14: A GLIMPSE OF HIS SIDE

64.4K 616 82
                                    

Dedicated to her  because of her long comment. Nakakatuwa pa na natatandaan niya yung " Zarreh " ni Meg. <3

 *NOT PROOFREAD. SORRY FOR ERRORS.*

ENJOOOY! ;*

CHAPTER 14: A GLIMPSE OF HIS SIDE

Two days had passed simula nung first road game kung saan una kong ipinakita sa lahat ang “new Meeraya”. Ika nga ni Avan, “Meeraya Glyn Villabela version two point oh”.

Baliw rin yun eh.

Anyways, mukhang nakaget over na rin naman yung mga tao dito sa Pacific Coast Elite Academy mula sa shock sa pagkakita sa akin sa pagsuot ng ganoon. Oh yes, they embraced my new look with so much appreciation.

Apparently, lahat ata ng tao eh hitsura lang ang batayan. Pssh. Shallow stupid creatures.

As usual, practice time na naman here ngayon sa gym para sa new routine namin. Tomorrow kasi yung second road game ng Pacific Jets. Nakakadalawang araw na rin naman simula nung first road game and first appearance ng new and improved Meeraya Villabela.

Natapos na ang music at ibinaba na ako from my last position – which is on top of the pyramid. Nakakailang lang kasi ang halay kong tignan. Ang sexy masyado ng pose ko! Pero waaah! Ginusto ko to eh. Errr…

“Great job, guys! Nice moves! For sure mas aabangan ang routine niyo kesa sa game proper.” Pagbati ni Coach M.

“Meg, I didn’t expect such attitude while you’re dancing, but I’m please with the change.” Nagulat ako sa pag-mention ni Coach sakin pero kunyari di ako affected. “With your new sexy image and attitude on the dance floor, mas nafofocus ang attention ng players ng opponent team sa inyo at hindi sa laban mismo. Sabi rin pala ni Coach G, advantage din daw iyon sa ating basketball team. Since wala pa si Austin sa games, ang ating Pacific Jets Elite Squad ang main attraction ng bawat laban.”

I’m still panting dahil na rin sa pagod sa dance practice pero sa mga sinabi ni Coach M, para akong inihagis sa ere dahil sa tuwa. I’m glad nagustuhan ng mga tao ang new Meg. At least hindi na kao mamomoblema kung ano ang sinasabi ng iba tungkol sa akin.

Yeah, I know. I’m such a fool for always wanting others to like me.

Pinalibutan ako ng iba kong mga ka-cheerleaders at binigyan ako ng mga papuri at pagbati. Kaso, biglang natigil ang aming tawanan at chikahan nang biglang may lalaking sumipol ng medyo malakas sa likuran ko. Napatingin kami sa kanya.

Bigla akong nagkaron ng urge na takpan ang buong katawan ko. Naka-blue spaghetti strap top ako na tinali ko sa gilid para maging midriff top siya at kitang-kita ang buong tiyan ko na siyang pinartner ko sa hapit at maikling ordinary practice shorts namin. With the way his eyes roam all over my body, I suddenly find myself wishing I wore long sleeves and a pair of pajama.

Mr. Bad Boy's BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon