30: AGA-AGA, INIT-INIT

29.4K 326 45
                                    

Dedicated to Ate KP! :) Hinanap ko pa talaga sa directory/member details ng group natin yung username mo! :D

Natagalan ulit!! Huhu! Sorry. :(( Thanks for waiting! :*

Enjoy reading!!

CHAPTER 30: AGA-AGA, INIT-INIT

Meg’s POV

Nagising ako bigla sa pagmumuni-muni ko. Oo na. Nagbago na nga ang lahat. Tss, di ko naman dapat pang ulit-ulitin sa isip ko eh! Sinasaktan ko lang ang sarili ko.

Seriously, when did I become such a masochist??!

Binato ako ng katabi kong si Aleyna ng isang crumpled paper. Napailing ako. Here we go again.

Binuklat ko yung papel at binasa ang sulat niya. Nakakatawa lang minsang isipin na pwede namang magtext kami, kaso ayun nga, kung sino pa ang tinaguriang “bad girl” sa aming dalawa, siya pa yung hindi marunong magtext ng palihim kaya lagi siyang nahuhuli at napapagalitan.

“Kamusta pagmumunimuni? May nasolve ka sa problema mo??”

Mabait din itong bestfriend ko ah? Sarcastic pa sa akin. May problema na nga eh…

Nagsulat din ako bilang sagot. Kunyari patingin-tingin pa ako sa interactive whiteboard para magmukhang nagtetake notes.

“Wala. Mabuti kung tinutulungan mo ako eh.”

Nagpatuloy kami sa pag-uusap sa papel at tuluyan na ngang hindi nakinig sa lesson. Naririnig ko pa sa background ang boses nung prof namin na nagdidiscuss ng ilan sa mga sitwasyon na maaari naming maranasan as media practitioners and ano ang dapat naming gawin. In short, media ethics.

“Whatevs. Sabi ko kasi sayo, upakan na lang natin yang si Nina Demonyita eh. Ako bahala umarkila ng tao.”

“Walang magagawa kung mabugbog yan. Ako na naman sisisihin ni LA! No way.”

“Bakit hindi ka kasi lumaban?! Diba palaban ka? What happened to you?!”

“LA happened. Ayaw ko namang magkaroon pa siya ng iba pang rason para madisappoint sa akin and makapag-isip ng masamang idea about my character.”

“Can you even see what’s happening to you?! You’re turning into those sappy martyrs we alwas make fun of! Nakakabanas ka na, Meeraya Villabela!”

Mr. Bad Boy's BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon