naramdaman ko naman yung pagsakit ng pwet ko at papunta na sa tiyan ko.
"Elia-Elianna" Benjamin stuttered, tiningnan ko naman ito at sinundan yung tingin niya, bumaba naman yung tingin ko sa mga paa ko na meron ng dugo sa gilid na dumadaloy.
Napatakip ako sa baba ko. Dalawang tao lang ang pumasok sa isip ko kaagad.
Keanu and our baby.
Then everything went black.
BINABASA MO ANG
Bring Back My Summer Love
RomanceUmuwi nga ng Pilipinas na mag-isa si Elianna. Umuwi siyang bigo, iniwan at nasasaktan na naman. Keanu left her hanging. Paano kaya yung mararamdaman niya kung makita niya ulit si Keanu? Kung ang patungo ni Keanu sa kanya, hindi na yung tulad ng SUM...