48: YOU ARE ...

15.7K 325 44
                                    

I know naman that not all of you reads my notes at the end but please do read this: TRUST ME, OKAY? Tiwala lang kayo sa'kin, guys. :)

CHAPTER 48: YOU ARE …

Meg’s POV

Nagising na lang ako nang nasa may isang malaking kama ako nakahiga at suot-suot ko ang polo ni LA na suot niya kanina. Napangiti ako nang maalala ko kung bakit ako nakatulog. Sa totoo lang, namimiss ko na ang pagsuot ng mga damit ni LA kaya hindi ko na pinalagpas pa ang pagkakataon. Inamoy-amoy ko ang polo niya at parang baliw na kinikilig habang ginagawa ko ito at humahagikgik na parang teenager na in love.

Oh well, teenager? No.

In love? Paano nga sinabi ni LA iyon kanina?

Ah, abso-fxcking-lutely!

Mag-isa ulit akong tumawa na parang timang.

“HOY!” Nagulat na lang ako nang biglang may sumigaw sa may bandang sulok ng napakalaking kwartong kinaroroonan ko. “Anong tinatawa-tawa mo diyan, ha?”

Nanlaki ang mga mata ko at painosenteng tinitigan si LA na tatawa-tawa na tinitingnan ako. I thrust my chin up. “Eh, ikaw? Anong tinatawa-tawa mo diyan?”

Inilingan niya ako at lumakad palapit sa akin. Hindi siya tumigil hanggat hindi siya nakaupo sa kama tabi ko. Inilapit niya ang mukha ko sa mukha niya at saka ako hinalikan sa ilong. “Eh kasi po, yung baby ko kinikilig.”

Kinurot ko siya sa gilid. “A-Anong kinikilig?! Hindi ah. Natatawa lang ako kasi yung polong sinuot mo sa akin amoy ano… amoy p-pawis!”

Kiniliti niya ako bigla. Puro tuloy hiyaw ko ang maririnig sa buong resthouse. Hindi niya ako tinantanan sa kakakiliti niya kahit na sumisigaw na ako na itigil na niya. Napahiga ulit ako sa kama at nasa ibabaw ko naman siya nakaluhod. Nasa pagitan ako ng kanyang mga tuhod. Dahil sa pagkakahiga ko, umakyat ang suot kong polo at malapit na sa may singit ko. Napalunok na lang ako nang mapansin ko kung ano na ang posisyon namin ngayon at napalunok ulit ako nang maalala kong wala nga pala akong suot maliban sa polo ni LA. Nagtama ang mga mata namin at sabay dumilim (in a freaking, good, and so damn sexy way) ang aming mga paningin.

“Shit, Meeraya. The things you do to me.” Isang bulong lang mula sa kanya, tumindig ang lahat ng balahibo ko sa katawan.

No, LA. The things you do to me.

Gusto ko sanang sabihin iyon sa kanya kaso mukhang wala na akong lakas para sabihin iyon at wala ng oras dahil si LA… Um, alam na…

***

Hindi ko alam kung anong sapak meron itong si LA dahil pagtapos ng isang round, hindi man langniya ako pinagpahinga at dinala niya agad ako sa langit.

“Kaninong garden ‘to?” Manghang-mangha ako sa malawak at malagong hardin na kinaroroonan namin. I think hindi na nga ito qualified as garden eh. It’s more like a greenhouse already. Feeling ko nga nasa langit na ako. Bukod sa malamig at sariwang hangin, every girl’s dream na ata ang magkaroon ng garden na lahat ng klase ng bulaklak ay naroon na.

Mr. Bad Boy's BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon