20: NOT A SECOND FXCKING CHOICE

42.2K 481 89
                                    

Dedicated sa kanya! Salamat sa pagkausap sa akin! :">

Warning: This chapter is short ... but intense.

Sino pala ang pumunta sa book signing ng TDG, 3W8L, The Bet, and SDTG??

External link to Chapter 1 of Mr. Bad Boy's Roommate --->

 See pictures of Mico --->

CHAPTER 20: NOT A SECOND FXCKING CHOICE

Meg’s POV

Mabilis na binitawan ni Mico si Aleyna mula sa pagkakayakap nila. Napakunot ang noo ko kasi hindi naman si Mico ang tipo ng lalaking basta-basta na lang bibitawan si Aleyna. Si Aleyna pa. Basta may Aleyna, may Mico. Ganoon naman parati.

Tsk. Hindi na ba ako nasanay?

Nung narinig ko ang sigaw ni Cade, doon lang ako naliwanagan kung bakit agad binitawan ni Mico si Aleyna. Ah, kaya pala. Binitawan niya si Aleyna para protektahan ito. Sumugod muli kasi bigla si Cade at ayun, agad siyang hinarap ni Mico at nakipagpalitan ng suntok.

Hindi ko na nga makita kung kaninong suntok ang tumatama at kung paano nakaalis si Cade sa suntukan nila. Ang alam ko lang, nakalapit sa akin si Cade at hinawakan agad ako sa braso.

“Ahhhhhh! Bitawan—”

Hindi ko na natuloy pa yung isinisigaw ko kasi mabilis na mabilis si Mico sa pag-alis ng kamay ni Cade mula sa braso ko. Agad niyang pinaulanan ang ex ko ng mga suntok. Ako mismo napapangiwi sa sakit, hindi dahil sa braso ko kundi dahil sa mukha ni Cade habang binubugbog na siya ni Mico.

Napahiga na si Cade at alam kong hindi na niya kaya ang pambubugbog sa kanya. Gusto kong tumili ulit. Pero bakit hindi ko magawa?! Gusto kong pigilan si Mico. Baka kasi mapatay niya si Cade. Natatakot ako hindi para sa ex ko kundi para kay Mico. Baka masaktan siya o kaya baka maaresto siya. Baka naman—

Nawala na lahat ng matinong kaisipan sa utak ko nang makita kong marami nang dugong dumadaloy mula sa ilong at bibig ni Cade. Shemay. Dugo…

Takot ako sa dugo. Naramdaman kong namumuo na yung pawis ko sa likod at may tumutulo na ring pawis sa gilid ng mukha ko.

“M-Mico… T-Tama na.” Gusto kong isigaw kaso isang bulong lang ang tangin nagawa ko.

Umiikot na yung paningin ko at nagiging dalawang imahe na ni Mico na binubugbog si Cade ang nakikita ko. Bahagya kong nakita sina Caysa at Ziva na inaalagaan ang bugbog-saradong si Avan. Nakita ko ring nakatuon na sa akin ang atensyon ni Aleyna. Kanina kasi tuon na tuon siya kay Mico. Hindi ko naman siya masisisi kasi miski ako nangangamba para sa lalaking yun!

Mr. Bad Boy's BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon