Elianna Demi Rodriguez
Days passed.
Ilang araw ang lumipas, at na sa kwarto lang ako. Hindi lumalabas. Araw araw, pinupuntahan ako ni Keanu, kung wala siya oras oras naman itong tumatawag. Humugot ako ng lakas ky Keanu, alam kong nasasaktan din siya pero patuloy lang ito na pinapakita sa akin na kinakaya niya kahit alam ko naman in the end of the day umiiyak ito.
"Dinner for you love" Keanu wink and place the tray at my bed. Hinalikan niya naman ako sa pisnge at ngumiti ako sa kanya. Keanu never fail to make me smile and blush. Kahit minsan ramdam ko yung pagiging kulang niya.
"Kumain ka na rin?" Umiling naman ito at humiga sa kama ko, tinitingnan ko ulit ito. Pumikit ito ng mata habang nakalagay yung braso sa kanyang noo.
Lumpit naman ako sa kanya at nilagay yung kamay ko sa leeg niya, sobrang init nito.
"Hey, you're sick" Pinagilid ko naman ang tray at mas lalong lumapit ky Keanu, humiga naman ako sa gilid niya, humiga naman ito sa bandang tiyan ko.
"I'm fine" Sabi nito habang nakapikit ang kanyang mata.
Nilaro-laro ko naman yung buhok niya.
Siya kasi yung nagpapahanap ky Benj, gusto daw niya itong makita, madami pa itong prina-process tapos araw araw pumupunta ito sa bahay at madaling araw na umuuwi sa kanila.
"Keanu, don't leave me"
Hinawakan niya naman yung kamay ko na na sa bandang ulo niya.
"Why would I?"
I bite my lips. Natatakot akong iwan ni Keanu, after ng mangyari, baka iwan niya ako. Napaka careless kong girlfriend, sariling anak namin hindi ko iningatan.
Nag-usap pa kami ni Keanu at sabay pa kaming kumain, deep serious convo at sobrang napakasarap sa pakiramdam lahat ng yun. Keanu is a perfect boyfriend slash father, sana.
11pm ng inantok ako, nakakailang hikab na ako, sa bawat hikab ko tinatawanan niya lang ako
"You're sleepy love, matulog ka na" Sabay tawa nito sa akin. Inirapan ko naman ito.
"I want to talk, Dela Vega" I insist, ewan ko kung bakit ngayon gusto ko kasama ko siya palagi, gusto ko nagkwe-kwentuhan kami.
Keanu Dela Vega
To love is to risk, Therefore, to love is to be brave.
I am playing Elianna's hair and she fell asleep, napangiti na lang ako ng nakatulog ito. Kanina pa siya inaantok pero kaya pa niya daw. Kinuha ko naman yung gitara niya sa gilid at sinumulan siyang kantahan.
Halos gabi gabi, kinakantahan ko siya, after kong kantahan ito, hinahalikan ko siya sa noo at ewan ko bakit ako naiiyak kapag nakikita ko siya, kapag napapatingin ako sa mga mata niya para nasasaktan ako. Hindi pa namin mahanap si Benjamin, tinutulungan ako ni William, David, Joshua and Emmett pero nahihirapan kaming hanapin iyon.
Pagdating ko sa bahay, dumiretso naman ako sa kwarto ni Baby Jack. Natulog ako sa tabi ng pamangkin ko, kung sana hindi nangyari yun, ilang buwan na lang sana, kasama ko na din yung anak namin ni Elianna.
Pagkita namin ni Elianna inaya ko itong lumabas dahil wala kaming gagawin,, gusto din niya lumabas. Habang lumalakad kami, nakakita ito ng masayang pamilya. Isang teenager na magkasintahan na merong hawak hawak na baby.
Habang tinitingnan ko siya, sinusunod niya naman yung tingin niya sa pamilyang yun. Hinawakan ko naman ang kamay niya.
"We will build again, love" Ngumiti naman ito ng pilit sa akin, niyakap ko naman siya at hinalikan sa noo.
Ilang araw ang lumipas at nagiging cold si Elianna sa akin, palagi na lang kami nag-aaway, palagi itong galit sa akin.
"Sorry love, wala kasi kanina yung ama ng anak ni Audrey kaya nagpasama ito sa akin"
Inirapan niya naman ako, so as the day ends hindi kami naging okay, patuloy lang ako sa pag text at tawag sa kanya pero hindi ito sumasagot.
My Elianna changed so much.
Elianna Demi Rodriguez
I learned that people leave. Even if they promised a thousand times that they won't.
Hindi na ako lumalabas ng bahay dahil kapag meron akong nakikitang mga babies, bumabalik lang yung sakit na nararamdaman ko. Ilang araw na din hindi kami masyadong magkasama ni Keanu, minsan minsan na lang. Kung noon araw araw ito pumupunta ng bahay, these past few days, twice a week na lang kami nagkikita.
"Edz! Ready na ako" Binuksan naman ni Miracle yung pinto at masaya pa itong pumasok, binun ko naman yung buhok ko at kinuha yung bag ko.
"Hindi pa din ba kayo okay ni Keanu?" Umiling naman ako sa kanya habang namimili ng mga damit. Pagkatapos namin bayaran lahat ng yun n Miracle, naisipan kong umakyat sa baby section.
"Edz, wag na. Iiyak—"
"Wag kang praning. Okay na ako" Sabay tawa ko sa kanya pero deep inside, nalulungkot ako at nasasaktan.
Masayang pamilya na sana kami.
Napatigil si Miracle sa paglakad at tiningnan ko naman ito, tumingin ito sa akin at hinila ako na lumayo na lang dun pero hinigit ko ito para lumakad,
"Hahaha" Naagaw ang pansin ko ng dalawang tao, isang babae na merong dala dalang baby at isang lalaking tulak tulak ang cart.
Napatigil ang ikot ng mundo ko. I saw him smile with anyone else, I was screwed! I finally found something good, so I ruined it. Napatigil sa paglakad sina Keanu at Audrey, napatingin ito sa gawi namin. Hinawakan ng mahigpit ni Miracle yung kamay ko.
I won't make a scene. I promise.
Sinukatan ko sila ng tingin, lalapit sana si Keanu pero tumalikod ako at tumakbo.
My heart got crashed. Para akong tanga na tumatakbo sa mall at umiiyak, pumara ako ng taxi at pigil na pigil pa din sa iyak ko.
Hindi niya nakita sa akin ang masayang pamilya, kaya ba sasama sama siya ky Audrey? Ilang araw na namin pinag-aawayan si Audrey. Minsan nga nagtataka na nga ako kung siya ba yung ama?
Pagpasok ko sa kwarto, lumabas lahat ng luha ko. I even throw all my stuffs, lahat na makukuha ko tinatapon ko.
"How dare you Dela Vega!"
"Ughh!!"
I even tweak my hair and punching my bed. Nakasandal ako sa kamay ko habang nakasubsob yung mukha ko sa tuhod ko.
Why people love to leave me? Why world? Why me? Iniwan ako ng anak ko, tapos ngayon? Iiwan din ako ni Keanu?
I won't let people leave me, I should be the one leaving them!
![](https://img.wattpad.com/cover/47024338-288-k400553.jpg)
BINABASA MO ANG
Bring Back My Summer Love
RomanceUmuwi nga ng Pilipinas na mag-isa si Elianna. Umuwi siyang bigo, iniwan at nasasaktan na naman. Keanu left her hanging. Paano kaya yung mararamdaman niya kung makita niya ulit si Keanu? Kung ang patungo ni Keanu sa kanya, hindi na yung tulad ng SUM...