Elianna Demi Rodriguez
I'm stuck between trying to live my life, and trying to run from it.
Nagising ako at tulog yung mga tao sa paligid ko, hawak hawak naman ni Keanu yung kamay ko, ang isang kamay niya naman na sa bandang tiyan ko, napangiti na lang ako.
Natutulog si Kuya Emmett sa sofa, I try to move my hand para gisingin si Keanu. He move slowly and look at me, ngumiti naman ako sa kanya pero hindi ito bumalik sa akin, tumayo ito at hinalikan ako sa noo at ngumiti ng bahagya at lumabas.
Pagtapos akong i-check ng nurse, na sa gilid ko naman si Kuya at si Keanu. Umayos naman ako nang pagkakaupo, tinulongan naman ako ni Keanu, umupo ito sa gilid ko at magkatabi kami, sumandal naman ako sa dibdib niya.
"Bibili lang ako ng makakain, Edz, Keanu" Tumango naman kami ky Kuya. Niyakap naman ako ni Keanu ng sobrang higpit, yung hindi ako makakawala, yung walang hangin na makakapasok sa amin.
"Why?" I chuckle, umiling lang ito habang niyayakap ako.
Hinawakan ko naman yung tiyan ko at meron akong naalala bigla. I am reminiscing, I was reminiscing ng pumasok ng kwarto sina Miracle at Rayna, ngumiti silang dalawa sa akin at hindi lumapit dahil niyayakap ako ni Keanu. Tiningnan ko naman sila kung ano ba ang nagyari-look, pero nagkibit balikat lang ang mga ito.
"Sabi ng nurse, okay ka na Edz. Dumaan kasi kami dun" Sabi ni Rayna at umupo sa upuan ko.
"Okay na ako? How—how about my baby?" Nakangiti pa ako habang tanong sa kanila. Mas lalo lang humigpit ang yakap ni Keanu sa akin, sinubsub niya yung mukha niya sa leeg ko.
"Keanu" Tawag ni Rayna sa kanya. Kumawala naman ito sa pagyakap at merong pinunansan sa gilid ng kanyang mga mata.
Kinabahan naman ako bigla. I am ready to curse you Benjamin Domingo kapag meron nangyari.
"Keanu.. what happened?" Tanong ko, I am fucking nervous not because na pinangungunahan ako ng kaba but because of their actions, I can't feel something in my stomach.
"We..." Umiling pa sa Keanu at pumikit, hinawakan niya naman yung kamay ko at nakatingin lang ako sa kanya, naghihintay ng kanyang sasabihin.
"We lost our baby, love" Pumiyok yung boses niya. My jaw drop. Tumaas pa yung kilay ko na nagsasabing ano ulit yun?
But instead of answering me again,nagsimula namang yumakap si Keanu sa akin.
"Edz.. na-nakunan ka eh" Miracle bit her lips ng tumingin ako sa kanila, sinagot niya naman kaagad iyon ng ganun.
Uminit yung sulok ng mga mata ko, nawalan ako ng lakas, uminit yung ulo ko, kumati ang kamay ko at handang sampalin si Benjamin.
Napahawak ako sa bibig ko at napahugolhol ng iyak, Keanu is hugging me severely.
"Noo!!" Sigaw ko na sobra-sobra na ang iyak, hindi ko alam kung ano ba dapat ko pang sabihin, kung ano pa ba dapat kong gawin.
"Tell me you guys are joking!" Sigaw ko pa habang tumitingin kina Miracle, tumalikod naman si Rayna sa akin.
What did I do!?Wala naman akong ginawang masama para kunin iyon sa akin! My baby is the result of our love story, the baby is.. Halos itapon ko na yung unan ko, kinukuha ko na yung dextrose ko. Tatlo na sila yung pumipigil sa akin.
Really life!? Why me!? Why you love playing shit with me?
I don't deserve this kind of shit!
Third Person's POV
Habang nakikita ni Keanu na sobrang nasasaktan si Elianna, isa lang ang pumapasok sa isip nito ay kung paano niya mapapawala sa buhay nila si Benjamin.
Ilang araw na itong nagtimpi, mas importante daw kasi sa kanya yung oras na ibantay ky Elianna kesa daw balik balikan si Benjamin
"Yung anak ko, yung anak natin Keanu" Hinahawakan na ng dalaga yung damit ng binata at umiiyak ito at nagsasabing ibalik mo yung anak natin, gawin mo lahat.
Umiiling lang si Keanu at ang kanyang magagawa sa ngayon ay yung maging support system ni Elianna. He knows Elianna is weak right now at yan lang ngayon ang kailangan ni Elianna.
Kahit gusto man patayin ni Keanu si Benjamin, pinipigilan niya ang kanyang sarili. Nawala na yung anak nila, ayaw niyang mawala din siya dahil kelangan pa siya ni Elianna.
"Edz, tama na" Humagolhol na din sa iyak ang mga kaibigan nito, niyakap nila si Elianna habang si Keanu naman lumayo ng bahagya at tumalikod, hinarap ang pader at nagsimula na itong umiyak.
Sa isip niya dapat wag siyang umiyak, dapat ipakita niya na matatag siya. Pero para siya ang sobrang nasasaktan dahil nasasaktan din yung taong pinakamamahal niya.
Elianna keeps on cursing Benjamin's name. Pumipikit naman ang mga mata ni Keanu, he's holding his temper and his mind saying wait Elianna to recover, Keanu. She needs you now, fucking wait Benjamin Domingo.
Ng mahimasmasan si Elianna at pinatulog ng doctor, umalis kaagad si Keanu at pumunta sa puntod ng kanyang magulang. Doon siya umiyak ng umiyak hanggang napagod ang kanyang mga mata. Gusto niyang kumuha ng grabeng lakas at sobra-sobrang lakas para ibigay ky Elianna.
Keanu was so ready to be a father. Ang dami na nitong plano para sa anak nila Elianna.
"Mom, Dad.. my child.. our child is already there. Wag niyo siyang pababayaan diyan ha? Alagaan niyo siya diyan para sa amin ni Elianna. Elianna and I will be strong, she needs me. I need her more. We both need each other.. Take good care of our angel"
BINABASA MO ANG
Bring Back My Summer Love
RomanceUmuwi nga ng Pilipinas na mag-isa si Elianna. Umuwi siyang bigo, iniwan at nasasaktan na naman. Keanu left her hanging. Paano kaya yung mararamdaman niya kung makita niya ulit si Keanu? Kung ang patungo ni Keanu sa kanya, hindi na yung tulad ng SUM...