Elianna Demi Rodriguez
"Okay ka na Edz?" Pagbaba ko si Kuya na lang ang nakikita ko sa baba kumakain. Tiningnan ko naman siya.
"Umalis si Keanu, babalik lang daw. Tara kain, sarap ni bayaw magluto ah" sabay tawa niya, tumawa din ako ng bahagya at inirapan siya.
Habang kumakain kami ni Keanu, tanong naman ito ng tanong sa nangyari kanina, sabi ko nga sa kanya wag na iparating ky Mommy at Daddy at wala na yun.
Kinamusta din ako ni Rayna at Miracle at umalis din sila dahil merong pupuntahan. Paglabas ko ng buhay, umuulan, nagtambay naman ako sa patio ng bahay namin. 4pm at wala pang text si Keanu, saan naman kaya pumunta yun?
Nakailang text na ako sa kanya pero walang reply, nilaro laro ko na lang yung wisik ng ulan. Napatingin naman ako sa iPhone ko a umiilaw, ng makita ko na tumatawag si Keanu, muntik na akong malaglag sa inuupuan ko sa sobrang excitement.
"Love!" Magandang bungad ko sa kanya, isang tawa naman ang natanggap ko at ano ano pang asar, kesa daw miss ko na siya, kesa daw mahal ko siya, kesa daw pogi siya. Ew lang diba? Hahaha.
"I'll fetch you there, Ate wants to see you. I'm on my way there"
Halos tumalon talon pa ako dahil magkikita na naman kami, kahit araw araw, oras oras kami nagkikita hinding hindi ako magsasawang kasama siya.
I love Keanu Dela Vega at his darkness. Walang makakapalit niyan. Siya lang, peksman. Mamatay man.
**
"Wait, I'll go first kukuha lang ako ng payong" Sabi niya, tumango naman ako sa kanya at lumabas ito at tumakbo pa, ughh! Ang cool ng boyfriend ko.
Binuksan niya naman yung sasakyan niya at pinayungan ako, lumabas naman ako at sobrang dikit namin. He is hugging me, I am at the safest place right now.
"Elianna!" Tawag ni Ate Kylie at tumakbo pa ito para bigyan ako ng yakap, bumeso naman ako sa kanya.
"I crave you so damn much" Sabay pisil pisil pa nito sakin, nabigla naman ako sa kanya at tinawanan niya lang ako.
"She's weird because she's pregnant" Bulong ni Keanu sakin, napalaki naman yung mata ko at napangisi.
"Can you sleep here Edz? I want to pinch—"
"Ate! Ano ka ba! Iba nga yung paglihian mo" Iritadong sabi ni Keanu, inirapan naman siya ni Ate Kylie.
"I baked some foods for you Elianna. Let's go" Sabay higit ni Ate Kylie sakin, tiningnan ko naman si Keanu, nakabusangot ang mukha niya. I smiled at him and shrug.
Sumunod naman si Keanu sa amin sa kusina, binigyan din siya ni Ate Kylie ng plate. Kwento ng kwento naman si Ate Kylie at hindi naman nakikinig si Keanu.
Inaasar nga siya ni Ate Kylie na nagseselos dahil meron ng bagong baby si Ate Kylie at hindi na siya, iniirapan niya lang si Ate Kylie. Hahaha, bakla talaga.
**
Ng wala na masyadong ulan, nagpaalam na ako ky Ate Kylie na umuwi dahil hinahanap na ako ni Mommy para sa event bukas. Ang bilis ng panahon, noon 18 lang ako, bukas 19 na. Hahahahaha.
Habang hinihintay ko si Keanu sa labas dahil kinuha niya yung sasakyan niya, patingin tingin naman ako sa gilid, meron naman nahagip ang mga mata ko at nainis ako bigla.
Nilapitan ko naman ang sasakyan na iyon, Honda Fit na pula. Napaawang naman yung bibig ko, at tinago pa niya ah?
"Hey lo—"
"Wag mo akong ma love love!" Inis kong sigaw sa kanya, tinuro ko naman yung sasakyan na pula sa gilid, tumaas naman ang kanyang dalawang kilay.
"Really Keanu? At tinago mo pa ah? Hanggang ngayon ba naman? Diyan pa rin ako nag a-ano ni Audrey?" I laugh sarcastically, kumunot naman ang noo nito.
Inirapan ko naman siya at lumakad paalis dun, kahit umaambon, lumalakad lang ako para makalapit sa gate nila at makalabas. He lied! Sabi niya, binenta niya.
Hindi naman importante sakin yan eh, pero yung insecurity and jealousy!? Oh c'mon! They're killing me.
"Elianna wait" Sabay higit nito sakin, tiningnan ko naman siya.
"Grabe naman yan Keanu! Grabeng guts ang meron ka! Hindi maka move on?" Napasuklay naman ito sa kanyang buhok.
"Elianna, please" Pagpipigil na naman nito. Inirapan ko naman siya at sinumulan ulit maglakad, sa sobrang laki ng bahay nila, makakailang minuto pa ako dito para umabot sa kanilang gate.
I don't want to see him with anyone but me.
"Elianna sandali nga!" Sabay higit na naman nito sakin, sinapak ko naman siya sa dibdib niya.
"Liar!" Sigaw ko, ng tss naman ito.
"Sabihin mo lang Keanu kung ayaw mo na sakin! Kung nagsasawa ka na sakin! Kung---"
"Fuck it Elianna Demi!"
"Minumura mo na ako ngayon!?"
"Ughh!!" Nakapikit pa nitong sigaw at napahilamos sa kanyang mukha. He is frustrated.
"Magsama kayo ni Audrey! You lied again Keanu! Ganun ba ka importante si Audrey sa'yo!? Fine! Dahil ano Keanu? Dahil tapos mo na ako? Dahil nakuha mo na ako? Ganun ba yun!?"
"Ganyan tingin mo sakin Elianna?" I pressed my boths lips. Really Edz? Ano yung sinabi mo?
"That is Ate's car! Naibenta ko na nga yung sa akin! Pareho kami ng sasakyan dahil regalo yan nina Mommy noon sa amin! Kahit labag sa loob ko ibenta yun, binenta ko para sa'yo! Kahit alam kong yun na lang ang tangin memorya na meron ako galing sa kanilang dalawa!" Napapikit naman ako sa sigaw niya.
Bobo mo talaga Edz, uminit naman ang sulok ng mga mata ko. Ngayon ko lang nakita na ganito si Keanu, na sinisigawan na niya ako, na sobrang inis siya sa akin ngayon.
"Then now what!? Iiyak ka na naman!?" Napamura ako sa isip ko ng sumigaw ulit ito.
"Audrey isn't that fucking important to me, Elianna Demi. Even that fucking car was given to me by Mom and Dad, binenta ko yun para sa'yo!"
"Kea—"
"Do you think sex lang yung habol ko sa'yo!? That wasn't sex Elianna! That was making love!"
"Keanu---"
"Then leave me Elianna. Leave me" I shook my head at him, gusto kong sampalin ang sarili ko, gusto ko bawiin ang mga sinabi ko.
How stupid of me? Napangunahan na naman ako nagselos at insecurities ko.
"It's important to know who's worth the effort and who's not" sabay talikod nito sakin, hinawakan ko naman yung kamay niya para pigilan siya pero kinuha niya lang ito.
Nakaramdam naman ako ng ilang kirot sa puso ko.
"I won't leave you, Elianna, but you will leave me. And now, leave me, break me again, Elianna" At lumakad na ulit ito, hindi ko siya nahabol, hindi gumalaw ang mga paa ko, hindi ako makapagsalita.
And again!? I am losing him!?
BINABASA MO ANG
Bring Back My Summer Love
RomanceUmuwi nga ng Pilipinas na mag-isa si Elianna. Umuwi siyang bigo, iniwan at nasasaktan na naman. Keanu left her hanging. Paano kaya yung mararamdaman niya kung makita niya ulit si Keanu? Kung ang patungo ni Keanu sa kanya, hindi na yung tulad ng SUM...