22: PLANS FROM THE PAST

41.8K 377 103
                                    

Dedicated kay Ate Shin. I miss chatting with you! Haha! Kahit na one time lang yun ... ;)

Di umabot sa quota. Huhubells.

Oo nga pala, yung "DAMMIT" ay slang for "DAMN IT" ha. Hindi po "damit".

Iba po si MICO VALDAMA sa mga kuya ni Meeraya na sina Migs at Miggie. Okay po? Hehe. Thanks!

CHAPTER 22: PLANS FROM THE PAST

Meg’s POV

Limang araw na after nung nahimatay at na-hospital ako. Limang araw matapos kong huling makita si Mico. Akala ko yun na yung last time na makikita ko siya.

Apparently, mali ako.

Dahil nasa harap ko siya at nakangiti. Para tuloy gusto kong ma-in love ulit. Ngiti pa lang niya, tumatalon na ang puso ko sa tuwa at kaba.

Ang gwapo-gwapo niya. Simpleng jeans at t-shirt lang naman ang suot niya pero bakit daig niya pa yung mga model?

Naiilang ako. Di ko kasi alam paano tumanggi sa alok niya eh. “A-Ah, ka-kasi Mico, hinihintay ko p-pa si Austin. Magdidinner kasi k-kami.”

Napawi yung ngiti niya nung narinig niya ang pangalan ng asawa ko. Ewan ko kung alam niya na na kasal ako kay Austin. Ewan ko kung sinabi ba iyon ni Aleyna pero sa tingin ko naman, hindi eh.

“Dali na, bessie. Please? Sa amin ka na ni Mico sumabay mag-dinner. Lagi mo namang kasama yang Austin mo eh. Please? Pretty pretty me, puh-leaaase?” Hindi ko na naalalang nandito nga pala si Aleyna sa gilid ni Mico kung hindi pa siya nagsalita at pinilit ako.

Usually, natatawa ako pag sinasabi ni Aleyna na “pretty pretty me” instead of “pretty pretty please”. But not this time. Hindi ko magawang matawa sa kahit ano ngayon. Siguro kasi naaalala ko yung dahilan kung bakit hindi maging kami ni Mico.

Pabalik-balik ang tingin ko kina Mico at Aleyna. Pati na rin sa sasakyan ni Austin. Hindi ko alam sinong sasamahan ko.

Nagulat ako nang marahang hinawakan ni Mico ang braso ko. Hinaplos niya iyon at unti-unting pinadulas ang kamay niya hanggang sa magkatagpo ang mga kamay namin.

Biglang tumaas lahat ng mga balahibo ko at napatingin direkta sa mga mata ni Mico.

May satisfaction sa mga mata niya. Malamang, alam niya ang epekto niya sa akin. Na kahit ilang taon na ang nakalipas, ganoon pa rin ang epekto niya sa akin. Kitang-kita ko rin ang panunumbalik ng nakakahumaling niyang ngiti sa kanyang mga labi.

Mr. Bad Boy's BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon