38 : NAARGABYADO

20K 342 61
                                    

CHAPTER 38 : NAARGABYADO

Meg’s POV

Ang buong semester na ito ang duration ng conference at ang nangyaring Elite Fair ang umpisa. Twenty consecutive days ang fair na gaganapin sa bawat Elite university and academy per two days at ngayong fiftth day nito, ang PCEA ang host institution for the day. That is why I’m not sure if I want to join today’s activities. Ayaw ko pang bumalik sa lugar kung saan puno ng pananakit at pagpapahiya ang naramdaman ko.

Maraming games and activities ang nakalaan para sa lahat. May mini-theater sa Auditorium 3, may iba’t ibang rides na nakakalat sa buong PCEA, may iba’t ibang programs, at syempre, may booths din. And tulad ng ibang sports, layon ng fair na ito na maging magkakaibigan din ang mga magkakalaban kaya bawat sports, lahat ng team ay may iisang booth na dapat i-manage at pakitain.

Unfortunately for me, this means na kailangan kong pakisamahan si Nina bruhilda. But since pretending is what I’ve done my whole life, madali lang ito. It may be easy to pretend, but it won’t be easy to ignore my bitterness.

Hinatid ako ni Mico dito sa fair bago pa siya umalis muna papunta sa dad niya since may mga inaasikaso silang mga kung anu-ano. About the joint project with my dad and brothers, I guess. Nakita ko agad si Aleyna pero tatawagin ko na dapat siya nang nakita ko kung sino yung nasa likod niya.

That same built I used to adore. That same manner of his lips that goes lopsided whenever he's smiling. And those steel gray eyes. Those same eyes that bewitched me and put me under a spell. Those same gray eyes I loved seeing first thing in the morning.

Tumalikod agad ako at kumaripas ng takbo papunta sa booth namin. Ayaw kong makisama kay Nina pero mas ayaw kong makita siya ulit. This is not yet the time to see him. Ang dami tuloy na mga tanong ang tumatakbo sa isipan ko ngayon. Bakit ba siya nandito ulit sa Pilipinas? I heard he stopped studying, so why is he here in this institution? Is he here for that slut I used to be friends with?

I smiled bitterly as that last question popped into my head. Bakit ba lahat na lang nakapag-move on na? Bakit parang ako na lang ang hindi?!

Maybe I should start moving on, too. After all, moving on is the best give I could give to myself.

---

Late akong nakarating sa practice ng sayaw. Naisip kasi ng mga kasamahan ko na magandang pang-engganyo sa booth namin kung magsasayaw kami. Mukhang enggrande kasi ang mapapanalunan ng booth na may pinakamataas na sales. Pero ayos lang din na late ako since I don't intend to join that ruckus. Mag-aassist na lang siguro ako later sa mini games.

Maingay ang buong field pero walang sinabi iyon nang tumunog na ang remix na sasayawin dapat naming lahat sa booth.

Shit! Wrong timing pa ako. Bakit ako napadpad dito sa oras na to??! Err. I must admit, ang hot tignan ng guys habang sumasayaw. Lalo na si Cali. Effortless ang pag-indak niya sa music at pamatay ang ngiti. No wonder ang daming babaeng tinitili ang pangalan niya. Natapos ang tugtog at nagsasalita na si Nina sa microphone, nag-aanyaya sa mga nandito na subukan ang booth namin. Nasa kalagitnaan siya ng pagsasalita nang dumagundong ang buong field sa lakas ng tugtog ng speakers. Miski ako ay napaindak sa intro pa lang ng tugtog.

Mr. Bad Boy's BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon