Dedicated to her. I can't thank you enough for believing in me and my story. Hihi! Na-touch lang ako na pinagtanggol mo ang MBBB. XD
SORRY PO KUNG NGAYON LANG ANG UPDATE! HUHUBELLS. /wrist
Meeraya's outfit for the club night --->
CHAPTER 24: FACE TO FACE TO FACE
Meg’s POV
Masakit pag naaalala ko yung tanong ni Austin sa akin nung gabing iyon. Pero mas masakit kasi hindi man lang niya ako binigyan ng pagkakataong sagutin yung tanong niya.
Pareho lang kaming natahimik at matapos ng ilang segundo, pinatayan na niya ako ng telepono.
Siguro mabuti na rin iyon. Kasi mapahanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung anong isasagot ko sa tanong niyang iyon.
Simpleng yes or no lang hindi pa ako makapamili ng isasagot. Feeling ko ang tanga-tanga ko.
Apat na araw na ang lumipas simula nung nangyari iyon. At apat na araw na rin simula nung huli kaming magkita ni Austin. Dito na kasi muna ako pinag-stay nila Mom and Dad. Hindi naman ako makatanggi since hot issue pa si Mico. At dahil kabuntot ng pangalang Mico Valdama ay ang pangalan ko, mas mabuti nga kung dito muna ako titira kahit ilang araw lang. Pumapasok pa rin naman ako pero hindi talaga kami magkita-kita ni Austin doon. Pinasabi ko na lang kay Aleyna na sabihin kay Austin na doon muna ako sa bahay namin at kung bakit. Akala ko tatawagan ako ni Austin o itetext man lang pero ni isa, wala akong natanggap. Hindi man lang niya tinanong kung okay lang ba ako.
Sabagay, ako nga hindi ko rin natatanong kung siya ba eh okay lang.
Naalala ko naman yung isang special segment ng isang magazine show na ipinalabas kagabi. Tungkol iyon sa mga prominenteng pamilya dito sa Pilipinas. At meron pang special segment para sa akin! At ang title? “The Perfect Life for the Perfect Daughter”
Gusto kong tumawa ng nakakaloko. Para kasing timang eh. Kung perfect ang buhay ko, bakit puro problema? Kung perfect ako, bakit ang dami kong pagkakamali?
Ang dami-dami kong pagkakamali…
Sa sarili ko, sa pamilya ko, sa mga kaibigan ko … Gahd, pati kay Austin na asawa ko!
Biglang umihip ang isang malakas na hangin at nahawi ang ilang buhok ko.
Para tuloy ang sarap maging hangin. Walang nakakakita, walang nakakaalam kung kelan sila darating. Ang mahalaga, nadarama sila. Gusto kong maging tulad ng hangin. Yung hindi ako nakikita. Yung tipong mararamdaman nila ako bilang ako at hindi dahil nag-fifeeling lang sila na nadarama ako kasi alam nila kung kelan ako nariyan. Gusto kong maging malaya tulad ng hangin. Gusto kong maging malaya bilang ako at hindi lang ako nakukulong base sa mga paningin ng mga tao sa akin. Gusto kong ipakita ang tunay na ako.
BINABASA MO ANG
Mr. Bad Boy's Bride
Romance[For 16+] He's one of the notorious Bellisario bad boys. She's the famous Villabela's perfect daughter. He is what he is and doesn't give a fxck to anyone. She hides her true self to protect her reputation. Their paths would never cross -- until one...