Begin Again 18

84 3 0
                                    

Keanu Dela Vega

Pagpasok ni Elianna ng bahay nila, napasuklay naman ako sa buhok ko gamit ng kamay ko. Isang tao lang ang merong alam niyan at merong kagagawan. No other than Benjamin Domingo.

Umiling ako at mabilis na pumasok sa sasakyan. 10 minutes, nakarating ako sa condo nina William. Alam kong andiyan si Benjamin dahil inimbitahan nila ako kanina makipaginoman diyan.

Hindi na ako ng door bell sa unit ni Willian dahil alam ko naman na andiyan lang sila, binuksan ko ito at napatigil sila sa pagtawa ng makita nila ako, kanina pa nakayukom ang kamao ko at handing handa ng patayin si Benjamin.

"Oh Keanu, akala ko hindi ka pupunta?" Sabay tayo ni William at lalapit sakin, ng makita niya na iba yung aura ko, tumabi ito.

Lumapit naman ako ky Benj at kwinelyuhan ito.

"Chill, chill" Sabi pa niya habang nakataas ang dalawang kamay. Hindi ko napigilan at nasapak ko kaagad siya, natumba naman ito sa couch ni William, kinuha ko ulit yung kwelyo niya, at akmang susuntukin ng tinulak ako ni David.

"Gago ka!" Sigaw ko ky Benjamin at lumalapit pa sa kanya, humaharang naman yung dalawa. Tumawa pa si Benjamin, sabog na yung kaliwang labi niya.

"Chill men, anong nangyari?" Tanong ni David sakin. Tinapik ko naman yung kamay niya na nakasabit sa balikat ko.

"Kung magpapadala ka ng videos at pictures ky Elianna, make sure na hindi ko alam! At hindi kita kilala!"

Tumawa naman ulit ito. Mas lalo lang uminit ang ulo ko at naabot ko siya at sinuntok suntok.

"Keanu! Tama na bro!" Sigaw ni William sakin at hinigit ako dun, hinigit niya ako papunta kung saan malayo layo ky Benjamin, pinatayo naman ni David si Benjamin.

"Really Benj? Don't be such a pussy! Bobo ka na nga nagpapakabobo ka pa!"

Isang tawa na naman ang binigay niya sakin,

"Gago!" Sigaw ni David sa kanya at sinuntok ito, natumba naman ito. Napailing na lang ako, sobrang laki ng sayad ng gagong to.

"Iiwan ka din niyan" Nakangising sabi ni Benjamin sakin, napaigting naman yung panga ko at nagtimpi.

"Ano ba pumasok sa kokote mo!?"

"I want Elianna back! Isn't that obvious, Keanu!?"

"Dream on Domingo!"

Kinuha ko naman yung kamay ni William at sinamaan ng tingin si Benjamin, sinara ko ng malakas ang pinto ng unit ni William at bumaba.

Papasok na ako ng sasakyan ng uminit bigla yung ulo ko sa tumawag sakin.

"Stop it, Benj" Pagpipigil ko.

Kahit baliktarin ang mundo, kaibigan at parang kapatid ko na si Benjamin.

Lumapit siya sakin at sinuntok ako, binalik ko naman kaagad sa kanya yun. Kwinelyuhan ko siya at sinandal sa harap ng sasakyan ko.

Sinuntok suntok ko siya pero nakangisi lang ito.

"Say it to my face, Benjamin! Hindi yung pinapadaan mo lahat ky Elianna!"

"Fuck you! Elianna is mine!" Mas lalo lang humigpit ang paghawak ko sa kwelyo niya, sinasamaan ko siya ng tingin.

"Mapapatay kita" Pagbabanta ko sa kanya.

Naalala ko yung mukha ni Elianna kanina, napaiyak ko naman siya, nasaktan ko na naman siya.

"Ugh!" I shouted because of frustrations. I can't kill a brother or a friend.

"I am waring you, Domingo" Sabay turo ko sa kanya. Inayos niya lang yung kwelyo niya habang nakangisi sakin.

"So what, Keanu? Iiwan ka din ni Elianna. Iiwan ka niya, nandidiri kasi siya sa mga ganyang klasing lalaki"

Fucking shit! Losing Elianna is losing my life! 

"Lahat ise-send ko, wag kang mag-alala. Pandidirihan ka niya"

At sa huling pagkakataon, nasuntok ko siya with all my force. Sumakay ako sa sasakyan, na sa gitna pa siya ng dadaanan ko habang nakaupo hawak hawak ang kanyang putanginang pisnge.

Inilawan ko naman siya at binusenahan ng malakas, lumakad naman ito sa gilid habang nakangisi.

We can't trust a friend.

**

Halos hindi ako makatulog, maaga pa yung lakad namin papuntang Boracay. Nakailang tawag at text na ako ky Elianna pero ni isang K wala akong natanggap sa kanya.

I promise to love her, every single day of forever. I can't promise her a perfect relationship, but I will stay no matter what. Kahit pandirihan niya ako, kahit ano pa diyan. That was just a part of my dark past anyways.

"Ugh!" Sabi ko habang minamasahe ang sentido ko. Patingin tingin lang ako sa litrato naming dalawa. I can't afford to lose this girl. Never again.

Why did you shoot me this hard cupid?

Bumaba ako ng makita ko pa si Ate umiinom ng gatas habang nakasandal sa sliding door at nakatingin sa pool area. Lumapit naman ako sa kanya at niyakap siya. Nabigla naman ito.

"Why my brother is so sweet?" Sabi niya.

I don't know too. Maybe I just need her.

"I am afraid Elianna will leave me" I said at humiwalay sa kanya, ngumiti naman ito sa akin. Mataas pa ako sa Ate ko, minsan napapagkamalan kaming mag girlfriend boyfriend kapag namamasyal.

"She won't. We talked on call, Keanu. Wag ka ngang praning. She said that was just a videos and pictures. Walang big deal sa kanya yun, but give her time first. Kahit ako, masasaktan din"

Umiwas naman ako ng tingin sa ate ko at umupo sa isang stool na malapit dito.

"You love Elianna so much huh?" Sabay ngiti nito, sinundan ko naman siya papuntang counter at umupo din sa stool.

Sinong gago ang hindi magmamahal sa kanya? Halos na sa kanya na lahat.

"I am deathly afraid of losing her"

"I know Keanu, so whats your plan para mag okay kayo?"

"I already sell the damn car, Ate"

"But Kean—"

"I know, I know. Ayaw kong iwan ako ni Elianna. Ayaw na ayaw ko mangyari yan"

Ate sighed in disbelief. Even me! Maybe by the power of love, nagawa ko yun.

Bring Back My Summer LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon