3: WHAT A BAD BOY

86.4K 698 22
                                    

Para sa isa sa mga hinahangaan kong writers ... Ang bait bait niya pa nung meet-up. Sa kanya ko rin pala inspired yung name ni Meg. Happy birthday po, Ate Seeyara! <3

MEERAYA (up) AND ALEYNA (down) ---->

CHAPTER 3: WHAT A BAD BOY

My in-laws’ colleagues are complimenting Austin for having such a fine catch- me. Nadun sila sa sulok ng ballroom pero naririnig ko yung usapan nila. Ang ingay naman kasi nung mga matatanda eh.

“So dear, how’s life now that you’re married to one of this country’s biggest heirs?” Di ko nga kilala tong babaeng kumakausap sa akin eh. Actually, marami silang nakapalibot sa akin, pero mga wala akong kilala sa kanila. Nakakainis kasi! Bakit kailangan pa akong isama dito ni Austin eh wala naman akong alam sa business! I love attending parties pero hindi parties ng isang corporation na wala naman akong kaalam-alam!

Di ko alam anong isasagot ko!! Nakakainis! Hindi naman ako katulad ni Aleyna na makakagawa agad ng sagot kahit kasinungalingan lang. Masyado kasing nahasa sa pagiging Speech and Debate (Spade) Org eh! Unlike me na hindi makapagsinungaling!! Masyado na ata akong honest.

Ayaw ko namang pahiyain si Austin at ang parents niya kaya instead, nginitian ko na lang itong kausap ko.

“Ooooh. I love your smile, darling!! Don’t answer me. It’s already written all over your smile. Sabi na eh! Match made in heaven talaga kayo! You’re so lucky to have Austin Wayne!”

Nagsitanguhan din naman yung mga iba pang babaeng nakapalibot sa akin. Meron ding mga ilang nagcomment like “A Bellisario bad boy, for Chrissake!”, “Ang swerte mo nga, hija!”, and kung anu-ano pa. Sa ingay nila, hindi ko napansing nasa likod ko na pala si Austin kung hindi pa siya nagsalita.

Pinipigilan ko na lang ang sarili ko na magsalita ng kung anu-ano. Mahirap na. Kahit gusto kong salungatin yung sinasabi ng mga babaeng to, I need to shut my freaking mouth and swallow my objections.

“Actually, ako ho ang maswerte sa asawa ko.” He says without taking his eyes off mine. He takes my hands and kisses my knuckles. Hindi ko tuloy mapigilang magblush- hindi dahil sa sinabi niya kasi alam ko namang scripted lang yun kundi dahil sa nagtagalog siya!! May twang yung salita niya pero yung boses niya pag nagsalita at lalo na pag tagalong lumalalim at nagiging sexy!

Miski nga yung mga nakapalibot sa amin eh mga kinilig din. Seriously! Ke tatanda na kinikilig pa sa pekeng kasweetan namin. Helloooooo! 30’s to 50’s or even 60’s yung mga to at 21 lang si Austin.

“Ladies, would you mind if I take my beautiful wife with me?” Wala pang ilang segundo nang magsisang-ayunan ang mga babaeng nakapalibot sa kanila.

Inilalayan ako ni Austin palabas ng ballroom at patungong kabilang building gamit ng kanyang kamay sa likod ko. Minsan nga naiinis talaga ako sa pagpapanggap namin na masaya at nagmamahalan kami. Tulad ngayon. Naiinis ako na nagpapanggap kami.

With his large hand at the small of my back, feel na feel ko yung init ng katawan niya. Nakakainis na lahat ng kasweetan niya eh peke lang. Nakakainis kasi sa loob ng isang buwan, unti-unti akong may nararamdaman sa mga pagpapanggap niya.

Mr. Bad Boy's BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon