23: FORBIDDEN FEELINGS

37.1K 394 90
                                    

Dedicated sa kanya! :) Thanks for that long comment. ;)

Huhubells. Sorry at ngayon lang ako nag-update. I LOVE YOU, READERS!! Thank you for waiting! :*

CHAPTER 23: FORBIDDEN FEELINGS

Meg’s POV

Nandito ako sa VIP room ng ToxiCity, isa sa mga high-class bars na matatagpuan lang dito sa Hella Square. Alam mo yung feeling na parang ang tagal mo ng hindi ginagawa ang isang bagay kahit na ilang buwan pa lang naman ang nakalipas? Sa sobrang dami na ng nangyari sa akin, para tuloy ilang taon na ang nakalipas simula nung huli akong nagpunta sa bar.

“Your turn, Meeeeg!” Napailing na lang ako at napangiti. Tumungtong kasi si Ziva sa ibabaw ng upuan niya at iwinagayway ang kakahubad lang na bra. Buti na lang at kami lang ang nandito. Wala na tong si Ziva. Malakas na tama nito. Good thing at intact pa rin ang super tight dress niya, though halata na yung nipples niya since she removed her bra. Haaay! Wala na talaga. Isunod-sunod ba naman yung paglagok sa Jose Cuervo eh! Mahina pa naman to sa Tequila.

Tumayo ako at tumatawang kinuha sa kanya ang shot glass, itinaob ito sa platitong puno ng asin, at tapos ay pinuno ito ng tequila. Agad kong nilagok ito at kinuha ang lime na nasa bibig ni Mico gamit din ang bibig ko.

Shemay. Nakakapangilabot. Bakit ba kahit nakakarami na siya ng iniinom, ang bango-bango pa rin ng bibig niya? Di kaya may halong mouthwash yung iniinom niya? Gusto ko rin ng edible mouthwash!!

Shete naman. Mouthwash iniinom hindi kinakain tas edible?! Utak ko!

Nakapikit lang si Mico noong kinuha ko yung lime pero nakangisi siya! Alam kong nadama niya din yung pagbilis ng hininga ko. Baliw talaga yun! Pinapakilig ako!

Naiinis ako sa sarili ko kasi gusto ko na siyang halikan pero dapat kong pigilan kasi isa iyong napakalaking pagkakamali. Lalayo nga muna ako dito kay Mico. Masyadong malaking temptation eh! Masyado akong nahuhumaling sa kanya. Alam kong magtataka itong si Mico kung bakit agad akong umalis sa tabi niya pero bahala na. Kaya after noon ay pumunta na ako sa mga nagdadart. Siyam kasi kami ngayon na nag-iinuman.

Ang Snob Squad (ako, Aleyna, Ziva, Caysa), si Avan, si Mico, si Lodine (ang sweet and pretty cousin ni Ziva), at yung ang mag-jowang kaibigan ni Caysa na hindi ko na inalam pa yung mga pangalan.

Pumunta ako kina Aleyna at Caysa na medyo lasing na na naglalaro ng dart. Hindi na kasi tumatama sa board yung mga tira nila. Ayaw ko namang tumabi doon sa mag-jowa kasi panay halikan. And I can see their tongues!! Grabe lang. Naglalakbay na nga rin yung kamay nitong si boy sa katawan ni girl eh. Dun muna ako sa tapat ng bar uupo. Meron kasing sariling bar at bartender ang VIP room na ito kaya doon muna ako.

“Your order, ma’am?” nakangiting tanong ng bartender sabay tingin pababa sa dibdib ko. Napaikot na lang ako ng mga mata.

Mr. Bad Boy's BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon