16: NIKE LAND

61.1K 734 128
                                    

Dedicated to my new found friend, Lodine! Thank you so much for your support, girl! :*

BAKIT GANYAN ANG TITLE??

WELCOME TO NIKE LAND!!

WELCOME TO THE PLACE WHERE YOU   "JUST DO IT".

Gets mo ba? XD

ENJOOOOOOOOOOOOOOY!

 

CHAPTER 16: NIKE LAND

Meg’s POV

Austin.

Just looking at him makes my blood boil, but in a good way. Ewan ko ba. Ang alam ko lang I really want him and now, I know where I stand when it comes to him. He kisses me with so much intensity and passion and I return the favor by kissing him with the same intensity and passion.

Hinalikan niya ako sa leeg at marahan akong inihiga sa kama.

Waaah! Saan na to hahantong? Shemay!!!

Che, Meeraya! Alam mo naman saan hahantong to eh! And what’s with the “hahantong” word? Ang lalim ah! Ganyan ba talaga pag makikipag-Nike moves sa asawa?? Admit it, girlie, pinagnanasaan mo ang asawa mo!!

OMG. Inaadmit ko na!! Pero masama ba yun? Eh asawa ko na naman si Austin eh at bilang mag-asawa, privilege namin na gawin yung … yung … basta yun na yun!

Haaays. Ang pa-virgin ko naman. Isa pa ulit na haaaays.

Sa sobrang pagkalibang sa pagkausap sa sarili ko, di ko na namalayang naalis na pala ni Austin yung dress ko at imbis na parang nag-aalab na tingin yung binibigay niya sa akin, angry eyes meet my gaze. Hala? Anyareee?

“Who. The. Fxck. Hurt. You?!”

Nun ko lang napansin na di pala sa akin nakatingin si Austin kundi dun sa tagiliran ko pala. Di ko na kasi tinakpan pa ng make-up yun eh. Yung mga braso at balikat ko lang…

Napatingin ako sa mga braso ko at ganun din siya. Bigla niyang hinawakan yung kanan kong braso kaya medyo nasaktan ako. Walang tunog na lumabas sakin kasi … baka makahalata siya. Ayaw ko namang malaman niya yung tungkol sa pananakit sa akin ni Cade. Bukod sa nahihiya ako sa kanya, nanliliit din ako. Okay na sana eh… Kung di lang siya agad tumingin sa mukha ko at nakitang kunot-kunot na ang pagmumukha ko para lang matago yung sakit.

Hinawakan niya yung baba ko. “Stop biting your lips so hard. It only hurts you more.” Hindi ko napansing sa sobrang ayaw kong sumigaw dahil sa sakit, kinakagat ko na ng madiin yung labi ko. Pero nakakagulat yung malumanay niyang boses kahit na kitang-kita ang galit sa kanyang mga mata.

Mr. Bad Boy's BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon