Begin Again 47

97 4 0
                                    

Rayna Dela Vega

"Wait lang Dave" Awat ko ky David at kinuha yung phone ko at sinagot yung tawag ni Miracle.

"Rayna! Pumunta kang ospital, sinugod si Edz" Halos nawala lahat ng sigla ko, dali dali ko naman hinatak si David, tinatanong niya ako kung ano nangyayari pero I just tell him to drive at pumunta sa ospital kung saan tinext ni Miracle.

Sinabi ko naman sa kanya na sinugod si Edz sa ospital, ewan ko parang kinabahan ako kahit yun pa lang ang narinig ko.

I started calling Keanu pero hindi ito sumasagot.

Pagdating namin ng ospital, tumakbo naman kami ni David, nakita namin si Miracle at Benjamin nag papanic sa labas ng emergency room.

"Rayna" Sabi ni Miracle habang umiiyak, yumakap naman ito sa akin ng sobrang higpit.

"Ano-anong nangyari?" Hinawakan ko naman si Miracle sa kanyang balikat, humihikbi ito na tila hindi alam ang kanyang sasabihin.

"Miracle!" tawag ko sa kanya, mas lalo lang itong naiyak.

"Babe.. calm down" Naramdaman ko naman yung paghawak ni David sa balikat ko, I shook my head. Tiningnan ko naman si Benjamin, umiwas naman kaagad ito ng tingin sa akin.

"Miracle, tell me" Tinakpan niya naman yung baba niya habang umiiyak.

"Miracle! Rayna" Napatingin naman kami sa Mommy ni Elianna na sumigaw habang tumatakbo sabay ng Daddy at Kuya nito.

"Tito, Tita" Sabi ni Miracle na hindi pa din alam ang sasabihin.

"Alam na ba ni Keanu to?" Umiling naman si Miracle sa tanong ni Kuya Emmett.

Kinuha niya naman yung phone niya at lumayo ng kaonti sa amin na tila'y merong tinatawagan.

Hindi makapagsalita si Miracle, binigyan siya ni David ng tubig at pinaupo sa gilid, nakakailang tingin na ako ky Benjamin sa sulok nakaupo at nakahilamos ang kanyang kamay sa kanyang mukha.

Tumabi naman ako ky Miracle at hinahawakan ang kanyang kamay, tanging hikbi lang ni Miracle yung naririnig namin, walang nagsasalita sa amin. Siyempre, wala kaming alam sa nangyari,patingin tingin si Tito sa pinto ng emergency room, si Tita naman parang iiyak na ewan habang hinahawakan siya ni Kuya Emmett.

"Keanu" Napatingin naman kami sabay sa tawag ni David sa lalaking lumalakad sa hallway na sobrang seryoso ang mukha.

Dire-diretso lang ang lakad nito papunta sa amin, sobrang dilim ng kanyang aura. Tumayo naman si David at hinawakan ito.

Hinigit siya ni David sa isang sulok at merong sinabi si David sa kanya, hinawakan ko naman yung kamay ni Miracle at pinaharap ito sa akin.

"Siguro, pwede ko ng malaman" Nabigla ako ng bigla niya lang ako niyakap.

Diretso naman yung tingin ko ky Benjamin, nahagip niya ang tingin ko at umiwas kaagad ito. Tumayo ito kaagad at dire-diretsong lumakad, sinundan ko naman siya ng tingin at nagsukatan pa sila ni Keanu ng tingin. Ng makalayo si Benjamin, lumakad palapit si Keanu sa pwesto namin ni Miracle.

Kaba at takot ang nakikita ko isang Keanu Dela Vega, yung parang iiyak pero pinipigilan niya.

"Miracle, what happened?" Seryosong tanong ni Keanu sa kanya. Lumapit naman sina Tito sa pwesto namin at parang gusto ding malaman kung ano ba ang nangyari sa kanilang anak. Humawak naman ng mahigpit si Miracle sa kamay ko at huminga ng malalim.

"Palabas ako ng bahay at merong kunin sa sasakyan ni Elianna, ng marinig ko sila nagtatalo ni Benjamin"

Mura ni Keanu at Kuya Emmett naman yung bumalot sa amin.

"Then?" –Tita Victoria habang nangingig. Hinawakan naman ni Tito John yung balikat niya.

"Lalapit na sana ako sa kanila ng sumigaw si Elianna at pumipiglas ky Benj" Kumuyom naman ang panga ni Keanu at handa ng manuntok ito.

"Tinulak ni Benj si Elianna sa sasakyan ng malakas at nawalan ng malay si Edz—"

"Fuck it!" Sabay tayo ni Keanu at seryosong lumakad pero pinigilan ito ni Kuya Emmett at ni David.

"Don't you dare hinder!" Inis na sabi ni Keanu sa kanila, umiiyak naman si Tita Victoria na tila meron ng suspetsya sa pwedeng mangyari sa anak, hindi ko din napigilan at tumulo yung luha ko.

I want to slap Benjamin! I want to curse him to death! Elianna and Keanu suppose to build their happy ever after!

I close my eyes and pray to God na sana hindi mangyari ky Elianna ang hindi dapat mangyari, Elianna is a brave woman, alam kong makakaya niya, alam kong makakakapit ng malakas ang anak nila.

Nabigla kami sa sigaw ni Keanu at pagsuntok sa pader, this is the first time I saw my cousin is crying, yung iyak na walang makakapigil sa kanya, yung sa sobrang pagiging malakas niya, ngayon lang ito ng break down.

Lumapit naman ako sa kanya and kneel down, nakaupo ito sa sahig habang sinusuntok suntok ang pader. Niyakap ko naman ito at naririnig ko yung pag-iyak niya.

"What if.. what if...--"

"Shh Keanu, walang mangyayari. Pagdasal natin si Elianna at ang baby"

Isang suntok na naman ang bigay niya sa pader,

"Losing Elianna was fucking painful before, and I can't afford to lose them both this time, Rayna"

---------------------

RAYN'S POV 'TIL NEXT CHAPTER. Siya lang kasi yung pwede kong magamit. Thank you! No Keanu's POV. J

Bring Back My Summer LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon