37: KUNG SANA. PERO SANA.

20K 300 26
                                    

CHAPTER 37: KUNG SANA. PERO SANA. 

Meg’s POV

Ilang linggong pananakit ng katawan ang ininda ko para sa gabing ito. Ilang gabi akong nagpuyat para pagsabayin ang pag-aaral ko at ang pag-eensayo.

Malaking tulong din na magaling ang teammates ko. Winning would be easy.

After akong i-convince almost two months ago na sumali sa Team Sparks, ang mixed volleyball team ng Asia Pacific Academe for Elite, heto na ako ngayon. Sa aking first game.

Ang larong ito ay ang hudyat ng pagsisimula ng 89th Elite Fair kung saan sampung elite universities ang kalahok. Main event sa unang gabi ng Fair ang laro namin kaya punong-puno ang arena.

This is my last semester as a college student, and hopefully my last semester to show everyone who it is they are messing with. After this sem, graduate na ako kaya naman kailangan kong ipakita kung gaano talaga ako kagaling.

Nakakasilaw ang mga ilaw na nagsasayaw sa ere habang pinapakilala ang lahat ng myembro ng bawat kupunan.

Nalaman kong si Nina bruhilda pala ang MVP last conference kaya ang kanyang team ang nangunguna ngayon sa lahat ng mixed volleyball team. Iniwan niya pala ang women's volleyball team kung saan siya ang captain ball para makasali sa mixed volleyball. Sayang at hindi siya ang captain ball ng kanyang team ngayon. Mas maganda sana kung ganoon para mas matindi ang paglampaso ko sa kanya.

Hindi ko na namalayan na isa-isa na palang natawag ang mga kagrupo ko. Ako at si Cali na lang ang natitirang players. Si Cali ang receiver ng team namin. Gwapo ito at napakaganda ng katawan. Nakakaloko kung ngumiti at paniguradong nakakakilig kapag kinindatan ka. Pero isa rin itong malaking flirt.

I know dahil sa loob ng ilang lingo kong pagiging parte ng Team Sparks, siya lang ang naging kalandian ko. That made Mico jealous as hell pero wala siyang magagawa, siya ng naglagay sa akin sa posisyong ito. At isa pa, kasamahan niya si Cali sa men’s basketball team.

“NUMBER 14, Callen Dela Casa!!” Malakas ang hiyawan sa loob ng arena. Mas malakas pa sa sigaw ng announcer sa kanyang microphone. Not that I can blame the crowd, talagang nakakahumaling lang itong si Cali. Hindi rin pwedeng kaligtaan na isa ng sports icon ang lalaking iyan kaya nakikita na rin siya sa ilang TV commercials at shows.

Nakakatuwang pagmasdan si Cali dahil nagawa niyang i-charm ang mga tao kahit na ang 9/10 ng population ay hindi namin ka-schoolmate.

Nang matapos ang matinding pagkakagulo ng audience ay tumahimik rin sila dahil sa sinabi ng announcer.

“AND NOW, FOR THE CAPTAIN OF THE SPARKS, LET’S WELCOME NUMBER 5, MEG VILLABELA!”

Mr. Bad Boy's BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon