Dedicated to her because her comment made me smile like this ^______________^
So glad to read your comments! :) I hope ganyan palagi. Hehe! As promised, ito na ang update! Enjoy!
CHAPTER 11: NINJA
“Why are we even here in a bookstore? Pwede namang ebook na lang ang gamitin mo.”
Itong si Aleyna talaga may pagka-weird. She carries her ipad with her all the time kasi she loves reading and hussle nga naman kung books pa ang dala niya. Besides, lahat naman ng libro namin sa academy na ito ay nasa ebooks na rin. That way, less things to bring nga naman.
Pero ewan ko ba anong sumapi sa babaeng ito at biglang kinikilig na nag-aya na bumili ng mga books na ginagamit namin sa lectures eh ebooks naman ang gamit ng buong class. At kung gusto man niya, pwede naman siyang pumunta sa library.
“Stop being a buzzkill, Meg. Ito naman. Eh gusto kong mag-aral na hindi naman gadgets ang hawak ko eh! Besides, para naman hindi na ako sabihan na hindi ako nag-aaral.”
Huh? Weird talaga. Bakit siya kinikilig?
“Eh wala namang nagsasabi niyan sayo eh. Tsaka alam mo namang isa ka sa pinakamagaling sa batch natin eh. Baka nga hindi lang sa batch natin! Bakit ba bigla ka na lang naging ganyan? Anong sumapi sayo?”
She rolls her eyes at me. Haaay.
“Girl, namiss ko lang ang smell ng isang tunay na libro. Nakakasawa na kasi ang hindi makapag-highlight.”
Huh????
“Eh naghhighlight ka naman dun eh! Hello?! Anong nangyayari ba sayo???”
She stops me and hinawakan niya ako sa parehong balikat.
“Pwede bang hayaan mo na lang ako na bilhin itong mga librong to para makaalis na tayo agad? Habang tanong ka ng tanong, mas tumatagal yung pagstay natin dito. Mas lalo kang malelate sa date niyo ni Cade.”
“Huh? Di yun date no! Pupunta lang kami sa isang family gathering nila.”
Binigyan ako ni Aleyna ng isang tingin na nagsasabing ‘Ako pa ginawa mong tanga.’.
“Ay teh! Are you out of your mind? Bakit ka naman pupunta dun kung hindi ka part of the family? It can only mean one thing: that you’re there as his date.”
Inialis ko na yung mga kamay niya sa mga balikat ko. “Can’t I just go there as his friend?”
“We both know that’s not true, Meg. Kahit anong mangyari, you can never go to that family gath only as his friend. Ikaw na rin nagsabi, akala ng mom ni Cade na nagkabalikan na kayo ulit.”
BINABASA MO ANG
Mr. Bad Boy's Bride
Romance[For 16+] He's one of the notorious Bellisario bad boys. She's the famous Villabela's perfect daughter. He is what he is and doesn't give a fxck to anyone. She hides her true self to protect her reputation. Their paths would never cross -- until one...