33: THEIR RETURN

28K 295 21
                                    

Dedicated sa kanya! Thank you so much for your sweet words. Nakakataba ng puso and nakakagana mag-update! :")

ENJOY READING!

Watch the video --->

CHAPTER 33: THEIR RETURN

Meg’s POV

Naguguluhan ako pero sinabi niyang mahal niya ako. Sa kanya mismo galling kaya bakit hindi ko siya paniniwalaan, hindi ba? Dapat nga ay magsaya ako at mahal niya rin ako, pero imbis na matuwa, nagduda pa ako. Napakasama kong asawa!

Napakapit agad ako kay LA at niyakap niya akong pabalik. Mainit at mahigpit ang kanyang yakap. Iniayos niya ang upo naming kaya ngayon ay sa kandungan niya na ako nakaupo at nakasubsob sa kanyang leeg ang aking mukha habang magkayakapan kami.

“Don’t mind the others, baby. This is just you and me. You didn’t marry those people and their gossips. You married me, so listen only to me. Got it?”

Sa di malamang dahilan, hindi ko magawang makapagsalita. Ito na nga siguro yung term na speechless.

“Lahat kaya kong gawin mapanatili lang kita sakin. I’ll play other people and use their feelings if that’s the way to have you stay. I’m a selfish man kapag ikaw ang usapan. Magagawa kong ipamigay ang lahat basta akin ka. Yun lang naman ang kailangan ko. Ikaw. Maraming pwedeng mangyari satin, but I assure you, I’ll never give up fighting for us. We’ll never give up, okay? Never. ” Kumalabog ng todo-todo ang puso ko sa mga salitang binitiwan ni LA. I never knew he has this side. So open, so vulnerable.

Hindi siya nagbigay ng ng kahit anong paliwanag doon sa mga sinabi ko maliban dito, pero kahit hindi ko maintindihan, sapat na rin ito sa akin kahit papaano. In time, sigurado ako, masasabi niya rin ang lahat.

Ganyan lang kami habang pinagmamasdan ang mga bituin at nang mapagod na kami, humiga kaming dalawa sa couch. Siya ang nakahiga at nakapatong ako sa kanya habang nagtetrace ng kung anu-ano sa dibdib niyang wala ng saplot. Matutulog na kasi kami.

“Would you get mad if I let everyone know we’re married? I’m actually thinking of throwing a party.” Nanlaki ang mga mata ko at napangiti ng sobra. Hindi ko macontain kung gaano ako kasaya sa sinabi niya kaya imbis na magsalita ay hinalikan ko ng lamang ng hinalikan na parang bata ang kanyang dibdib.

“Wow! If doing that would make you this happy, I should have done it a long time ago!” Pang-aasar niya sa akin bago ako halikan sa ilong.

“Yes, you should have.” At ginantihan ko rin siya ng isang halik sa ilong kaya mas lumawak ang kanyang ngiti at pinagbaliktad ang aming pwesto kaya siya na ang nasa taas.

Pinurga niya ako ng napakadaming halik sa leeg at panga. Para akong bata sa ginagawa niya pero who cares? Masaya naman kami. Nagkulitan kaming dalawa hanggang sa makatulog kami sa couch.

Mr. Bad Boy's BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon