50: JUST IN CASE

18.5K 338 31
                                    

Yey! Last chapter na! You better read my note below if you don't like how I ended this story. I hope you all enjoy this last chapter. Thank you so much for sticking with Mr. Bad Boy's Bride until its last chapter! May epilogue pa. ;)

CHAPTER 50: JUST IN CASE

Meg’s POV

“Ako muna!” Sigaw ni Caysa.

“Hindi! Meg, ako muna!” Mas malakas na sigaw ni Ziva.

“Manahimik nga kayo! Ako muna!!” Hinila ni Avan ang dalawa at siya ang pumunta malapit sa akin. Sa kanilang tatlo, siya ang pinakamalapit sa akin at binabantayan niya ako na huwag malapitan ng dalawa.

Napailing na lang ako. Ang tagal na namin huling nagkita-kita. Noong pag-alis pa ni Aleyna. Pero itong tatlong ‘to, parang imbis na mag-mature, tumatanda ata pabalik eh. Namiss ko tuloy sila. Nag-aaway-away silang tatlo dahil gusto nilang lahat umupo sa passenger seat. Sobra daw kasi nila akong namiss at gusto nila akong chikahin.

“Para kayong baliw.” Puna ko sa kanila at inilingan pa sila. Kung mga umasta kasi parang hindi sila iyong mga sikat na estudyanteng tinitingala sa university nilang ito. Nandito kasi ako sa dati kong paaralan at sinundo silang tatlo. “Mag-jack-en-poy na nga lang kayo, Caysa, Ziva. Ang manalo katabi ko ngayon tas iyong isa mamaya pag pauwi na. ‘Wag ka na, Avan. Kalalaking tao nakikisali ka pa sa dalawang ‘to. Kaya minsan nagdududa ako kung lalaki ka ba talaga o ginagawa mo lang na front itong si Ziva para di ka mahalata eh!”

“Aba, Meg! Baka gusto mong patunayan ko ngayon sa’yo kung gaano ako kalalaki? Tss. Gusto ko lang naman ng chismis. Boring ng mga buhay namin kasi wala ka na tas wala na rin si Aleyna.” Inirapan ako ni Avan at tumawa kaming tatlong babae.

“Nadiyan naman si Caysa ah. Head cheerleader ‘yan kaya puro lalaki dumudumog diyan. Si Ziva din. Paanong wala kang chismis?” Nagtatakang tanong ko.

“Iyan si Caysa masyadong nagpapakamodelong estudyante. Wala na sa bokabyularyo niyan ang mga lalaki. Ito namang si Ziva, sa akin na ‘yan nakatali habangbuhay kaya kita mo? Wala ng chismis.”

Napaikot na lang ako ng mga mata sa kalokohan nitong tatlo. Si Ziva ang nanalo kaya siya ang nakaupo sa passenger seat. Pumunta kami sa simbahan para sa rehearsal ng kasal. Bukas na kasi at masyado na akong excited at kinakabahan.

Naging maayos ang rehearsal at walang palya. Lahat excited na para bukas. Natulog agad akong ng maaga dahil bukas, kasal na! Kailangan maganda ako dahil makikita ko panghabangbuhay ang pictures ko bukas.

“Oh, Meg, ang ganda-ganda mo naman!” Bati sa akin ng isa sa mga amiga ni Mom. Nginitian ko siya at nakipagbeso-beso.

“Maraming salamat po, tita! Of course mana ako sa inyo ni Mom!” Dahil espesyal ang araw na ito, sobrang saya ko at lahat ng makausap ko, damang-dama ang kaligayahang nadadama ko.

“Mom!” Tawag ko kay Mom dahil gusto ko nang makita ang groom. “Nasaan na po ang groom? Pwede kop o ba siyang makita kahit saglit lang? Kinakabahan talaga ako eh!”

Mr. Bad Boy's BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon