Super duper late update. Sorry. :( Di pa rin tapos ang examinations eh. Thank you sa lahat ng patuloy na sumusuporta.
Enjoooooy reading. :*
CHAPTER 28: THE POISON
Meg’s POV
Napaikot na lang ako ng beautiful eyes ko. As usual, si bruhilda nag-iingay na naman.
“Come on, Meg! Male-late na ako! Can you please move faster?!” Sigaw niya from downstairs.
It has been almost three weeks of living with that sea witch. Actually, 19 days na. Syempre markado yan sa kalendaryo ko. Markadong-markado ang araw na dumating yang impakta sa buhay naming mag-asawa.
“ANO BA, MEG! PAKI-BILIS NAMAN!! MAY JOINT PRACTICE ANG ELITES!!” Pasok sa isang tenga, labas sa kabila.
Ganyan naman lagi eh. Bakit ba kasi gusto niyang sumabay saming mag-asawa? Tansyado ko lagi ang oras ko kaya hindi ako nalelate. Si LA naman, hatid-sundo ako. Kahit ilang oras pa ang agwat ng mga klase namin, lagi kaming sabay pumasok at umuwi. At si Nina Bruhilda? Dakilang extra sa love story naming dalawa.
At pakialam ko ba kung male-late na siya sa joint practice niya?! Si Bruhilda kasi ang MVP ng Women’s Volleyball ng university namin. At ngayon pala ang araw ng joint practice ng natatanging dalawang elite universities ng bansa. Ang Pacific Coast Elite Academy na siyang university namin at ang sister-slash-rival university namin, ang Asia Pacific Academe for Elites. Kung tutuusin, magaling na player talaga to. Isa yan sa dahilan bakit ko siya naging idol. Pero dahil wala siyang leadership skills, hindi sa kanya ang captainship.
Kung maaga niyang sinabi ang tungkol sa practice na ito at hindi yung inuurada niya kami ni LA, ayos lang eh. Maiintindihan ko. Pero langya! Fifteen minutes ago niya lang sinabi!!
“WALA KA PA BANG IBIBILIS, MEG?! KANINA KA PA AYOS NG AYOS! AKALA MO BA PAG-UUSAPAN KA DAHIL SA AYOS MO TODAY OR SA KUNG ANO ANG OOTD MO?! SABI NA EH, FAMEWHORE KA TALAGA! WELL, GUESS WHAT? MAGPAGANDA KA MAN NG MAGPAGANDA DIYAN, YOU STILL WON’T MATTER.”
Nagpantig ang tainga ko sa narinig ko. Tangna! Hindi ako nagpapaganda dito!! Wala pang kinse minutos nung minadali niya akong maligo at magbihis na. Para saan? Para makisabay lang samin!! Ayos ah, baragin ko mukha nito eh!
Inhale. Exhale. Ginawa ko lang yung breathing exercise na alam kong magpapakalma sakin kahit papaano.
BINABASA MO ANG
Mr. Bad Boy's Bride
Romance[For 16+] He's one of the notorious Bellisario bad boys. She's the famous Villabela's perfect daughter. He is what he is and doesn't give a fxck to anyone. She hides her true self to protect her reputation. Their paths would never cross -- until one...