Dedicated to her kasi natutuwa ako sa comments niya.HELLO TO @queengothica NA MADALAS EH NANGUNGUNA SA PAGCOCOMENT! Thanks, girl! :)
ENJOOOOY!
CHAPTER 10: THORNS AND ROSES
I can’t believe na kahapon lang nangyari yung pagbalik ni Nina at ni … Cade.
Pag-uwi ko sa bahay kahapon, wala naman si Austin kaya kaming tatlo lang nila Ace at Rye ang magkakasama. Kahit kaninang umaga, wala din si Austin sa bahay kaya medyo malungkot ako. Ni hindi ko man lang natanong kung anong nangyayari. Pero wala eh. Ganun talaga. Tsaka alam ko naman saan ang lugar ko. Isa lamang na fixed marriage itong meron kami at nung una pa lang, alam ko nang hindi kami ordinaryong mag-asawa. Oo nga at naging parang malapit na kami sa isa’t isa pero yun lang yun. I think it’s just Austin’s way to make peace with me. Maybe he wants friendship… diba?
May friends bang halos kainin na ang isa’t isa sa mga make-out sessions nila?
Bwisit na konsensya to.
Hay. Bakit naging ganito bigla yung buhay ko? Dati family dramas lang ang meron ako, pero ngayon … kawindang! Lahat na ata ng aspeto ng buhay ko may drama na. Kainis!
“Excuse me, young man, but you’re not from this class.” Nawala ako sa pagdradrama ko nang biglang tumigil sa pagtuturo yung Media Ethics prof namin at biglang kinausap yung lalaking bigla-bigla na lang na pumasok at may tinatago sa likod niya.
“Sorry po sa istorbo, professor. May pinapaabot lang po.” Sabi nung lalaki habang nakangiti. May hitsura siya at mukhang sikat. Maraming mga babae ang kinikilig eh. Lalo na nung biglang nilabas niya kung ano yung tinatago niya sa likod.
Biglang natilian yung mga babae nang nilabas nung kakarating lang na lalaki ang isang katamtamang size na bouquet. Yung bouquet na yun super familiar. Isa iyong combination of red tulips at white stargazer lilies.
Nagulat na lang ako nang biglang huminto yung lalaki sa tapat ko at iniabot sa akin yung mga bulaklak.
(See the flowers on the side... Just pretend they're not on a vase... ---->)
“For you, Meg. Pinapabigay.”
Mas lalong lumakas yung hiyawan ng mga kaklase ko at nakita kong sumipol-sipol pa si Aleyna sa tabi ko.
Tinanggap ko yung bouquet at nagpasalamat sa lalaki. Kaya pala siya familiar kasi isa siya dun sa basketball varsity team na kasabay namin magpractice sa gym. No wonder ang lakas ng hiyawan ng mga babae dito.
BINABASA MO ANG
Mr. Bad Boy's Bride
Romance[For 16+] He's one of the notorious Bellisario bad boys. She's the famous Villabela's perfect daughter. He is what he is and doesn't give a fxck to anyone. She hides her true self to protect her reputation. Their paths would never cross -- until one...