45: LOOPHOLE

14.1K 352 47
                                    

Dahil gusto ko na matapos ito. (At ayaw ko nang guluhin pa mga utak niyo. Last na, dahil ang gulo ng update last time, naging dalawa ang post at yung iba di pa nabasa...) XD

Thanks you prettyehl for making a cover for this story! I love it! :">

CHAPTER 45: LOOPHOLE

Meg’s POV

Sa loob ng kinse minutos kong kasama si Mico sa kanyang sasakyan, kahit isang segundo ay hindi ako mapakali. Nakakailang kahit ni minsan ay hindi niya ako tinitigan. Patuloy lang sa pagtakbo sa aking isipan ang mga sinabi niya kanina.

Napakapit ako ng mahigpit sa tinidor at kutsilyo na hawak ko. Panay lang ang hiwa ko sa aking roast beef at hindi ako nakikisali sa usapan nilang lahat. Nakakainis na walang ibang ingay akong marinig kundi sa mga usapan at halakhakan nila dahil dito sa private room ng isang kilalang restaurant kami kumakain. Puro papuri sina Mom and Dad sa dad ni Mico habang ang dalawa kong kapatid ay nakikipag-usap kay Mico about his life in the U.S. Air Force. Mag-usap-usap silang lahat. Like I give a damn. Sana lang talaga dumating na iyong isa pang hinihintay nila Mom and Dad para mabilis na itong matapos. I don’t like what tonight is all about. I know it’s about a merger though I’m not sure if it’s only about the companies.

Naghalakhakan silang lahat at napatingin ako sa kanila. They act like we are one big happy family. Nakakairita!

“Balae,” Narinig kong tawag ni Tito Marco, ang dad ni Mico, kay Mom. Napatitig ako sa kanila nang walang emosyon kahit na kumukulo nag dugo ko sa nangyayari.

I know this dinner is not only about the companies! I freaking knew it!

“Now that we found a loophole, matutuloy na ang mga plano natin.” Nag-cheers silang lahat dahil sa katuwaan.

Hindi ko pa nakakalimutan ang plano nila na ipagpakasal kami ni Mico dahil may project sila. Naging hadlang ang kasal ko kay LA pero ngayon, mukhang may mga binabalak sila. At hindi ako natutuwa doon.

“Hintayin lang natin si Mr. Lim nang mapag-usapan na natin ang kasal ng mga anak natin. Kailangan pa pala nating pag-usapan ang pagpapalit ng management ngayong malapit nang magmerge ang mga kumpanya natin.” Tumango sila Mom and Tito Marco sa sinabi ni Dad at nagkatitigan kami ni Mico.

I’m not stupid. Hindi ako papayag na kontrolin nila ako.

Pero kahit na gusto kong magsisigaw at mag-eskandalo, minabuti ko na lang ang tumayo. Sa sobrang inis ko, padabog kong inilapag ang kubyertos.

“Sorry, excuse me.” Tumayo agad ako. Hindi pa man ako nakakalayo ay narinig ko na ang mataas na tonong tawag sa akin ni Mom.

“Meg!” Dinig ko din ang tunog ng upuan dahil sa mabilisang pagtayo niya. “Come back here this instant, young lady!”

Itinaas ko ang aking ulo at hinarap sila. Walang emosyon ang aking mukha. “If you want me to come and join your dinner as you talk as if I don’t have a husband, then sorry to disappoint. I won’t. Mahiya naman po kayo.”

Mr. Bad Boy's BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon