42: BEACH ELITE

17.8K 300 24
                                    

Nakakaloka kahapon sa Wattpad meetup! Nakailang hugs ako kay Kuya James Andres! May backhug pa. Love love! <3

Video ---->

CHAPTER 42: BEACH ELITE

Meg’s POV

“Matagal ka na dito sa bansa pero ni hindi mo man lang kami nagawang bisitahin! What a friend you are.” Umikot ang mga mata ko dahil sa pang-ilang beses na itong pagmamaktol ni Avan.

Tinignan ko si Caysa na nakangiti lang sa amin ni Avan habang si Aleyna naman ay nakapangalumbaba at tulalang iniikot-ikot ang straw ng kanyang shake. Si Ziva naman at ako ay nag-uusap. Nasa back booth kami ng resto-bar na ito dito sa beachs nap ag-aari ng isa sa other Elite universitie kung saan dinadaos ang 10th day celebration ng 89th Elite Fair. At dahil ngayon ang 10th day, tradisyon na na ang patimpalak na Beach Elite kaya dito kami nagtatago ngayon.

“Ang daldal naman nitong boyfriend mo. Ano bang nagustuhan mo sa kanya, ha?” Biro ko kay Ziva na siya namang napa-ungol na parang naiirita pero ay nagbibiro lang naman.

“Malay ko ba. I used to like him a lot ‘cuz he’s so funny and very, very gay. Now that he’s such a guy who’s always feeling macho, hindi ko na alam kung bakit ko pa yan boyfriend. Imagine, binantaan ba naman niya lahat ng guy friends ko na layuan ako dahil siya lang daw ang pwedeng lumapit sa akin na lalaki!” Natawa kaming lahat maliban kay Aleyna na ngumi-ngiti lang bahagya pag tumatawa kami. Nagpatuloy na rin si Ziva sa pagkwento tungkol sa kanila ni Avan at hindi na natapos ang pagtawa namin.

“You know what, Meg, we missed you so much, so it’s definitely good to have you back.” Masayang sambit ni Caysa. Napangiti rin ako kahit na medyo naluluha ang mga mata ko. I miss my Snob Squad! Miss ko na ang mga babaeng ito at pati na rin yang si Avan na ubod ng kulit.

“Miski nga ang cheer squad ay miss ka na rin. Buti na lang talaga at hindi ka sumali sa cheer squad ng Asia Pacific!” Nagtawanan ulit kami at sinabi nila na suportado daw nila ako sa pagiging captain ball ko ngayon sa mixed volleyball team ng university namin. Kahit naman magkalaban ang mga university namin, suportado pa rin namin ang isa’t isa.

Naikwento nga rin pala nila na kumaunti daw ang mga nanonood ng basketball practices at games noong nawala si LA at binahagi ko rin sa kanila ang buong nangyari sa amin noon ni LA. Wala akong iniwang parte kaya ngayong alam na nila ang buong kwento, naiinis sila sa akin dahil hindi ko daw sinabi sa kanila. Miski nga si Avan na nagtatampo pa rin sa akin ay kinaiinisan ngayon nila dahil nanahimik daw ito kahit alam niya ang nangyari sa akin.

“Girls, don’t blame Avan. Ako ang naglihim and he respects my decision to let you uninformed of my situation kasi syempre, it is my story to tell. Besides, hindi naman lahat ay alam niya.”

Nagkwentuhan pa kami at pinakwento nila sa akin kung ano na ang mga nangyayari sa amin ngayon ni LA. Nang mapagod kami sa pagkwekwentuhan, naisip naming lumabas at magpaaraw na. Sayang nga naman ang mga bikini na suot namin under these maxi dresses. Isa pa, baka tapos na ang paghahanap sa mga pwede maging contestants sa Beach Elite. Iyon kasi ang pinaka-coveted na title para sa lahat ng mga nasa Elite universities since ang mga magiging contestant doon ay hinahatak ng mga bigating judge papuntang stage kapag nagandahan o nagwapuhan sila dito. Most coveted ito dahil kilalang mga tao ang laging mga kinukhang judge at kahit sino ay maaaring makuha. Wala namang gagawin doon kundi magpacute, rumampa ng naka-swimsuit, at magpakita ng talent tapos bahala na ang mga tao sa gusto nilang manalo. 75% kasi ay people’s choice at 25% naman ang desisyon ng judges.

Mr. Bad Boy's BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon