29: WORTH BREAKING

28K 284 42
                                    

Dedicated to Headay. Hi, girl! Teka, tama ba spelling?

Hi, readers! Maraming salamat sa matiyagang paghihintay. :") Sorry naghintay kayo. :(

Enjoy reading!

CHAPTER 29: WORTH BREAKING

Meg’s POV

It’s already one week before the finals, tapos nun, sembreak na. Mahigit isang buwan na rin ang lumipas. At mahigit two months ko ng iniinda ang presensya ni bruhilda sa bahay namin.

Ewan ko when it started, pero I feel— well, feeling pa lang naman— na that witch is taking my husband away from me gradually.

Siguro napansin ko ito after nung malaman ko yung sinabi ni Ace tungkol sa four days na magkasama sila LA at N— Damn, I can’t say her name!

Ang dami ngang tumatakbo sa isip ko, eh. Anong ginawa nila noong apat na araw na iyon? Alangan namang nag-jack ‘n poy at pitik-bulag sila?! Ano ba kasing meron sa dalawang yun? What’s with their freaking history??! At bakit… bakit kailangan ni LA yung babeng yun?

Masakit. Pero dapat kong malaman ang sagot. It may seem so cliché, but the reality is, the truth freaking hurts.

Ngayon pa nga lang na hindi ko alam ang katotohanan, nasasaktan na ako. Paano pa kaya pag nalaman ko na?

Alam ko namang kailangan naming pag-usapan yung tungkol sa nangyari noong apat na araw na iyon. Lalo pa at hindi ko pa rin na-eexplain yung side ko at kung anong nangyari noon sa amin ni Mico. Kaya nga hindi ko magawa-gawang komprontahin si LA… dahil alam kong may kailangan din akong sabihin. Hinihintay ko yung sandaling siya mismo ang mag-open ng topic. Pero wala eh. Para kaming bumalik sa dati, yun nga lang, mayroong pader na unti-unting humihiwalay sa amin.

Hindi lang naman yung impakta yung pader na unti-unting natatayo at pilit nagpapahiwalay sa amin, eh. Marami. Secrets, lies, doubts.

Call me paranoid but yeah, I can’t seem to think that we’ll end up in a disaster.

---

*Two Weeks Ago*

 

“Fight, fight, fight! Unleash the Bellisario Beast! Beat, beat, beat! Go, Bellisario Beast!”

 

 

Napuno ng sigawan at hiyawan ang buong game stadium. Taob na taob kasi ang kalaban namin. Playoffs na kasi and this is the only win na kailangan ng basketball team namin para masiguro na pasok kami sa finals. Kaya nga nakapagdesisyon agad ang coach na ipasok si LA kahit game plan talaga ang paglalaro lamang ni LA sa finals mismo. Pero dahil medyo bigatin din ang kalaban, ipinasok na siya agad.

Mr. Bad Boy's BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon