Begin Again 48

107 8 0
                                    

Rayna Dela Vega

Mabilis pa kami sa alas kwatro na tumayo at lumapit ng bumukas yung pinto ng emergency room, niyakap pa ni Tita Victoria si Keanu at sinabihan ng everything will be alright, son.

At para sa akin, humugot ng lakas si Keanu doon. He's seeking for a mother's love, mother's care and mother's motivation. Noong namatay yung parents niya, I can see a miserable Keanu Dela Vega, and now, nakikita ko ulit iyon.

Kinuha ng doctor yung mask niya at huminga, lahat kami siguro kinabahan sa ibabalita niya sa amin.

"The patient is fine now, she's asleep pero magigising din siya mamaya" Halos makahinga kami ng maluwag at nagpasalamat sa Panginoon sa ganoon balita, napapikit naman si Keanu and still part of him is not satisfied.

"How.. how about the baby?" Tanong nito na pumipikit pa ng mata, hinawakan naman ni Tita Victoria yung kamay niya.

"Hindi nakakapit ng mahigpit ang baby dahil hindi pa ganun yun katibay, I'm sorry" Yumuko naman yung doctor at umalis sa harap namin.

Huamagolhol naman ng iyak si Tita Victoria, niyakap ko naman si Miracle ng maiyak na naman ito, napasabunot naman si Kuya Emmett sa kanyang buhok.

"Keanu!" Halos sabay sabay na sigaw namin ng tumakbo ng mabilis si Keanu sa hallway palabas ng ospital, sinundan naman namin siya at dali dali itong pumasok sa sasakyan niya.

"Kami na lang po" Sabi ko kina Tita, tumango naman ito, sumakay naman kami ni David sa sasakyan niya at sinundan si Keanu.

Nagmumura si David habang ako sobrang nasasaktan para sa kanilang dalawa. Elianna and Keanu doesn't deserve this, they both deserve having a happy family.

"Tanginang Keanu" Mura ni David at mas binilisan pa ang pagmamaneho ng sobrang bilis din yung pagmaneho ni Keanu.

Dali dali naman kaming lumabas ni David ng nag park si Keanu sa condo nina David, sinunda namin ito ng nakapasok.

Tinatawag namin ito pero hindi ito lumilingon, paliko pa lang siya sa hallway kung saan yung unit nina Benjamin ng makita niya ito na lumalakad, mabilis naman itong sinuntok ni Keanu at sinakyan at sinuntok suntok.

Tumakbo naman si David sa kanila para awatin, pero tinulak lang ni Keanu si David.

"Gago ka! Okay lang na aking buhay yung pinagbantaan mo eh! Pero buhay ng mag-ina ko yun! Anak ko yung pinaguusapan!!" Sobrang pula na ng mukha ni Keanu habang sinusuntok suntok si Benjamin, dumudugo na yung pisnge ni Benjamin at tila hindi na ito makagalaw. Hinawakan naman ako ni David ng lalapit sana ako ky Keanu.

"You're my fucking damn friend Benj! I trusted you! Pero ano!? Pinatay mo yung anak ko! Ang magiging anak namin ni Elianna!" Merong luha na umaagos sa pisnge ni Keanu habang sinusuntok suntok si Benj, ng nawalan ng lakas si Keanu, tumabi ito at umupo, dinaluhan ko naman ito at niyakap, sinubukan naman ni David na patayuin si Benjamin pero wala na itong malay.

Ilang malalakas na suntok ang natanggap nito ky Keanu.

"Kean" Humahagolhol na ako, nilagay naman ni Keanu yung kamay niya sa mata niya at umiling, sinuntok niya ang sahig at hinawakan ko naman yung kamay niya.

"Dapat andun ako eh! Dapat kami ni Elianna ang magkasama"

"Keanu, shh"

I am rubbing his back pero suntok lang ito ng suntok sa dingding, pumupula at dumudugo na yung kamao niya pero patuloy pa rin ito. He's fist is numb.

"Pagalingin muna natin si Edz, Couz. Kelangan ka niya, baka gising na yun" Kahit alam ko naman na matatalan ang gising ni Edz, I try to convince Keanu, dahil alam kong mapapatay niya si Benjamin kung manatili pa kami dito.

Ano anong salita pa ang sinabi ni Keanu at ng umalis kami, binantaan pa niya ang walang malay na Benjamin na hindi pa sila tapos.

"You and Elianna are not broken, Couz. You guys are just bent at alam ko maibabalik niyo yan" I tap his shoulder, tumango naman ito sa akin at ng drive ng kalmado.

Pagdating namin ng ospital ni Keanu, naiwan kasi si David doon para tulongan si Benjamin.

Dumiretso kaagad kami ni Keanu sa kwarto kung saan si Elianna, walang malay na Elianna ang tumambad kaagad sa amin doon, lumapit naman si Keanu sa tabi ni Elianna at umupo doon, hinawakan niya naman ng mahigpit ang kamay ni Elianna at isang luha ang pumatak sa mata ng isang Keanu Dela Vega.

"I love you, love. I'm not just here for the pretty parts. I'm here no matter what" Parang gusto kong umiyak sa eksena nilang dalawa, yung ako yung nasasaktan sa kanila. Naiisip ko lang kaagad si Elianna. Kung sa amin nga, masakit na ng marinig namin na nalaglag yung anak niya, what more sa kanya? Sobrang excited na siya, sobrang ready na siya, sobrang saya na niya tapos mauuwi lahat sa walang katapusang sakit.

Ginamot naman ni Tita Victoria yung kamay ni Keanu, nagpaalam naman sila para kumuha ng gamit ni Edz. Kami na lang ni Keanu ang natira sa kwarto, hindi umalis si Keanu sa tabi ni Elianna, hinahawakan niya lang ang kamay nito, pinapatong niya ang kanyang isang kamay sa tiyan ni Elianna. Nakasubsob ang mukha nito sa gilid ng kama.

"Walang masama kung iiyak mo yan Couz, ibuhos mo. Sa labas lang ako" Sabay tapik ko sa kanyang braso,

Hindi pa ako nakalabas ng kwarto, narinig ko naman yung iyak ni Keanu. Napapikit na lang ako at napailing.

Keanu Dela Vega is really broken, again.

Bring Back My Summer LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon